New Characters!!
( continuation of their vacation)
Jacob POV
Zzzzzzzzzz
Zzzzzzzz
Watta?? Hindi na ako makatulog ulit bukod kasi sa masakit ang batok ko sa pagbatok sa akin ni Bhel ay nagwawala na rin kasi tong mga alaga ko sa tiyan. In short gutom na ako. Tiningnan ko tong kasama ko na si Kuya Calvs, ang sarap ng tulog nakaheadphones siya at shades kaya ayun ang himbing ng tulog niya. Kainggit naman.
Dahil sa no choice ako ay bumangon na ako at nagpasyang pumasok sa loob ng bahay nina Bhel para maki kain.
Pero
Tao po!! Waahhh o m j, may koreano pala dito sa bahay ni Jane bakit di ako na inform?. Ang tyaka ko pa naman ngayon gosh
May isang babae na biglang sumigaw at nag monologue na lang. Hindi ko siya pinansin nakakairita kasi at gutom na talaga ako
Pssst mr. Pogi, wait sino kaba? At tyaka andyan ba si Jane?
Tanong niya sa akin, tumigil ako sa paglakad pero hindi ko pa siya nililingon. Sasagotin ko na talaga siya pero
What the? Kitang may natutulog dito pero bakit ba ang mga tao dito hindi makaintindi ng simpleng salitang wag maingay? Hoi babae ano ba pinaglalaban mo ah? Ang sarap ng tulog ko at ikaw biglang sumulpot na nag iingay? Are you still a woman? Ang ingay tsk
Biglang nagsalita si Kuya Calvs *smirk* . Itinuloy ko na lang ang paglakad papasok sa bahay nina Bhel, bahala sila dyan magkarambolan. Isa rin kasi yan si kuya Calvs istorbohin mo na lahat wag lang ang pagtulog niya kundi mangangain talaga yan ng tao hahaha
( ms. J: wow marunong ka na palang tumawa ngayon Jacob?)
What ever ms. J, nang makapasok na ako ay na naabutan ko silang masayang kumakain at nagkwekwentuhan.
O my dear twins, is it real you're here? Halika kain tayo, tikman mo tong sinuman na niluto ko hahaha ang sarap kaya..
Pagyaya ng kakambal ko na si Marky, nag nod lang ako at tumabi kay Bhel.Wala na kasing bakanteng upuan maliban sa tabi niya. Ang brutal pa naman niya tsk
Hoy Marky mag hunos dili ka nga, luto yan ng Mama ni Bhel at hindi ikaw ang nagluto. ikaw naman Jacob kumain ka na nga masyado kang pa VIP arghh
Sabi ni Ana, hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako.
Patuloy pa rin sila sa pag kwekwentuhan, sumasagot lang ako pag kailangan. Kahit na napipilitan lang ako kasi naman itong katabi ko kung hindi ako sasagot ay nakakatikim ako ng batok at siko tsk sabi ko na nga ba magiging ganito ang kahinatnan ko.
Hmm excuse lang po ah, may isang babae kasi dun sa labas kanina na hinahanap ka ata Bhel. Ikaw naman si Jane di ba?
Tanong ko kay Bhel, biglang nanlaki ang mata niya, nagmadali siyang tumayo at lumakad palabas.
Anyari dun?
Waaah ma pa. Labas kayo dali. Dala kayo ng alcohol at bulak bilis
Biglang sumigaw si Bhel sa labas, dahil doon ay na curious sila kaya lumabas din para tingnan kung ano ba ang nangyari. Pero ako hindi naman ako isang tsismoso kaya di na ako sumama. Kumain na lang ako, well naka ilan na ba ako ng kanin? Hindi ko na kasi namalayan ang sarap kasing kumain lalo na't ang sarap ng mga ulam. Ganito ang gusto kong pagkain ang mga lutong bahay.
BINABASA MO ANG
"MY PRINCE CHARMING"
Teen FictionOh My Prince Charming!!! BTW, i'm Jane Bhel Lopez, isang probensyana na hanggang ngayon ay naniniwala pa sa mga Ideal Prince Charming. Tara at samahan nyo ako na hanapin siya. Pa'no kung sa paghahanap ko sa kanya ay marami pa akong matuklasan tungk...