Selos
"Since magkakaroon ng urgent meeting ang mga teachers ngayon, hindi na matutuloy ang quiz nat--"
"YESSSS!! Woooo!!" Sigaw naming lahat.
"What the..." Rinig kong ungol ng Kumag na kagigising pa lang sa tabi ko.
"Class, quiet!!" Sa lakas at tinis ng boses ni Ma'am Regie, di magtatagal mababasag na ang mga glass sa room pati na rin ang ear drums ko.
Tahimik na uli kami nang magsalita ulit si ma'am "At dahil ayaw kong wala kayong ginagawa, open your book on page sixty nine. Answer numbers one, three and seven. This is by pair. Sa intermediate niyo na lang isulat. Gayahin niyo nalang yung format sa paggawa ng assignments ninyo. And show me your solutions."
Tataas na sana ng kamay ang mga classmates ko nang "Wait, there's more! Yung quiz, imomove natin sa next meeting and that is tomorrow. So, galingan niyo sa pagsagot ng seatwork niyo dahil related yan sa quiz, okay? Questions?"
Nagtaas ako ng kamay "Yes, Ms. Silvantes?" Napalingon naman ang halos lahat ng classmates ko.
"Ma'am, yung sa pairing po ba choose your own partner o yung seatmate namin?"
"Ano bang gusto niyo class?" Kanya-kanya na kami ng opinion samantalang si Knight pinikit na uli ang mga mata niya. Psh! Wala talagang patawad. Tsk, tsk.
"Ganito nalang, para mas madali eh seatmate niyo nalang. Meron pang tanong?" Wala ng nagtaas ng kamay sa amin.
"Okay. Ms. Tolentino, pakicollect nalang ang mga papel ninyo tapos ilagay mo nalang sa table ko. Goodbye and see you tomorrow class."
"Goodbye ma'am!" Binuksan ko na ang libro ko at binasa ang mga questions. Hmmmm... Syempre yung madali lang ang sasagutan ko. Hahaha Tinapik ko ang balikat ni Knight "Hoyyyy kumag, gising!"
Naggulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko "What!?" Shemaayy! Heto na naman 'tong feeling na 'to. I must ignore it. Wala 'to, walaaa!! Si Knight lang yan!
"Pengeng papel. Numbers one saka three yung sasagutan ko. Ikaw na sa number seven ng may pakinabang ka naman." Inangat niya na ang ulo niya at nagstretch ng mga kamay bago siya kumuha ng papel sa maliit niyang bag.
Inabot niya sa akin ang papel at inagaw ang libro ko. Himala ah! Di na gaanong madaldal si Kumag. Mabuti naman kung ganoon kaso nakakapanibago.
"Can you be a little more considerate?! Eh ang hirap ng binigay mo sa akin! No! We sho--"
"Hep, hep! Koya, ako lang naman kasi ang magrerewrite ng question at answer. Saka dalawa naman ang sasagutan ko. At least, may na contribute ka naman sa seatwork natin. Paborito mo naman ang Trigo, ikaw pa! Kaya mo yan!" Sabay ngisi.
Nagsalubong ang kilay niya.
"Sino naman ang may sabing favorite ko ang Trigo!?""Ako. Matalino ka naman! Dali na nang makapagbreak na tayo." Hinila ko ang libro ko at ipinagitna. Alam ko na kasing hindi mahilig magdala ng libro si Knight unless iutos ng teacher.
Umusog ako ng konte kasi mas pabor sa kanya ang page nung seatwork. Nagsimula na akong magsulat kaso mukhang mali yata ang idea ko kasi kailangan ko pang mas lumapit sa kanya. Di ko tuloy maiwasan ang amuyin siya at super bango lang naman niya. Di ako makapagconcetrate!
"Teka, picturan ko nalang yung page. Nahihirapan kasi akong basahin." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at pinicturan ang page.
Haaay! Nakalusot ako dun ah! Nagpatuloy na ako sa pagsusulat nang magvibrate ang phone ko.
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...