Chapter 65

3 0 0
                                    

Not part of your plans


Umagang umaga, napapatakbo ako ng ganto kabilis. Bakit naman kasi walang nagsabing sa auditorium ang graduation practice? Tumambay pa ako sa classroom ng ilang minuto.

Pagdating ko sa itaas, naabutan ko pa ang mga classmates ko. "Aira, anong meron? Ba't kayo nakapila?"

"Alphabetical kasi ng surname ang pagpasok. Pumunta ka na dun sa kasunod mo." Sabay turo sa harap.

"Thanks Aira." Nagmadali na akong pumunta sa harap.

Ang sunod sa akin si kuya Den at sa harap ko si Roxas. Naabutan kong papasok na si Roxas at mukhang absent pa si kuya Den. Kaya nakisingit na ako. Hoo! Muntik na!

Nakapwesto na ako sa second to the last na upuan sa row na to. Hindi naman pinapafill in ang upuan ng mga late or absent. So bakante ang upuan sa tabi ko. Yes! Hindi ako late! Pero ang boyfriend ko, asan? Sabi niya papasok siya ngayon. Psh! Mukhang wala naman siya sa harap.

Hay... May flag ceremony pa ba? Hindi pa kasi kami pinapaupo eh. Ang sakit lang ng mga paa ko. Gosh!

Napalingon ako nang may humawak sa kamay ko. "Driontes, ba't andito ka? Alphabetical order daw. Dun ka sa harap." Sabay irap ko sa kanya.

"Nagswap kami ni Dennis. What's up? Bad mood ata ang girlfriend ko?" Tapos pinisil pisil niya ang kamay ko.

"Hay... Muntik na akong malate. Hindi mo naman sinabi kagabi na dito pala ang praktis. By the way, late din ba kayo?" Pinaupo na rin kami sa wakas ni Ma'am Palermo. Pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Nah... We talked to ma'am. Nagpaalam kami na magaabsent this afternoon. Meron kasi kaming gig and we can't cancel it."

"Pupunta na nga kayo sa Japan two weeks from now tapos may mga gigs pa rin kayo? Masyado naman kayong in demand. Baka maover fatigue kayo niyan?"

I saw him grinned sabay bitaw sa kamay ko. "Uy! She cares about me. Sumama ka nalang kaya mamaya?"

Sumimangot lang ako sa kanya. "Ci, alam mo naman ang napala ko two weeks ago di ba? Sasama or susunod lang ako kapag walang praktis, okay? Sige na, makinig na tayo kay ma'am."

Natahimik kaming dalawa. Wala namang nagsisink sa utak ko sa mga sinasabi ni ma'am. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagoover think ko sa magiging takbo ng relationship namin or dahil nilalaro niya ang kamay ko.

Hay! Gustuhin ko mang parati siyang kasama, di naman ako pwedeng tumakas nalang. I would probably disappoint my parents kapag ginawa ko yun.

Pero reality hits me. I only got two weeks para sulitin ang bonding namin. Tama nga si Mich. MapaFrance o Pinas pa ako magaral, we'll still go on separate ways. Kaya ko ba ang LDR?

First time ko na nga lang, ganto pa. Tuloy, nagdadalawang isip ako kung tama bang jinowa ko si Knight. I know he's capable of lying dahil nagawa niya na yun noon. But he's also worthy of giving him another chance to prove himself to me. To my family. Ugh! Ang hirap palang magdecide kapag committed ka. I have to consider his side before I make a move.

Waa! I need to learn to be vocal. Sumasakit na ang ulo ko at nagooverload na dahil wala namang maisagot ang neurons ko. Hahanap lang ako ng right timing to ask him lahat ng questions nitong utak at puso ko. I want to hear something that I can hold on to. We love each other pero iba pa rin ang may assurance. Because if wala, I'm considering to end this relationship ng wala nang masaktan. Prevention is better than cure and the pain is lesser, I think.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon