BKM - 13

182 14 4
                                    

CHAPTER 13

JULIA'S POV

Naawa na talaga ako kay Kath, sobrang nasasaktan na siya. Pero hindi ko rin naman masisi si Daniel, hindi naman niya intensyon na saktan si Kath. Sobrang mahal na mahal na talagi ni Kathryn si Daniel. Kaso nga lang, iba ang mahal ni Dj, at si Sofia un.

Anw, 5 months na nga palang nanliligaw si Quen. Mabait na man un eh, loving, sweet, sporty at gwapo. Parang ideal man ko ganun. Actually, mahal ko na rin un eh. Ayaw ko pa siya sagutin kasi hindi pa ako handa na magkarelationship. Unang relationship ko kase toh eh. Tsaka alam nanaman un ni Quen and he respects my desicion.

Andito kami ngayon naglalakad. Ihahatid niya daw ako, mapilit. Walking distance lang naman 'to sa school eh. Si Kath naiwan dun, may gagawin daw eh.

"Julia, kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong niya.

"Soon." Maiksing sagot ko.

"Kailan ka yan yang soon na yan?"

"Malapit na. Di mo mamalayan, tayo na pala."

And we both laughed.

"I love you Julia."

Gustong gusto ko ng sumagot ng "i love you too" Pero irereserve ko nalang 'to sa special day na sasagutin ko siya.

"Oh, andito na pala tayo. Gusto mong pumasok?" Pagiiba ko ng topic dahil napansin ko na nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Ay hindi wag na. Sige mauna na rin ako." I notice the sadness on his face. Aw, such a cutie.

"Okay, thank you sa paghatid. Ingat!" I said as I waved my hand as a sign of goodbye.

Nung nakaalis na siya, pumasok na rin agad ako.

Its confirmed, I really love Enrique.

KATH'S POV

Andito na ako school garden. Nagmumuni-muni. I want to bond with myself. I opened the gallery on my phone, at unang lumabas ung picture namin ni Daniel. We look so perfect together, kaso lang he loves somone, more than me.

Inoff ko na ung cellphone ko at nilagay sa pocket ko. Kasi ung titigan ko lang un buong magdamag, iiyak nanaman ako. And dami ko na ring luha ang nasayang. Pagod na pagod na akong umiyak. Sabi nga sa quote..

"Sick of Trying

Tired of Waiting

Yes I'm Smiling

But inside I'm dying."

Sobrang sakto ung quote na un sakin eh! Kaiyak.

Heto ako, nakaupo sa grass. Looking up in the sky, tinitingan ung sunset. Ang ganda nung araw. Sana ganyan din kaganda ung pagmamahal sakin ni Daniel. Siguro sa ngayon, magsama silang dalawa. Nagsasaya.

Unti-unti nang lumulubog ung araw. Nakakarelax tingnan. Nakakaamaze.

DANIEL'S POV

Heto kami Sofia, nasa Max, nagdadate. Ang ganda talaga ni Sofia.

"Anong gusto mo babe?" Tanong niya sakin.

"Ikaw. Mabibigay mo ba un?"

She smiled. "Ikaw talaga. Ano nga?"

"Kung anong order mo, ayun nalang rin sakin."

Tas tumawag siya ng waiter tas sinabi ung order namin. Tas nagwink ba siya sa waiter? O_O PARA SAAN UNG WINK NA UN??

"Bakit ka nagwink dun sa waiter?"

"Ano ka ba? Wink lang un. Wag ka ngang seloso!" Tas inirapan niya ako.

Bat ang taray nito? Kanina lang natawa pa siya eh. Dumating na ung order namin and we started eating.

Napansin ko naman na may dumi siya sa may labi niya kaya kumuha ako ng tissue at nang pupunasan ko na ung dumi.

"Ano ba?!" Pagtataray niya.

"Pupunasan ko lang naman ung dumi sa labi mo."

"Kaya ko naman eh!! Sabihin mo nalang kasi." Tas inagaw niya ung tissue tas pinunasan ung dumi niya sa labi.

Bat ganun un?? Hay -_-

—-—-------—---------——------—----------------

Hello! Baka next week na ulet ung next update ko kasi finals na namin. Take note: mangyayari lahat sa 15  :)

Pabitin ba? Hehehe. Abangan niyo nalang ang susunod na kabata ng BKM XD HAHAHAHAHA!!

Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon