SANA NGA!!!

32 0 0
                                    

Ana POV

Kakainis yung "maid" na yun ah.!!

Bakit ano bang mayroon sa babaeng yan halos lahat na lang ng mahal ko sa buhay ay kinukuha niya?

Kagabi yung mga magulang ko, ng sinabi ko sa kanila na sinagot sagot ako ng isang katulong, aba imbes na paalisin ito ay ako pa ang pinagalitan nila. Kesyo daw ako ang may mali na ginawa,kesyo daw dapat ko ring pakisamahan ang mga katulong dito sa bahay.

At dahil sa maid na yan ay bawal ang gadgets sa loob ng isang linggo.

Yun daw ang parusa ko...

At ngayon pati si Nairde na bestfriend ko at mahal ko higit pa sa kaibigan ay inaagaw na nya rin?

WTF lang e nu?

Kanina ko pa sila pinapanuod ni Nairde sa may pool, at ang bruha ay tuwang tuwa pa kasi pinapalabas pa niyang tanga si Nairde.. Sumusobra na talaga siya ah, well hindi pa kasi ako nakapag plano sa sinsabi niyang WAR not today but someday * evil smile*

Bhel POV

Atsinggg, pambihira naman oh. Bakit ang kati ng ilong ko. May kasabihan kasi na "kapag makati yung ilong mo ay may masamang binabalak laban sayo".

At kung sino ka mang pinchong pilato ka ay "witch" ka.

Andito ako sa may kwarto ko nagbibihis at papunta na ako sa may kusina para tulungan si Nanay sa pagluluto para sa tanghalian.

Nanay: Nak narinig ko yung sagotan niyo ni Ana nung isang araw. Alam mo ba nun ko lang siya nakitang lukot na lukot ang mukha at halatang inis na inis sa pinag sasabi mo kasi puro naman tama un.Panahon na siguro para turuan ng tamang leksyon yang batang yan..

Ate Jen: oo nga, at sa wakas may katapat na siya ngayon at ikaw yun Bhel..

Sabi naman ni Ate Jen na biglang sumulpot dito sa kusina,,

Bhel: oh ate, san kagaling?

Tanong ko kay Ate kasi wala na akong masabi, masyado na akong na Flaflatered.. hahaha tama ba yun?

Bhel: At nay, tama po kayo na panahon na siguro para magbago ang paguugali ni Ana. Sino ba ang makakatagal ng mga katulong dito maliban sa inyo ni Ate. Na kayang pakisamahan ang pag uugali niya. At alam nyo po, pag bumait yan si Ana sigurado ako na matutuwa sina Maam at Sir magiging proud pa ang mga to. At ito pa ang matindi, mamahalin din siya ng mga taong mahal niya..

Ate: ay Bhel mag bilang-anghel ka sana. Para naman maging maganda ang ikot ng kwentong 'to..

Bhel: Nay ano ba ang lulutuin? At nang masimulan na kasi yung mga "alaga" ko sa tiyan ay malapit ng magwala..

Pag iiba ko ng usapan, masyado na kasing seryoso..

Ate: ano ba yan Bhel, ang takaw mo talaga buti hindi ka tumataba?

Bhel: hahaha nagsisimula pa lang ako te, hayaan mo pagkalipas ng ilang araw ay mataba na ako. Para pag once na nag sagutan kami ulit ni Ana ay ibabalandra ko na siya..*smirk*

Ate at Nanay: hahahahaha, pambira.....

Bhel: oh anu na nga 'nay ang lulutuin? Para ma simulan na?

Ate: teka lang, ichika mo naman yung nangyari sa inyo ni Nairde sa may pool? Dali...

Ano ba to si Ate, umandar na naman ang pag ka chismosa niya.

Bhel: kasi ate, hahahaha

Hindi ko na kasi alam kung panu ikwento yun kasi napaka priceless talaga ang itsura ni Nairde nun

Nanay: Jen simulan na natin mag luto kasi si Bhel gutom na talaga kasi tingnan mo oh bigla bigla na lang tumatawa diyan..

Bhel: sige 'nay luto na tayo, gutom lang kasi yata to..

Pag-sang-ayon ko kay Nanay,kaysa naman pag usapan ang nangyari kanina samin ni Nairde sa pool

Ate: ano ba yan, sige na nga...

Buti naman at pumayag na si Ate, at tungkol dun sa pinag usapan namin kanina. Ang tungkol kay Ana,

Sana nga,

Ala sige diyan muna kayo reders ah magluluto muna ako/kami ...

--------------------------------------------

Ms.J: thankies... ^_^

"MY PRINCE CHARMING"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon