Interesting
Matapos ang madugong exams namin last week, nagpeprepare na ang classmates ko sa Science and Math Week next week. Wala akong hilig sa dalawang subject na yan pero hindi ibig sabihin na hindi ako tutulong.
Sa katunayan nga niyan, ako, si Mich at Karlos ang nakatoka sa pagdecorate ng booth namin. Related sa physics ang theme namin. Si Karlos at Mich ang naglilead at taga sunod lang ako.
Ang Polaris naman, nagpapraktis sa studio nila. May special performance kasi sila. Parang patikim sa mangyayari sa concert nila ngayong end of September. Sabi nga ni Ian, malapit ng masold out yung tickets eh. Saan nga uli yun gaganapin?
"Excuse me, andito ba si Ms. Silvantes?" Napatingin ako kay Angelo na kausap ang naghahanap sa akin.
"Brishka tawag ka..." Sino naman kaya ang naghahanap sa akin. Lumapit ako kay Angelo. Si Ma'am Seksitarya pala, I mean si Ma'am Alicia.
"Ma'am bakit po?" Ngumiti lang siya. "Pinapatawag ka sa admin's office... Let's go?" Matagal-tagal na din nung huli akong pinatawag ni Ma'am Silver. Pero sa pagkakaalam ko, may business trip na pinuntahan si ma'am.
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. "Eh di ba ma'am wala si Ma'am silver jan? Sinong nagpatawag sa akin?"
Napatingin siya sa akin. "Si Sir Hayden, oldest son ni ma'am. Siya muna ang pinabantay ni ma'am habang wala pa siya." Ay, tindahan lang ang peg? Hahaha Saka may kuya pala si Knight?
"Gwapo ba ma'am?" Bigla siyang tumawa na parang kinikilig sa sinabi ko. "See for yourself..." Dumating na pala kami sa admin's office.
Baka gwapo nga... Huminga ako ng malalim saka ko binuksan ang pinto. "Good afternoon Sir! Pinatawag niyo po ako?"
Umikot ang swivel chair at humarap sa akin. Napasinghap ako. Gwapo nga... At siya si "Eru!??" Siya ang kuya ni Knight? Kaya pala may kahawig siya... They have the same cold eyes. Mas grabe lang sa kanya!
He just smiled. Oh my gulay! Ang gwapo niya talaga! "I see... Ikaw pala ang pinagkakaabalahan niya for lil bro..." Tumaas pa ang kilay niya.
Mature version lang siya ni Knight at nakakaano yung aura niya... Emeged! "P-po?" Speechless ang beauty ko sa kanya. Malayo siya sa unang pagkikita namin. He's well groomed. New haircut with matching grey tuxedo plus black and white striped polo.
"Take a seat Ms. Silvantes..." Umupo naman ako sa harap ng desk niya. Ba't ba kinakabahan ako sa kanya? "Relax, wala ka namang offense. I just want to know more about you. Hindi lang base sa records mo na hawak ni mom..." Tapos tinapik niya ang isa clearbook. Seriously? Tungkol sa akin ang laman nun?
I halfly smiled. "Wala naman pong interesting sa akin. Nagkakamali po kayo Sir." Napayuko ako. Di ko na kering titigan ang mukha niya. Pogi talaga eh!
"By the way, I forgot to formally introduce myself. I'm Hayden Eneru Driontes, twenty four and the temporary director of our school." Edi siya na! Patago akong umirap sa kanya. Magkapatid nga sila...
Kailangan ko ng makaalis dito. "Ah Sir, pasensya ka na pe--"
"May pintura ka sa mukha, wait..." Tumayo siya at may kinuhang kung ano. Kinuha ko ang phone ko. Linsyak! May pintura nga... Washable ba 'to?
Hinila niya ang upuan sa harap ko at inilapit sa akin saka siya umupo. Nasa harap ko siya at may hawak na basang panyo. "Sir no--" Nilapat niya ang hintuturo niya sa bibig ko. "Sshhh!" Hinawi niya ang buhok ko and he gently wipe my left cheek.
Ang bango niya. Musculine scent. Kahit sinong babae maghahabol sa tulad niya. He's perfect to be someone's dream guy. "Do you like my brother?"
"No??" Anong klaseng tanong ba yun? Huminto siya sa pagpunas at ineye to eye ako. "Good." Tapos ngumiti siya.
**
Whoa! Ang bongga ng science and math week nila dito. Patakim pa lang daw ito para sa upcoming intramurals next month. Baka maglalagay na sila ng circus or carnival dito. Charing! Hahaha
Napuntahan ko na yata ang halos lahat ng booth sa campus. Ang saya! Para akong batang naglalaro at namamasyal.
*phone vibrates*
|Michelle| calling...
Hala! Baka hinahanap na ako! Sinagot ko agad.
"Bakla! Nasaan ka? Bumalik ka na sa audi!" Makasigaw si Michelle parang nakakain ng mic.
"Yes ma'am!" In-end call ko na agad. Kasali kasi si Hillary sa cosplay event. At kami ang cheering squad niya. Nagmadali akong umakyat sa hagdan. Nasa third floor pa kasi ang auditorium.
Pagdating ko sa audi, wala masyadong tao at madali kong nahanap sina Presh. Tumabi ako sa kanila. "Hoy, Grey saan ka galing?"
"Gumala lang sa mga booth... Ayan na!" Naglabasan na kasi ang mga kasali. Wow! I can't believe na kaya nilang icosplay yung ibang warcraft characters. Magpapappicture talaga ako sa kanila. "Sino si Hillary jan?"
May tinuro si Michelle. "Yung contestant number five. Siya daw yung villain sa Narnia. Yung ice queen ba yun..." Di ko mapigilang tumawa. Kasi naman yung wig niya parang supersayan lang sa Dragonball Z. Hahaha Galing!
Nagpakitang gilas na silang lahat. Syempre, kay Ar pa rin ako magchicheer kahit pa namamangha na ako sa iba. Hindi man siya ang nanalo sa competition, alam naman naming ginawa niya ang best niya. Nagmadali kaming bumaba sa may stage at nagpakuha ng mga pictures sa iba't ibang cosplayers hanggang sa nalowbat ang cam ni Mich.
Hinihintay namin si Ar makapagbihis dito sa dressing room. Pupunta pa kasi kami sa ibang booth.
"Alam niyo ang gwapo ni Sir Hayden sa malapitan. Dati rati, sa magazines at newspaper ko lang siyang nakikita." Sikat din pala siya?
Lumabas siya from the fitting area na naka strapless bra at jeans lang. "Sabihin mo nga Ar, gusto mo ba si sir?" Tinapunan ko siya ng damit. Ito talagang si Hillary masyadong careless.
"Hindi, nafafascinate lang ako sa kanya. He's way too old forrr me. Hindi rrrin naman niya ako mapapansin." Sinuot niya na yung shirt.
Inakbayan siya ni Presh. "Wag ka ngang magsalita ng patapos Ar. Saka age doesn't matter! Mukhang bata pa naman si Sir..." I agree!
"Naku, mapapansin niya lang ako kapag parrrehas na kaming rrrich. At ang mga brrracelets niyong yan ang magpapayaman sa akin. HAHAHA!" Binigyan niya kasi kami kahapon ng mga bracelets na gawa sa bato at shells. Sign of friendship daw. Nasa dugo na nga yata niya ang pagiging weird.
Umalis na kami sa audi at inaasar si Hillary kay sir Hayden. Ang cute niya talaga kapag naasar. Napatingin ako sa malayo. "Sina Mico at Mara yun ah..." Hinihila ni Mico si Mara papunta sa old building.
"Ha? Ano yun Grey?" Masama ang kutob ko. Sabi ng utak ko wag na akong makialam pero ang puso ko, gorabells daw. Kaya susundan ko sila...
"Grey!! Saan ka pupunta!!?"
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...