BKM- 8

172 18 10
                                    

CHAPTER 8

DANIEL'S POV

Monday, just an ordinary day... with Sofia. Yes, simula nung naghangout kame sobrang naging ang gaan na ng loob ko sakanya. Mabait siya, sweet sa pamilya. Ang dami kong nalaman sakanya. Tapos kahapon, narealized ko na.....

FLASHBACK

Im stalking Sofia's instagram. Kakauwi ko lang kase tsaka medyo gabe na at hinatid ko pa siya. Tiningnan ko ung isang picture niya kasama ung family niya.

"Bonding with my fambam! Happy Sunday #lovelove"

Nagpipicnic sila dun sa picture, ang saya saya ka nila eh. Totoo nga na sweet siya sa pamilya niya, na mapagmahal siya. Tapos I opened the other picture, siya lang magisa.

"Nyelfiee #vain"

Ang ganda niya talaga. Kahit anong angulo, makikita mo parin ang kagandahan ng mukha niya. Nagcomment naman ako sa picture na iyon.

"Why so pretty @sofiandres?"

(PS: Ung instagram name po ni Sofia Andres dito sa story ay gawa-gawa ko lang. Baka akalain niyo po ayun talaga ung name sa instagram sa real life.)

Humiga na ako sa kama ko kase kanina pa ako nagiging stalker. Pero, si Sofia pa rin ang iniisip ko eh, siya pa rin. Baket naman kaya? Hay, tulog na nga lang ako.

Pero, bago ko pa mapikit ang mga mata ko, I realized na crush ko siya. Crush? So elementary, hindi yan uso sa highschool noh. But, I still have a crush with Sofia, Sofia Andres.

END OF FLASHBACK

Ayun na nga, I just realized na crush ko siya. Aba'y ewan ko sa sarili ko, baket nga ba siya pa? Haist, ewan. Nakinig nalang ako sa teacher namin.

"Class, iprepresent niyo ngayon ung commercials na ginawa niyo. Directors, please give me your USB's."

Tumayo naman si Julia tapos binigay kay miss ung USB.

"Group 1, get ready."

Inassign na kase ng adviser namen kung anong group number namen. May group number pero ikaw pipili ng members. Luckily, group 5 pa kame. Habang nagaayos na ung group 1, tumingin ako sa likod at nakita ko si Sofia. Umupo ako sa vacant chair sa tabe niya, absent kase ung seatmate niya..

"Hi Sofia, thank you ulet kahapon ah. Sobrang nagenjoy ako."

"Hahaha ako rin eh. Walang anuman." Ang kyut niya tumawa.

"Sabay tayo maglunch?" I asked, gusto ko kase siyang makasama eh.

"Okay lang naman. Sure ka ba na wala kang ibang kasabay?"

"Uhm, as far as I can remember, wala naman."

"Straight english, woo. Idol!" tapos pumapalakpak pa siya pero mahina lang.

"Nye."

KATHRYN'S POV

"Dj, ano kay---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napansin kong wala pa si Dj sa upuan niya.

Inikot ko ang mga mata ko sa classroom at nasa likod ko siya, laughing with Sofia.

Ung pagiging masaya ko napalitan ng lungkot. Ang sakit eh, ang sakit sakit. Baket pa siya pa? Bakit si Sofia pa? Pwede naman ako nalang diba?

Tumakbo ako palabas ng classroom at pumunta sa student's park.

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ba sobrang manhid mo? Ang tagal ko na ngang pinapakita na mahal kita eh! Pero bakit hanggang kaibigan lang ang turing mo saakin? Ano bang meron si Sofia na wala ako?" Bulong ko na paluha na.

"Kath.." Tumingin ako sa likod ko, si Juls. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Bes, bakit ba ang manhid niya?" Sabe ko, tuluyan na nga akong umiyak.

"Kath, sabihin mo na kase ang nararamdaman mo para sakanya."

"Para saan ba Julia? Eh kitang-kita ko na masaya siya sa piling ni Sofia."

"Pano mo malalaman ung totoo kung palagi ka nalang magiging ganyan?" Tanong niya.

"Alam ko nanaman ung totoo eh, na hanggang kaibigan nalang ako para sakanya."

"Kath, ito ang tandaan mo. Kahit anong man mangyari, andito lang ako sa tabi mo. Kung iyan ang desisyon mo, igagalang ko ito. Dahil sa tingin ko, kailangan mo ako ngayon bilang bestfriend." Juls trying to cheer me up.

"Thank you Julia, thank you talaga." then I hugged her again.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

QFTC: "No matter what has happened. No matter what you've done. No matter what will you do. I will still love you. I swear it."

Medyo mabilis and UD ko kase wala masyadong ginagawa. Sorry if medyo bitin. Abangan niyo nalang kung anong mangyayari. And this story is a PURE FANFIC. Wala po akong ginaya or what. Kung may nabasa man kayo na parang pareho sa story ko, baka pareho lang kami ng naisip. Tsaka may plot na po itong story ko.

Thankyouuu! :**

Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon