BKM- 6

242 18 6
                                    

CHAPTER 5

KATH'S POV

Maaga kaming dinismiss ngayon para daw makapaghanda sa commercial na gagawin namin. Nagtext na ako kay manong na sunduin kami at gamitin ung van.

To: Manong

2:26 pm.

Manong, pasundo na po. Ung van nalang po ung gamitin niyo kasi po may pupunta akong classmates sa bahay. Thanks po.

Andito ako ngayon sa parking lot kasama sila Dj, Juls, Quen and Sofia.

"Guys, may plano na ako kung anong gagawin natin na teleserye teaser." Juls, siya kasi ung director eh...

"Ano?" We all said in chorus.

"Diba sila Kath, Dj at Sofia ung actors? Kunwari parang ung isa legal wife ung isa kabit. Tapos magsasampalan sila. Kasi mahal ni Dj kunwari kayong dalawa."

Ako ung legal wife, kunwari kabit lang si Sofia. Malandi kase eh.

"Exciting." Sambit naman ni Quen.

"Ganun ba talaga Juls?" worried na tanong ni Daniel. Bakit? seems like exciting un eh.

"Oo. Maganda kaya."

Sakto naman at dumating na ung van. Nasa tabi shotgun seat si Quen.

Tapos ako at Juls. Sa pinakalikod sila Sofia at Dj. I admit it, nagseselos ako. Pero pabayaan mo na, ako parin ung legal wife, dejokee! ^_^

Nakarating na din agad kami sa bahay, dumeretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay. Simple Sweater lang siya na cropped tapos shorts. Medyo malamig kase eh.

"Anong plano?" Tanong ni Sofia.

"Diba sinabi na ni Julia kanina? Nakikinig ka ba?" Prankang tanong ko.

"Hindi kita ung kausap ko."

"Kung hindi ako, sino? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

Inirapan niya lang ako. Why so pikon Sofia? Sayang naman ang beauty mo. Ay, I mean wala ka palang beauty.. Niloloko ko lang sarili ko.

Inayos na ni Quen ung camera sa may garden. Maganda kasi dun magshoot kase fresh ung air tsaka maganda ung grasses and plants.

"Guys, ganito. Si Kath ung legal wife tapos si Sofia ung kabit. Ang ipapakita natin sa teaser kung pano kayo magagalit sa isa't isa tas sino magkakatuluyan sa huli." Juls explained.

"Sino bang magkakatuluyan sa huli?" Daniel.

"Obviously, kayo ni Kath kase diba si Bes naman talaga ung dapat." Sagot ni Julia.

Parang dalawa ung meaning nun ah. Pero keri na din.

Nagstart na kaming magshoot. Unang scene eh happy pa kame nila Dj, wala pa daw si Sofia.

"Lights camera, ACTION" Julia

"I love you babe." Dj. Sana nga totoong i love you nga un.

"I love you too, babe." I answered sincerely. Parang kunwari sinasabi ko dahil sa scene pero buong puso ko un gustong sabihin sakanya.

(PS: You can check the multimedia ———>)

Tapos kunwari hinahabol niya ako, mga ganun. Sweet moments daw eh. Alam mo naman itong si Ms. Director namin, ang daming arte.

Maganda naman ung scene 1 namin. Nagchange outfit lang ako tapos scene 2, ayun ung makikilala na ni husband ay mean ni Dj si epal na kabit, este Sofia pala.

"Scene 2, lights camera, action" Sigaw ni Bes.

Hindi ako kasali dito sa scene 2 eh, kunwari magkakabungguan sila Sofia at Dj.

*bogsh*

"I'm sorry, sorry" Dj tapos tinulungan niyang makatayo si Sofia.

"O-okay lang. Anong pangalan mo?" feel na feel naman si epal ung line niya.

"I'm Daniel, Daniel."

"Sofia, Sofia Andres" tas tititgan moment sila. Kahit labag sa kalooban ko na titigan sila, no choice eh. Pero pabayaan mo na, ako pa rin ang legal wife.

"Cut, next scene." Sabe ni Juls.

Nagready na kaming actors. Third scene is ung makikita ko na may affair sila Dj & Sofia. Medyo mabilis ung flow ng story kase nga teaser lang naman itong ginagawa namin. Nagstart na agad ung scene 3.

Kunwari naghahalikan sila Dj and Sofia pero hindi talaga, ieedit daw un.Tapos dumating ako, sinampal ko agad si Dj kahit sobrang ayaw ko.

*slap*

"Ang kapal ng mukha mong lokohin ako!"

"Babe, let me explain." Siya

"Wag na wag mo akong tatawaging babe!! Magsama kayo ng kabit mo!" Sabay lakad papalayo.

Tapos cut na ulet. Nagready na ulet parang nagfoundation lang ako saglit tapos scene 4 na. Ung scene four is kunwari sinusuyo ako ni Dj. Parang niyayakap ganun.

Syempre, feel na feel ko. HAHAHA pabayaan mo na, minsan lang toh.

Last scene na, ung magkakabati kame ni Daniel my loves. Parang dito papatawarin ko na siya.

Lumuhod siya sa harap ko.

"I'm so sorry babe. Promise hindi na mauulit. Just give me one last try, one last chance Kathryn."

I hugged him tightly.

"I love you babe." Sabe ko.

"I love you more, babe."

"Cut, galing!" Julia.

Hay, natapos din. Masaya naman ung pagshoshoot namin. Pagkatapos, inayos na namin parang pinagsama-sama na namin lahat ng scenes habang kumakain ng chips.

Maganda naman ung kinalabasan, after nun, umuwi na din agad sila kase magkakagabi na.

————————————————————————————————————————————-

Hi! Sorry ngayon lang ung update. Medyo naging busy kase ngayong weekend eh. Syempre aral aral tsaka pasyal pasyal. Sana nakabawi ako dito sa chapter na toh.

Thanks! ;)

Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon