Early Christmas Gift
Saturday. Buong araw kaming naglibot ni Adrian sa mall para lang maghanap ng ireregalo para sa Christmas party. Bukod pa sa reregaluhan namin sa class, mageexchange gift din kaming magkakaibigan.
Hay! At least sa amin nina Michelle, minimum of twenty pesos and maximum of fifty pesos ang pangregalo. Pero sa class, minimum of three hundred pesos at wala ng max limit. Grabe! Pangrich kid talaga ang DHU. Never pa akong gumasta ng malaking pera para sa isang tao. Ngayon lang at para kay Angelo pa. Tss!
Ang hirap pang hanapin nang sinulat niya sa wishlist sa room. Sherman sunglasses ang gusto tapos nang mahanap ko na, lumuwa ang mata ko sa presyo. Five thousand one hundred pesos lang naman. Gosh! Ano ako bale? Kaya naghanap ako ng iba. Gusto ko ngang iprank. Lalagyan ko nang snake toy ang regalo ko sa kanya para masaya. HAHAHA
"Adrian, may mga sulat ka ulit." Napalingon kami ni Ian sa may pinto. Nasa living room kami ngayon ni Adrian at naglalaro ng playstation. Kakatapos lang namin kasing magdinner. Si papa wala naman sa bahay.
"Itapon mo na manang." Napakunot ang noo ko saka lumapit kay manang at kinuha ang mga sulat. "Akin nalang to. Di kasi marunong mag-appreciate ang lalaking yan. Palibhasa laging nakakatanngap ng mga sulat." At sasama talaga ang loob ko kung malalaman ko na hindi binabasa ang sulat ko at tinatapon lang.
"Meron ka rin Brishka at nakabox pa." Nanlaki ang mata ko nang iabot ni manang ang small rectangular gift box. "Manang baka may pasabog to?" Inalog ko ang box.
Lumapit na rin si Ian at nakichika. "Cellphone lang naman yan. Napacheck ko na kay Jojo yan."
"Naku! Baka IED manang!" Binatukan ako ni Ian. "Ang OA mo ate." OA pala ha?
Pinahawak ko ang mga sulat sa kanya. "Sige bubuksan ko to sa kwarto ko. Kapag sumabog at namatay, pero sana hindi mangyari, mumultuhin kita dahil hindi mo binasa yang mga sulat. Naturingan heartthrob, wala namang heart. Throb lang!" Sabay irap at walkout sa kanila.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Sino kaya ang nagbigay nito. Saka cellphone? Bakit kaya?
Binuksan ko ang box at hinulog ang laman. Iphone 3? Walang charger? Sinilip ko uli ang box. May naiwan pang sulat.Kinuha ko at binasa ko ng malakas. "Hi Grey! This is my early Christmas gift to you. You've been looking for Ciel, right? Switch on the phone and your questions will be answered. You'll be delighted to know who he is. If received this call me. AJ" Tapos may cellphone number sa baba. Ibig sabihin kilala na ako nung AJ?
Hay naku! AJ at Ciel na naman?! Nakamove on na ako, ano ba?! Saka teka, it means heto yung phone na ginamit ni Ciel. At talagang binigay na nung AJ sa akin? Tempting i-on ang phone pero parang mas tempting tawagan yung number. On nalang nang matapos na!
Inon ko ang phone. Wala pang passcode, kaya siguro naaccess din ito nung AJ. "What the?!" Fanboy pala siya ni Knight. Nakawallpaper kasi ang mukha ni Knight.
Chineck ko agad ang inbox. Isang convo lang at "Sa akin lang?" Grey :) ang nakalagay. Binasa ko ang messages. Ito nga ang convo namin ni Ciel hanggang kay AJ andito pa. Asan ang clue kung sino si Ciel?
Napunta na ako sa contacts. *gulp* No way? Hindi ko na tinuloy ang pagscroll down. Okay lang kung may number siya nina Mico pero kay Lola Ice? Kea? No. Hindi pwede. Sabi ni Knight hindi siya ang katext ko. Tiningnan ko ang gallery. OMG! Ayoko na! Tatawagan ko na si AJ!
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number na nasa papel. "Sumagot ka, sumagot ka!"
"Hello? Who's this?" Masyadong bass naman ang boses niya.
"Ikaw ba si AJ?"
"Yes. And you are?"
"Si Grey to. Pwede ba tayong magkita bukas?"
**
Nasa Woodridge Cafe ako ngayon. Ayaw kasi akong payagan ni papa na malayo sa bahay kaya sa mismong cafe ng subdivision namin ang location nang meet and greet namin nung AJ.
Dala ko din yung box. Nasa akin na nga ang evidence pero ayaw kong paniwalain ang sarili ko sa isang bagay na pwedeng crafted and manipulated by someone.
Hayy... Ininom ko ang inorder kong kape. "Ba't parang wala nang lasa itong latte?"
"Brishka?" Napaangat ako nang tingin. Crap! Siya si "A... AXEL!?"
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Fiksi PenggemarNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...