KATH'S POV
Patapos na ung school year... Strong pa din sina Dj at Sofia. Iba talaga ung naging effect nung relationship nila sakin. Halos bumaba na lahat ng grades ko, hindi na rin ako makasagot sa exams and recitation. Halos hindi na nga rin ako nagbubuklat ng bag at libro ko eh. Kain-Iyak-Tulog yan lang naging buhay ko. Ilang beses ko na din pinahiwatig kay Dj na mahal ko siya, pero si Sofia pa rin eh. Si Sofia pa rin ung nasa puso at isip niya.
"Kath, okay ka lang ba? Para ka kasing may problema eh." Tanong ni Dj.
Hindi ako okay, ikaw nga ung problema ko eh. Kung may lakas lang ako ng loob, matagal ko nang sinabi kay Daniel ung totoo kong feelings eh.
"Okay lang ako. Inaantok lang siguro ako."
"Halos araw-araw ka nalang ganyan. Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Oo, okay lang ako." pero ung puso ko hindi...
-LUNCH-
Pagkatapos nung klase ko, nagpunta ako sa student's park para kausapin si Julia. Gusto ko na kasing sabihin sa kanya eh. Para kasing hindi ko na kaya.
"Hi bes! Bakit?" Masayang bati ni bes sakin.
"Bes juls, may sasabihin ako."
"Ano un?" Seryosong tanong niya.
"Ang sakit Juls. Sobrang sakit." mukhang nagets naman niya ung sinabi ko."
"Alam ko na lahat yan Kath. Di mo na kailangan magpaliwanag. Wag ka na kasing umasa Kath."
"Gustuhin ko man pero hindi ko talaga kaya eh. Kahit anong gawin ko, siya pa din eh. Si Dj pa din." Ayokong umiyak. Wag ngayon, wag kay bes. Dapat maging matibay ako.
"Kath sundun mo ang puso mo. Handa ka pa bang masaktan? Forever ka lang ba magpapakatanga?"
"Hindi ko alam Julia. Basta hindi pa ako handa para sabihin kay Daniel ung true feelings ko."
"Kailan ka ba magiging handa? Habang pinapatagal mo, mas lalo ka lang nasasaktan." Siya.
Umiiyak na nanaman ako. BAKIT BA KASE SOBRA KONG IYAKIN EH :'(
"Lagi lang ako nandito sa tabi mo Kath. Kung may problema ka, andito lang ako."
Niyakap ako ni Julia. Sobrang sweet talaga ni Bes. Atleast ngayon, mas gumaan ung pakiramdam ko.
-----------------------------------------------------------------------------------------
HELLO! *kaway* Sorry medyo maiksi lang ung UD. Anw, mangyayari lahat sa 15. Kaya subaybayan niyo, chos. Thank you sa reads!
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)
FanfictionAlam mo ba ung pakiramdaman na mahalin ng isang taong may mahal nang iba? Gugustuhin mo bang ipaglaban siya o magpaparaya ka nalang dahil natatakot ka posibilidad na hindi ka niya rin mahalin? Anong gagawin mo kapag nainlove ka, nainlove ka bestfrie...