Chapter 10

41 0 0
                                    


Just what the Heck

Arrghhhh! Ang sakit ng ulo ko! I really want to go home now and get some sleep. Ba’t ba kasi masyado akong nabobother sa boses ni KC last night? Meron naman siguro case na may kaparehas kang boses, di ba?

Hmmmp! Heto na naman ako, talking to myself again. Tssss!

Nagpatuloy ako sa pag-ayos ng back drop para sa play, bukas lang naman kasi yun and we’re rehearsing everything tonight. Busy ang lahat sa kani-kanilang task and I’m busy spacing out.

“HOY!!!”

“AY!! SUMPAIN KA NG BATHALA!!” Sa sobrang gulat ko muntik ko ng matusok and daliri ko ng thumbtack.

“ANONG BANG PROBLEMA MO?!” Hinarap ko yung sumigaw malapit sa tenga ko.

Kaso wrong move! Sobrang lapit ng mukha namin kaya napaatras ako at ramdam na ramdam ko ang paglakas at pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

He cleared his throat. “Bakit ka ba kasi nakatulala jan? You’re thinking of me no?” he giggled.

Mas lalong sumakit ang ulo ko. Wala na yata siyang planong tigilan ako sa pangungulit at pang-aasar niya. Errr! Kabata-bata ko pa lang pero feeling ko may hypertension na ako ng dahil sa kanya.

Imbis na bweltahan siya at patulan ang kahanginan niya, hindi ako sumagot. Umalis ako at lumapit kay Michelle na busy sa kaka-arrange ng mga damit sa tabi. Mabuti nalang at hindi niya ako sinundan.

“Mich, may maitutulong  ba ako dito?” Lumipas ang ilang minuto, hindi pa rin niya ako kinikibo.

Nagdalawang-isip muna ako kung kukulitin ko siya para ikwento niya ang problema niya or hahayaan ko nalang siya. Total, we’re sort of friends na.

“Miiiiiiich?! Yohoooo?!”

“Ay, sorry Rish! Ano nga ulit yun?”

“Sabi ko---“ Nawala uli ang focus ni Mich nang mapadaan si Dennis sa likod niya. Mabilis na naglakad si Dennis pero hinatak siya ni Michelle. Wow, gumaganyan na ang friend ko? Amazing!

“Mag-usap tayo mamaya Den, please?” Hindi nagsalita si Dennis pero inalis niya ang kamay ni Dennis na parang nandidiri. Anyare kase? Heto na naman ako sa pagiging chismosa ko.

“Please, Den!” Maluha-luhang sabi ni Michelle pero patuloy na naglakad si Dennis na para bang walang narinig.

Nagulat ako ng niyakap ako ni Mich. Hindi siya umiiyak pero feel na feel ko ang lungkot niya. Awkward ako sa mga ganitong sitwasyon pero susubukan kong makisimpatya sa nararamdaman niya. Silence.

Maya-maya, siya rin ang unang nag-salita “Ang drama ko naman, sige na magbreak muna tayo. Pupunta lang ako sa CR.”

Haayyyy! Things got so complicated these days. Bumaba ako sa stage at umupo sa front row ng mga upuan. I hope maging successful ‘tong play. Nakasasalalay kasi dito ang grades namin sa English Literature namin. Ang dami naman kasing arte nitong school. Hmmmp!

Sa bleachers naman, ibang drama na naman ang nakikita ko. Mara’s eyes can’t stop looking at Mico and Victoria’s sweetness. Obvious naman na nagseselos siya. Haayyy! Another complicated story.

*beep*

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng palda ko at binuksan ang message.

|Stranger|

Just tell me the truth, will you!?

Napakunot ang noo ko. Nambwibwisit na naman siya! Ito yung number ni Ciel pero sa tingin ko ninakaw sa kanya ang phone niya at heto ngayon tinetext ako ng snatcher. Kapal din ng mukha niya! Pasalamat nga lang siya at ‘di ko siya maisumbong dahil ‘di ko naman alam kung sino si Ciel sa school.

To: |Stranger|

SNO KA NGA BA KSI?!! U SNATCHER!!

Sent. Eiiiiii! Super sakit na talaga ang ulo ko!

*beep*

|Stranger|

I’m AJ and I’m not a snatcher. Now, you owe me an answer to my question.

Hmmmp? Aj? Psh! Nakakainis na talaga siya. Sa dami bang nakaphonebook sa cellphone ni Ciel, ako pa ang nagpagtripan.

To: |Stranger|

Nasyo na ang CP nya, ba’t mo pa gstong mlman?!

Sent. Ano bang plano niya? Dapat binenta niya na ang cellphone ni Ciel at tinapon ang sim.

*beep*

|Stranger|

Hmmm... You leave me with no choices Gre. I have to look for you in DHU then. You surely won't have any excuses when I find out who you are!

Just what the HECK!? Napatayo ako and I think my head is gonna split in half! And everything went dark.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon