Start over again
Hindi ko alam kung saang forest sumuksok ang bus. Puno nalang kasi ang nakikita ko sa daan. Itong katabi ko naman nakasandal pa sa balikat kong natutulog. Psh! Kung di lang ako mabait, naku!
Pagdating sa retreat house, sinalubong kami ng maliit na simbahan at sa likod nun ang two storey building. Si Sir Dominique ang nagguide sa amin papunta sa likod. Dun pala nagaabang si Father Will.
Inorient kami ni Father Will sa mga rules and regulation. Sobrang aga magising at matulog. Kakayanin ko kaya? Pero ang pinakamasaya sa sinabi ni Father, maliban sa five to six times kumain, choose your own roommate. Woo! Of course, hiwalay ang boys at girls.
Sa unang session, pinanood kami ng mga heartwarming, inspirational videos at naggroupings up to five groups para sa reflection about sa videos.
Naging kagrupo ko si Grace, Mico, Althea at Marian. Ang grupo namin ang wala masyadong conversation at medyo tahimik. Awkward. Kung anong sinasuggest ni Grace umaagree nalang kaming lahat. Haay!
Lunch. Hindi ko inexpect na heavy meal siya. Ubusin ang kayang ubusin at clean your own mess. At kung ganun lagi, sure akong tataba ako. Yey! Silence is a must. Kaya naman pinilit naming wag gumawa ng ingay. Ang hirap kumain kapag ganto.
Pagkahapon, pinasolo kami ni Father para magreflect at gumawa ng own prayer. Naghanap ako ng magandang pwesto at napunta ako sa isang cottage malapit sa farm nitong retreat house. Pumwesto din ang ibang mga kakaklase ko sa mga katabing cottage. Hinanap ko si Michelle para magshare kami dito sa cottage pero hindi ko inexpect na makikishare sa akin si Angelo. Awkward.
Tahimik lang kaming dalawa pero paminsan minsan nahuhuli kong siyang nakatitig sa akin. May dumi ba sa mukha ko?
Naputol ang awkward moment naming dalawa nang tinawag uli kami para magmerienda. Then naggroupings ulit kami para sa dramatization ng story concept na nabunot namin. Si Laura, Tiffany, Paula at Kuya Dennis ang kagrupo ko. Nagpilian na kami ng characters tungkol kasi sa bullying ang nakuha namin. First time kong aacting na kontrabida at si Laura pa ang aapihin ko. Kaloka! Super awkward!
Group two kami kaya minadali namin ang pagpractice. Nung kami na, tinodo ko ang pagacting at inilabas ko ang lahat sama ng loob ko kay Laura kaya mukhang naging totoo yung acting ko. Haish!
Bago magdinner, nagmass muna kami kasama ang missionaries na namamalagi sa unahan pa ng retreat house. At heavy meal uli ang sa dinner. Then, nagprepare na kaming matulog. Lights off kaya pinagtabi ko ang kama namin ni Mich. Nasa dulong kwarto pa naman kami. Waa!
Kinabukasan, 5AM palang ginising na kami at agawan sa common CR ang nangyari. Maaga din kasi ang breakfast. Punctuality is a must.
Hindi ko maintindihan pero parang di ko pa feel ang retreat. Wala nga sa amin ang gadgets namin at remain silent kung pwede pero itong si Mich panay ang pagjojoke at kwento ng horror stories. Ang sarap tuloy isumbong kay Father Will.
Next activity namin, nilagyan ng empty bond paper ang likod namin at sinulatan ng one word description tungkol sayo ng mga taong nasa likod mo. May inner at outer circle. Nasa inner circle ako kaya kami ang unang sinulatan. Nagrorotate lang ang outer circle kaya hindi ko alam kung sinong nagsusulat. At bigla akong kinakabahan sa sinulat nila sa akin dahil diin na diin kung makasulat sa likod ko. Masakit in fairness!
Nung turn na namin, kung anu ano lang ang isinulat ko sa papel base sa kung paano ko sila nakilala or first impression ko sa kanila. Inexpect ko rin na kasama sa outer circle si Knight pero nasa inner circle din pala siya at si Keanna ang nasa outer circle. Hay! Bakit ko ba iniisip na magkakaroon kami nang interaction dito sa retreat? Eh hindi nga nagtatagpo ang landas namin eh.
Sa hapon, ginroup ulit kami para magshare ng personal stories. Si Mara, Andre, George at Kim ang kagrupo ko. Syempre yung tungkol kay mama ang kinwento ko. In the end hiningan ang leader namin, si Mara, ng reflection in general sa stories namin.
Sumama uli kami sa mass at maagang nagdinner para iprepare daw ang sarili namin sa main activity. Ito na siguro yung sinasabi nilang sharing ng personal stories tungkol sa dinaramdam mo. Wala akong planong magshare. Bahala na si Batman!
Ready to sleep na kami pero pinapunta kami sa hall at binigyan ng maliit na candle. Sinindihan at pinaupo kami sa monoblock chair. One seat apart. Pinalagay sa baba namin ang kandila at pinatay ang lights. Ang weird naman ng main event na ito.
Nagsimulang iplay ang parang nature na music. Pinapikit kami ni Father pinasimulang magimagine tungkol sa parents namin. Nakikinig kami sa sinasabi niya and I tried imagining it. Pagdating sa climax, humagulhol na kami ng bongga. May naririnig na akong dumadabog sa upuan. Kahit sinong pusong bato mapapaiyak kung iniimagine mo ang parents mo naaksidente at namatay. Pero may twist ang story, panaginip lang kunwari yun. Father told us to say everything we wanted to say sa parents namin. I imagined hugging my mom and dad. I shouted I love you and I'm sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ng mga classmates ko dahil sabay sabay kaming sumisigaw.
Pagdilat namin, patuloy pa rin ang pagiyak ko. Naka-on na rin ang lights at pinunasan ko ang mga luha ko. Akala ko tapos na, yun pala may round two. Kung may hihingan ng sorry sa classmates lapitan lang daw.
Kakatayo ko pa lang, lumapit agad sa akin si Laura at Grace. Niyakap nila ako habang umiiyak.
Nagsalita si Grace. "We're very sorry Brishka! Marami dapat kaming iapologize sayo, lalo na ako. But to sum it all, we're and I'm so sorry!" Niyakap ko rin silang pareho.
"Apology accepted. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Masama sa heart baka ikamatay ko pa." Humiwalay sila sa akin. Nginitian ko naman sila.
Inoffer nila ang kamay nila. "Friends?" Niyakap ko ulit sila. "Of course!" Humiwalay na sila sa akin sabay punas sa mga luha nila at umalis. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
Pagtalikod ko sumalubong sa akin si Angelo. He is still silently crying.
"Brishka I'm sorry!"
Ako na ang yumakap sa kanya. "Accepted. Basta! Wag mo nang uulitin yun sa ibang babae. Palaboy si karma baka singilin ka bigla."
"Nakarma na nga ako. Chary broke up with me." Humiwalay ako sa yakap. Napansin ko ang pagragasa ng luha niya. Naku, napakaiyakin pala ni Angelo.
"Win her back Angelo. Sweet ka at maeffort pa, muntik na nga akong mafall sayo eh. Kaya mo yan!" Sabay tapik sa braso niya. Ngumiti siya sa akin at tumango tango saka umalis.
Napaisip ako kung kanino ako hihingi nang tawad. Parang ako nalang lagi ang nilalapitan. Kaloka! Sino bang nasaktan ko sa kanila?
Inikot ikot ko ang tingin ko. Kita agad ng mga mata ko si Knight na kayakap si Keanna. Nagkabati na siguro sila. Hmm.
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Michelle. "Huy? Ayos ka lang?"
"Lahat sila may kayakap... Mabuti nalang nahanap kita. Nainggit ako-- Ay! Ano ba yan! Pati ba naman ikaw Rish?!" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. "Ikaw na nga ang bahala!" Sabay tulak sa akin. Sino bang kausap niya?
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pinatalikod ako. "Oh? Knight?" Namumula din ang mga mata niya pero pogi pa din eh!
Niyakap niya nalang ako bigla. Hindi siya nagsalita kaya niyakap ko na rin siya. Ang bango niya! Matanong nga ang perfume niya next time.
Nanayo ang balahibo ko nang magwhisper siya sa tenga ko. "I just want you to know that I didn't mean everything I said before. Just let me explain it to you at the right time. May kailangan pa akong ayusin. But for now, I'm sorry. Can we start over again?"
Lakas maka Tony G! Kinikilig tuloy at di ko mapigilang mapangiti at maluha. Tears of joy or nababaliw na talaga ako? My gosh!
Tango lang ang naisagot ko sa sobrang speechless. Hay! Heto na naman ako... Aasa at magaassume. But this time, ready na akong masaktan. No pain, no gain!
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...