Chapter 37

4 0 0
                                    

I won't give up


Saturday. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagkagusto ako sa kumag na yun. Kaasar! Traydor talaga tong puso ko. Hindi pala talaga natuturuan to. Ang galing ko pa sa mga signs tungkol sa crush crush tapos sa sarili ko di ko man lang pinansin. Kinain ko pa lahat nang pinagsasabi ko kay Riah. The more you hate, the more you love. Geez!

One thing is for sure. Kung ano man tong nararamdaman ko sa kumag na yun, it's more than a crush but less than love. Parang more than friends, less than lovers ang peg. Argh!

"Kinailangan mo pa ng threat para mapaamin ka sa nararamdaman mo..." May threat threat pang nalalaman si Mich. Kahit naman di dumating si Keanna, wala namang magbabago dahil di rin naman ako gusto ni Knight. May soon to be fiance na siya.

Speaking of fiance, nakakainis na rin si Ciel. Isang linggo ko na siyang kinokontak pero laging cannot be reached. Dahil ba sa fiancee niya?

fiancee?

OH MY GOD!

Kumuha ako ng papel at ballpen. Sinulatan ko ng similarities at differences. Ang tanga tanga ko naman ba't di ko kaagad naisip!

Pagkatapos kong magsulat, binasa ko agad. "Similarities: name, may banda, school and year level, controlling mother at may fiance. Differences: phone number and personality. " Ba't ganun? Mas marami pa ang similarities kesa sa differences. Joke time ba ito?! Si Ciel si Knight? No! Impossible!

Teka, andun din si Knight sa garden nung pinakukuha namin kay Hillary ang box pero...

"Bumili ka ng latest ipod? At mukhang yung limited edition pa."

"Really? Textmate? Magbibigay ng expensive gift? There must be something going on between them. Nagkita na ba sila?"

Pabalik balik akong naglalakad sa kwarto ko. Kahit pa ikahilo ko to, bahala na! Gulong gulo na ako! Kinuha ko ang phone ko. Tatawagan ko si Ciel! Kailangan na naming magkita dahil mas ikakabwisit ko kung si Knight nga ang katextmate ko.

Dinial ko ang number ni Ciel. "The subscriber cannot be reached. Please try again later..." Argh! At talagang iniinis niya ako. Si Knight na nga lang nang magkalinawan na. Dinial ko ang number ni Knight. Salamat naman at nagriring!

Biglang nagbukas ang kwarto ko. "Hija?" Naicancel ko ang tawag at tinapon ang phone ko sa kama. "Pa!!" Nagmadali akong yakapin siya. Sininghot ko si papa. Namiss ko talaga siya!

Napatingin ako sa likod ni papa. Andun pala si Ian. "Kanina pa kita tinatawag sa baba. Mukhang busy ka ngayon ah?" Lumabas kami sa kwarto at sinara ko ang pinto. Nakahawak pa rin ako sa braso niya.

"Gumagawa lang po ng homework in advance. Namiss ko po talaga kayo!" Tapos hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. Hinaplos niya ang buhok ko. "Namiss ko rin kayo. Teka, umiksi na ang buhok mo? Aba? Dalaga ka na nga. Saka..." Sinuri niya ang mukha ko. Patay! Di pa kasi nawawala yung peklat ko sa mukha. "Anong nangyari sa mukha mo? May peklat oh..."

"Naku pa, pimples lang po yan..."

"Meron bang pimples na straight at mukhang two inches long?" Takte! Ano pa ang ipapalusot ko?

"May hormonal imbalance po kasi ako these past few months kaya tadtad ako ng pimples. Nagpatong patong na siguro kaya po ganyan." Sabay pilit na ngumiti. Sige Brishka, kahit butiki hindi maniniwala sa sinasabi mo.

Nakita kong tumawa si Adrian at nagpipigil si papa. "Okay fine hija. Bumaba na tayo at nagugutom na ako..." Bumaba na kami at dumiretso sa dinning area.

"Dad, si mommy po ba kasama mo sa paguwi dito?" Inakbayan niya si Ian.

"Nilayasan ko ang mommy niyo sa France. Hindi niya alam na umuwi ako ng Pilipinas."

Sabay kaming napasigaw ni Ian. "What!!?"

"Easy guys... Nakakainis na kasi ang mommy niyo. She needs to be alone para makapag-isip isip siya ng mabuti." *gulp*

"Dad, susukuan niyo na po si mom?" Bigla akong nalungkot sa itinanong ni Ian. Susuko na si papa?

Ginulo niya ang buhok ni Ian pati sa akin. Ba't pati ako damay? "Hindi. Ano ba kayo? Umuwi ako dito para ayusin ang marriage certificate namin. Gagawin kong legal ang kasal namin. Tingnan natin kung makawala pa ang mommy niyo." Natawa kami ni Ian. Kaya naman pala. Umupo na kami.

"Pero di ba kailangan pong pumirma ni mama bago maging legal ang lahat?"

"Matagal na kaming nakapirma. Hahanapin ko nalang ang ninong Joel niyo dahil siya ang nagtago ng documents na kailangan ko. Saka wag niyo na ngang isipin yan... Masyado pa kayong bata para sa mga ganito. Manang..." Kung si papa hindi susukuan si mama, aba! Ako rin. Hindi ko igigive up ang feelings ko. Like father, like daughter.

**

"Ano ba!?" Tinabunan ko ang tenga ko ng unan. Sino ba tong makulit na kumakatok sa pintuan ko? Kitang kakatulog ko palang dahil umattend kami kanina ng 4:30AM mass nina papa. Diyos ko naman! Yung beauty rest ko mapuputol na naman.

Bumangon ako at binuksan ang pinto. Si Manang Tessa pala. "Oh manang? Bakit po?"

"Pasensya ka na Grey... Pinapatawag ka kasi ng papa mo sa baba..." Napakamot ako sa ulo.

"Sige, susunod lang po ako. Maghihilamos lang po ako sandali." Sinira ko ang pinto at pumunta agad sa banyo. Naghilamos ako at nagsuklay.

Lumabas ako ng kwartong nakasando't short. Anong namang trip ni papa at ginising ako ulit? Pababa na ako ng hagdan habang humihikab. "Pa... May problema po ba kayo? Kailangan niyo po ng advice?"

Bigla akong natigilan ng marinig ko ang sigaw ni papa. Parang tinurukan ako ng ten mL ng caffeine at dilat na dilat ang mata ko. "Ba't ganyan ang itsura mo!? Magbihis ka nga ng maayos!!" Anong masama sa suot ko? Eh komportable akong matulog kapag ganto.

"Pa ba--" Napatingin ako sa katabi ni papa. Hindi ba si Adrian yun? OMG! "KNIGHT?! ANONG GINAGAWA MO RITO!?" Hindi pa ako nangangalahati sa pagbaba ko sa hagdan at napatakbo ako pabalik sa taas. Pabalik sa kwarto ko. Lord? Ito na po ba ang sagot sa prayer ko kanina?



It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon