Chapter 18

8 0 0
                                    

Pasabog pa more

Wednesday. Ihahatid kami ni Adrian nina mama at papa sa school. Kinailangan naming umabsent ng dalawang araw para makapagbonding kami as a family and maayos ang birth certificate ni Adrian.

Lumipat na rin kami ni papa sa dati naming bahay. I mean yung bahay na parehong pagmamay-ari nila ni mama. Ten times ang laki nun compared sa bahay na dating tinutuluyan namin ni papa.

Pagdating namin sa school, dumiretso kami sa office ni Ma'am Silver. Kakausapin daw muna nila si ma'am samantalang naiwan kami ni Adrian sa labas.

"Sa tingin mo Ian, effective kaya ang pagpapasama natin kay papa sa France?" Sumandal siya sa pader.

"We can only hope ate. Di naman natin hawak ang mga puso nila. At least, they are trying hard to make everything work for the both of us."

I sarcastically smiled. "Sorry naman po! Gusto ko lang naman magka-spark sila uli. Alam mo yun... Katulad sa mga movies..."

"Okay, Fine! Whatever ate. Malalaman nalang natin yan pagbalik nila dito." Tumango nalang ako.

Pagbukas ng pinto, unang lumabas si Ma'am Silver. Sumunod naman ang parents namin. Bumati kami kay ma'am, ganoon din siya sa amin.

Nagpaalam na rin sina mama at papa. Didiretso na kasi sila sa airport. Hindi ako sigurado kung gaano sila katagal sa France. Aayusin pa kasi ni mama ang mga gulong iniwan niya dun. Haayyy!

Papunta na rin kami ni Adrian sa mga classrooms namin. "Ate Gre, ihahatid na kita sa room niyo." Sabay akbay sa balikat ko.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya kaso mas humigpit pa. Mukha tuloy akong sinasakal. "Hindi naman ako disabled ah! Saka ba't ka nakaakbay? Pinagtitingan na nila tayo." Akala ko pa naman tatanggalin niya na, ang kaso hindi. Kumaway pa siya at nginingitian ang mga nakakasalubong namin.

"Hayaan mo na sila ate. Kung ano man ang iniisip nila, it doesn't matter. Anyway, malalaman din naman nila later na magkapatid tayo." Kinurot ko ang tagiliran niya. "Aray! Ang sadista mo naman ate."

Huminto kami sa may hagdan. "Now you know little brother. Kaya pumunta ka na sa room niyo, hmmm?" Tinapik ko ang mukha niya.

"Ihahatid nga kita. Kulit mo naman! May sadya din naman ako sa room niyo." Hinila na niya ako paakyat.

"Polaris yan ano? Wag mo nga akong idamay sa pagiging fanboy mo ha." Nagsmirk lang siya.

"I'll make you one of us. You'll see! Anyway, andito na tayo sa room niyo. See ya later!" Sabay tulak sa akin papasok ng room. Anak ng baka, mukhang mahihirapan pa akong iwasan ang Polaris. Hmmmmmmp!

**

Nasa studyhall kami ni Michelle ngayon. Tapos na rin naman ang klase namin pero hindi pa kaming pwedeng umuwi kasi may isang oras pa na activity time para sa mga clubs. Eh wala naman akong nasalihan kaya joiners muna ako sa art club. Member din naman si Mich kaya keri lang.

"Alam mo Rish, nakakabanas ka. Ang sarap ipakain sayo lahat ng coloring materials ko. Ininjan mo ako nung monday..."

"Tinext naman kita di ba? Saka may poster making naman sa Buwan ng Wika. Promise, sasali na ako." Umagaw ng pansin ko yung bukas na chichirya ni Mich. "Ayaw mo ba nito? Akin nalang ha." Kumuha ako ng isang piraso at tinikman. "Hmmm... Sarap!"

Patuloy pa rin siya sa pagdodoodle. "Sayo na... Mukhang sarap na sarap ka eh! Ahmm... Teka nga, anong eksena niyo nung sophomore kanina? BF mo ba? Uyyyy!" Hala! Kiligin ba naman!

"Tseee! BF ka jan? Eh kapatid ko yun. Hindi siguro umabot sa radar mo ang chismis." Binitiwan niya ang ballpen na hawak niya at nilingon ako.

"Ha!? Paano!? Hindi naman kayo magkamukha..."

"Hindi naman po kasi kami kambal. Mahabang story kaya next time nal--"

"Grey!!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw.
Ohh em gee! "Presh!?" Nilapitan ko siya at niyakap.

Pinakilala ko si Michelle at Presh sa isa't isa. "Lumipat ka na rin dito? Kelan? Paano? Bakit? Saka ba't di mo ako tinext?"

"Kalma ka lang... Tatawag nalang ako sayo mamaya. May practice pa ako sa softball eh. Bye!" Tumakbo na siya papunta sa oval.

Grabe! Hindi na yata matatapos ang mga pasabog sa buhay ko.

**

Pauwi na kami ni Adrian. Ngayon ko lang nalaman na varsity pala siya ng basketball. At dahil kailangan naming sumabay pauwi, napilitan pa akong hintaying matapos ang practice game nila.

Tahimik lang kami habang bumibyahe. Busy kasi sa panonood si Adrian ng livestream interview ng Polaris. Psh, kaya pala buong araw sila absent.

"Aray!" Itong si Adrian bigla-biglang nanapak ng braso. "Hoy Ian! Anong problema mo ha?"

"Sorry... Si Kuya KC kasi. Sabi niya sa interview may crush daw siya sa class niyo. Kilala mo ba?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ha? May time pa siyang magka-crush eh lagi siyang tulog sa klase."

"Puyat naman kasi siya Ate Gre. Hmmm... Kung tanungin mo kaya siya. Total seatmate naman kayo. Please...." Nagpuppy eyes pa siya.

"No. Di naman kami close. Ikaw nalang kaya... Saka hindi ko trabahong mang-usisa." Wala din naman akong paki kung sino ang crush niya. Tsk!

"Tatanungin mo lang naman ate. Sige na... Curious ka rin naman di ba?" Inalog niya ako. Ang kulit! Hindi na ako umimik para hindi humaba ang usapan.

Natahimik na rin siya. Thank God! "Hello Kuya!" Napalingon ako sa kanya. Langya! Kaya pala tumahimik kasi tinawagan na pala yung kumag.

"Napanood ko yung interview niyo! Sino ba yung crush mo ha?" Kita mo yan! Isang tawag lang pala ang solution, kinulit pa ako. "Uyy! Naks kuya! Sige bye na. Thanks sa time!" Binaba niya na ang phone.

"Oh ano? Sino daw?"

"It's a classified information dear sister. If you really want to know, you can ask him. Pero sabi mo nga hindi mo trabahong mang-usisa." Nakakagigil na siya ah.

"Tseeee!!" At humalakhak pa siya. Arghh! Ano ngayon kung may crush si Knight sa class namin? Hindi naman ako yun... Erase, erase! Pwe! Ba't ba nasagi sa isip ko yun? Arghhh! Nag-a-assume na naman ba ako?


It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon