BKM - 15

174 15 5
                                    

CHAPTER 15

KATH'S POV

Andito ako ngayon naglalakad papunta sa park. Iniintay si Juls. Galing kase siya sa school tas magmall daw kami.

Pumunta muna ako dun sa may swing. After 5 minutes, nagtext si Bes.

From: Bes Juls

2:34 p.m

Bes! Nagyaya si Ella sa bahay nila eh. Di naman ako makatanggi. Balik ka na lang sa bahay. Sorry talaga. Babawi ako. Mwa :*

Magisa nanaman ako dito. Nagdecide muna ako na magstay. Wala din naman akong gagawin sa bahay.

Eto nanaman ako, si Daniel nanaman ang iniisip ko. Hay.

(PS: You can play the music in the multimedia for better reading ------>)

"Masama ba magmahal? Bakit ko pa kailangang masaktan?" bulong ko.

"Hindi naman masama magmahal eh. Ang kaso lang dun, pag nagmahal ka, dapat handa ka ding masaktan."

Sino un? Lumingon ako dun sa kabilang swing. 

Nakita ko siya. Ung taong minahal ko, ung taong sinasaktan ako hanggang ngayon. Nagkatinginan lang kami, walang nagsasalita. Hanggang sa may tumulong luha sa mga mata ko.

"Sobrang sakit kase eh. Alam mo kung bakit? Kase dun ka pa nainlove sa bestfriend mo, sa bestfriend mong manhid."

Tumayo ako at naglakad palayo. Hindi ko kaya, tuluyan na akong umiyak.

"Kath!" tawag sakin ni Daniel.

Hindi ko lumingon. Ayaw ko siyang makita.

"Kathryn! Ano bang problema?"

"Wala nga akong problema. Wala." hindi ko siya tiningnan. 

"Ano ba Kath. Kilala kita eh. Alam kong may problema ka." Sabi niya.

"Wala nga akong problema! Tsaka pede ba iwan mo muna ako." Naiyak pa din ako.

"Kath, magsabi ka nga ng totoo! Ano ba kase ung problema?!"

"Gusto mong malaman ung problema? IKAW! IKAW UNG PROBLEMA KO. Ikaw ung dahilan kung bakit ako laging malungkot! IKAW!"

Natahimik naman siya. Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita siya.

"Pero bakit ako?" Napansin ko namang may nabubuo nang luha sa mga mata niya.

"Bakit? KASE MAHAL KITA. Hindi mo un alam noh? Kase manhid ka! MANHID. Napakamanhid mo!" Lahat na ginawa ko para maparamdam sayo na mahal kita. Pero wala eh. Hindi mo pa rin mapakiramdaman. Naalala mo nun? Ung galit ako sayo dahil magkasama kayo ni Sofia? Kase mahal kita. Sa tuwing magkwekwento ka tungkol sakanya, parang tinutusok ung puso ko. Kase sobrang sakit." Yan. Finally nasabi ko na rin. Nasabi ko na rin ung nilalaman ng puso ko.

"S-sorry. Hindi ko alam Kath. Hindi ko alam."

"Kase nga manhid ka! Alam mo nung sinagot ka ni Sofia? Parang kalaban ko ung buong mundo eh. Kase Dj nagmahal lang naman ako eh. Bakit sobrang sakit nung kapalit? Ilang beses na kitang sinubukang kalimutan. Pero ikaw pa rin eh. Ikaw pa rin."

"Sorry Kath. I'm so sorry."

"Sige mauna na ako. Baka hinahanap ka na ni Sofia."

Umalis na ako. Siguro kailangan ko ng time na magisip isip.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HELLO :) Sana nagustuhan niyo yan! Sabi senyo mangyayari lahat sa 15 eh, chapter 15  HAHAHAHA ang corny noh? Mwehehe pasensya.  Thank you!!

Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon