Friends
Sinundan ko sila hanggang sa old building. Huminto sila sa second floor na hallway kaya nagtago ako dito sa may hagdan.
"Gre--" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Presh. "Shh..." Sinilip ko sina Mico. "What's up with all these bullshits Mara?!!" Nag-echo ang boses ni Mico.
"Wala ka ng pakialam! Yan di ba ang sinabi mo noon?" Umupo kami sa tabi at panakaw na sinisilip sila.
"It has something to do with me Mara and it bothers me." Ano kayang pinag-aawayan nila?
"Wow! For how many years, ngayon ka lang nabother? Naman Mico! Are you really that stupid? O nagmamaang-maang ka pa?"
"Damn it Mara! You're going to quit our band para lang jan sa silly feelings mo? You know very well na kapag ginawa mo yan sisirain mo ang friendship natin!" OMG! Aalis si Mara sa Polaris!? Nagtinginan kaming apat.
"Friendship!? Matagal mo ng alam na more than friend ang tingin ko sayo! Kung ang tanging paraan lang na mapansin mo ako ay ang pagquit, gagawin ko! Sawang-sawa na akong masaktan Mico!"
"F**k! Ganun ba kaimportante sayo ang feelings mo? Even if you change yourself, hindi ko sisirain brothers code natin. Pumayag man si KC at Dennis, it doesn't mean I'll agree with your decision. I'm sorry Mara but I don't and can't like you..." Ouch! Sumilip ako uli sa kanila. Napaupo nalang sa sahig si Mara at si Mico naman pabalik sa kinalalagyan namin.
Pabalik... Anak ng dugong! Sumenyas ako sa kanilang umakyat sa next floor. Mabuti nalang at di kami naabutan ni Mico. Salamat sa adrenaline rush. Phew!
Bigla nalang kaming nakarinig ng hikbi. Si Mara nga pala! Bumaba kami at dali-daling nilapitan siya.
"Mara...?" Humangad siya at dali-dali niyang pinunasan ang mga luha niya saka tumayo.
Iniba niya agad ang expression niya na para bang walang nangyari. "Ba't kayo andito?" Boses palang niya halata mo ng umiyak siya.
Walang sumagot sa amin. Sa lahat ba naman ng narinig namin, mangingialam pa ba kami? "Narinig niyo ba ang lahat?" Sabay kaming apat na tumango.
Biglang yumakap si Michelle kay Mara. "Wala kang kailangang iexplain sa amin. Andito kami para tulungan ka in any ways. Please, wag ka ng pastrong jan..." Humagulhol na siya. "Please, *hik* what you saw, what you heard, leave it here *hik* hmm?" Ngumiti kami sa kanya at niyakap siya.
Ba't ganoon? Sabi nila kapag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay. Pero sa sitwasyon ngayon parang binato mo siya ng tinapay, binato ka naman ng bato. Minahal mo na nga, sasaktan ka pa.
**
Pagkahapon, hindi na pumasok si Mara. Hindi na namin siya pinilit kahit pa magpeperform sila. Kaya ayun, minus one ang Polaris. Ang malala pa niyan, mukhang wala lang kay Mico ang nangyari. Nakuha niya pang makipaglampungan kay Victoria. Sarap batuhin ng sapatos! Hnng!
Kaya naman hindi ko natiis na tawagan si Knight. Baka naman may maitulong siya. Siya naman ang leader ng Polaris. Bahala na nga!
Sinabi kong sa studyhall ako maghihintay sa kanya. Ang tagal naman ng kumag na yun? Wala na ngang halos tao sa school kasi uwian na. Aarte pa ba siya? Hmmm... Itext ko na kaya?
"Brush!" Thank God! Hinihingal pa siyang umupo sa harap ko. "Sorry, may kinausap lang akong aso. What's up?" Aso? Kailan pa nagsalita ang aso? Dog whisperer ba siya? Tsk!
"Aso ka jan... Ano kasi, about kay Mara. Al--" Baliw ba siya? Ngiti kasi siya ng ngiti. "HUY! Nakikinig ka ba? Sasamain ka sa akin kapag di mo yan tinigilan." Ayun, back to normal na siya.
"As I was saying, pwede mo bang pigilan si Mara sa pagquit ng band niyo or magkaayus man lang sila ni Mico?" Serious mode na siya. Nagtataka pa ata siya kung saan ko napulot lahat ng pinagsasabi ko sa kanya.
"All I can say is that, nirerespeto ko ang decision niya. Kasali man siya o hindi, we'll remain as friend. But regarding sa conflict ni Mara and Mico, I won't cross the line." Akala ko pa naman may maitutulong siya.
"Wag ka ngang pablind jan. I know you knew that there's something going on between them. Friends kayo di ba? Ganyan ka ba talaga sa mga friends mo?" Di na ako nakapagpigil. Naiinis ako sa kanya!
"Its their business, not mine. I can't control somebody's feelings para lang maayos ang lahat. Anyway, don't bother yourself too much." Ngumiti pa siya. Aba, loko to ah!
Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay. Suplada na kung suplada. "Tsee! Don't bother ka jan? Palibhasa hindi naman mga kabaro mo ang nasaktan. Ganyan naman kayong mga lalake, laging sinasaktan ang mga babae!"
"Kung makageneralize ka sa amin, wagas! Bakit kayong mga babae hindi nananakit? Ha? Ha?" Pinalo ko ang kamay niya. "Kita mo yan? Oh! Oh! Oh!" Sinipa sipa ko kasi siya sa ilalim ng mesa. Pagtayo ko bigla siyang tumakbo. Akala naman niya hahabulin ko siya. Tss... Naglakad na ako palabas ng studyhall.
Makauwi na nga lang. Nagsayang lang pala ako ng oras at laway para sa wala. Nastress lang face ko kay Knight.
Nagulat ako nang tumakbo si Knight pabalik... Sa akin? Pero lumagpas siya, hindi pala sa akin. Tsee! Ready pa naman sana ang mga kamao ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "BRUSH!!"
Nilingon ko siya at naniningkit ang mga mata ko. He smiled playfully. Kung kuto lang siya, titirisin ko talaga siya ng pinong-pino. Bwisit! Tumakbo siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Take this." May pinahawak siyang ticket.
Magrereact pa sana ako nang halikan niya ako sa pisngi at tumakbo. Tengene this! Napahawak ako sa pisngi ko at hinabol siya ng tingin. Hindi pa nga ako nakakarecover nung nakaraan tapos heto na naman? "KUMAG! WALANG KAIBIGANG NANANANTSING!!"
Humarap siya sa akin at naglakad ng paatras. Ngumiti lang siya at kumaway. Napailing nalang ako. Mamatay yata ako dahil sa tachycardia. Sisingilin ko rin siya balang araw. Makikita niya!
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...