BKM - 16

260 15 3
                                    

CHAPTER 16

KATH'S POV

Andito ako sa may pool, nakababad ung paa ko.

Tama ba ung ginawa ko? Tama ba na sinabi ko kay Dj ung totoo kong nararamdaman? Nagugulahan na talaga ako.

Ano kayang naging reaksyon niya?

"Mam Kath, may bisita po kayo." Sabi ni Manang sa may gilid ng pool.

Hindi ko siya pinansin at tumingin na lamang sa langit. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na si Daniel, nakababad din ung paa niya sa pool.

Tiningnan ko ang mga mata niya, namumula 'to. Siguro magdamag umiyak ito.

"I'm sorry Kath." Sabi niya. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at binalik sa langit.

"Ang tanga tanga ko Kath. Hindi ko alam, hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako. Sorry Kath."

Hindi pa rin ako nagsalita. Patuloy pa din akong nakatingin sa langit. Bigla naman niya akong niyakap. Pumiglas naman ako kaso ang higpit nang yakap niya sakin.

I faked a smile at tinignan siya. "Hindi ka ba hinahanap ni Sofia? Pwede ka nang umalis, baka hinahanap ka na ng girlfriend mo."

"Kath naman, wag tayong ganito please. Ayaw na kitang saktan, please Kath. Sorry Kath, sorry."

Tinulak ko siya para bitawan niya na ako sa pagkayap. Tumayo na ako at naglakad papalayo. Hindi ko pa kayang harapin si DJ.

Hinabol naman agad ni Daniel.

"Please DJ, leave me alone, please." Sabi ko habang nakatingin sa sahig.

"Sana mapatawad mo ako Kath, I'm really really sorry." Umakyat na ako sa kwarto ko.

DANIEL'S POV

Umakyat na si Kath sa kwarto niya. Pinili ko siyang hindi istorbohin at umalis na rin ako agad. Naglakad-lakad lang ako. 

Oo, mahal ko si Sofia pero merong nagbobother sakin. Mahal ko din si Kath, dati pa. Pero nung nakilala ko si Sofia, minahal ko din siya. Hindi ko na rin alam kung sino talagang mas matingbang sa kanilang dalawa.

Ang cold na kase sakin ni Sofia nowadays eh. Ewan ko ba kung tungkol pa rin un sa issue dun sa restaurant. Maliit na issue lang naman un eh, bat niya kailangan palakihin?

Basta sa ngayon, mahal ko silang dalawa. Pero alam kong mas kailangan ako ni Kath ngayon.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

QFTC: Keep love in your heart. A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.

Sorry kung medyo boring ung chapter. Sorry if late UD, busy eh. But don't worry, malapit na summer yey! Hahahahaha vomment pleaseeee? Thank youuu!!

Bestfriend kong Manhid (Kathniel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon