Chapter 21

6 0 0
                                    

Hint

"... Mico, Mara, may naisip na ba kayong talent para sa lakan at lakambini? Three weeks nalang. Diyos ko naman! Kayong mga bata talaga! Plano niyo bang pahiyain ang section niyo?!" Si Ma'am Bien talaga, ang bilis mahighblood.

Filipino subject ngayon at dahil sine-celebrate ngayong August ang Buwan ng Wika, si Ma'am ang pumili ng mga pambato namin sa mga major contests para sa upcoming event.

Nagsalita si Mico. "Kasi naman po ma'am, lahat po ng suggestions namin hinindian niyo po." Nagtaas ng kilay si Ma'am Bien. Terror kung terror si ma'am eh. Kalerkey!

"Masyado niyo naman kasing gamay ang mga suggestions niyo. I want a talent that is out of the box! Kung kailangan niyong maglakad sa bubog, go! Hindi ko gustong papetiks-petiks ang representative ng seksyong to!" May simple gusto ng komplikado. Pshhh!!

Nagtaas ng kamay si Grace. Pinatayo naman siya ni ma'am. "I have a suggestion ma'am. Why not a lyrical dance for the both of them? We can look for a trainer." Tumango-tango lang si ma'am.

"Pwede... Pero ayaw ko ng recorded song. Gusto ko ng live. Silvantes, Driontes, pumunta kayo sa faculty after ng last period niyo ngayong umaga. Goodbye class."

Linsyak! Umalis na agad si Ma'am Bien. Hindi man lang ako nakapagreact sa sinabi ni Ma'am. Itong katabi ko naman, walang imik. Nung friday pa ako inisnob nitong kumag. Tsee!

**

*bell rings*

Tapos na rin sa wakas ang last period. Nauna nang lumabas si Knight. Haay nako! Bahala nga siya sa trip niya. Hmmmp! Pabor naman sa akin ang ginagawa niya. Hahaha

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Alive na alive na uli ang inbox ko. Bukod sa magkatext uli kami ni Ciel, nablock ko na rin ang dating number niya. So, di na ako nakukulit nung AJ. Plus, si Eru pala yung nakasalubong ko dun sa old building. Magulo nga lang katext.

Sina Riah naman tuwing gabi at weekends ko lang sila nakakatext. Bawal na raw kasi ang gadgets sa FuryHigh. Mabuti nalang at hindi sa DHU.

Nauna nang pumasok si Knight sa faculty habang nakabuntot lang ako sa kanya. Akala ko pa naman mababawasan ang interaction namin ni Knight. Tssk!

"Mabuti naman at napaaga kayo. Heto..." Inabot niya sa amin ang isang papel. Please be careful with my heart? "Yan ang gusto kong kantahin niyo para sa talent portion nina Castro at Floyd. Tomorrow you'll start your practices. So memorize niyo na dapat yan bukas."

Napakamot ako sa ulo. "Ma'am naman... hindi naman po ako ganoon kagaling kumanta. Pwedeng si Madison or Tiffany nalang po?"

"I've looked into your records Silvantes. Marami ka nang nasalihang contests and most of it, you won the first prize. I won't take a no for an answer. At para makumbinsi kita, your participation will somehow affect your grade. Alam mo naman ang rank mo di ba?" Nagsmirk pa siya. Grabeng black mailing to! Idamay ba naman ang grades ko... Shemayy!

"Yes ma'am! Sasali po ako!" Phew! Lumabas na kami sa faculty. Hindi pa rin ako pinapansin ni Knight. Hmmmp!

"Kays!!" Nakaabang na pala sa amin si Grace. naglink pa sila arms nila. Aish! Makaalis nga rito! Panira ng view...

**

"Mich, pa-youtube naman oh! Papakinggan ko lang tong kanta. Mamaya na yang blog mo kay Dennis..." Kanina ko pa kasi kinukulit si Michelle.

"Ssssshhh!! Wag kang maingay! Mamaya may karinig sayo, mapapahamak talaga tayong dalawa. Meron ako niyan sa phone, bluetooth ko nalang sayo." Nilabas niya yung phone niya. Ayan naman pala yung solution eh.

Pagkatapos niyang ibluetooth yung kanta, pinakinggan ko na. Saglit akong natahimik. "Duet song pala ito? And ako pa ang unang kakanta... Ano na naman bang itong napasukan kong gulo?"

"Alam mo, maswerte ka pa sa lagay nayan. Kahit anong pilit mong iwas kay Knight, si destiny na mismo ang naglalapit sa inyo." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Humuhugot lines ka na naman! Nakoo, ang sabihin mo, ang destiny na mismong naglalapit sa inyo ni Dennis pero kinokontra mo. Ewan ko ba sayo at pinatatagal mo yang hinanaing mo. Tsss.." Masyadong deep siguro ang problema nilang dalawa. Hindi naman kasi aabot sa ganto kung simple lang ang problema.

"Masakit umasa Rish... Ayoko namang irisk ang career niya para lang magkaayos kami." Lupig pa niya si Hillary sa pagiging emo. Hayyyy...

"Grrreeyyy..." Para akong nabuhusan ng ice at tumayo ang balahibo ko. Napakapit tuloy ako sa braso ni Michelle.

"Hillary naman eh! Wag kang ngang biglang sumusulpot... Papatayin mo ako sa nerbyos!" Nasa tabi ko na kasi bigla si Hillary.

"Nakakasense kasi ako ng mga kabarrro ko. How can I help you guys?" Member din siya sa art club kaya di na bago kay Michelle ang presence niya. Rrrr!

Pinisil ko ang chubby cheeks niya. "Tigilan mo yang pagiging creepy mo..." Naglabas siya ng kung ano sa bag niya at nilapag sa mesa.

Kinuha agad ni Michelle.
"White stones? Aanhin namin to?"

"Ibato niyo sa kalaban niyo para maramdaman nila ang sakit na naramdaman niyo nung sinaktan nila kayo. HAHAHA!" Sinapian na ata tong si Hillary.

"Kung sayo kaya namin ibato para bumalik ka sa katinuan mo. Malala ka na Hillary!" Ibinalik naman ni Mich ang mga bato sa kanya.

"Joke lang! Pinapatawa ko lang kayo... Polarrris kayo ng Polarrris eh. I-enjoy niyo nalang kaya ang mga moments! Minsan lang tayong highschool and you know, everrrything has its own rrreasons."

Tumayo bigla si Michelle. "At dahil jan, sumama ka sa amin ni Brishka. Ime-make over ka namin! Tara Rish!" Hinawakan namin ang magkabilang braso ni Hillary.

Pumalag si Hillary. "No!! Not my hairrr and especially not my face!"

"Almost four years na yang style mong emo. For sure, matutuwa ang mga pinsan mo. In anyway, I'm doing them a favor." Hinila na ni Mich si Hillary.

"Wait, sinong mga pinsan? Saka makakalabas na ba tayo ng school?" Binalikan ko yung mga gamit namin. Muntik ng maiwan...

"Si Kuya Dennis at Marrra..." Talaga? Magpinsan sila?

"May hidden agenda ka pala Mich eh! Hahaha Pasimple ka lang pala dumiskarte..."

*beep*

Tiningnan ko ang message.

|Ciel|

San ka? Pwede ka bang dumaan sa field? At least may hint na ako kung sino ka :)

Geez.. Sa dami ng pwede niyang irequest... Diyos ko naman!



It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon