Chapter 17

8 0 0
                                    

Another Chance

"Ba't andito po kayo? Ian, ininvite mo rin si Papa?" Ngumiti lang si Papa samantalang hindi umiimik si Adrian at Tita Jovi. Umupo na kaming lahat except kay Papa.

Nilapitan ni Papa yung lalaking kasama namin. "Pwede niyo ng iserve yung inorder ko." Pagkatapos ay umupo na rin siya.

Magkaharap kami ni Adrian at silang dalawa. Ramdam na ramdam ko na may tensyong namamgitan sa dalawa.

Magkakilala na ba sila dati? Napaka-awkward naman neto!

Tumikhim ako. "Teka po, sana di niyo po mamasamain ang tanong ko. Magkakilala na po ba kayo noon pa?" Di ko na kasi mapigilan.

"Kumain na muna tayo, bago natin pag-usapan ang mga yan. Ginutom ako nang dahil sa mahaba kong flight." Nakaserve na ang mga pagkain. Ano ba kasing meron?

Wala na akong maggawa kundi kumain. Kahit si Adrian mukhang napipilitang sundin ang mama niya. Samantalang si papa, unti-unti niyang nilalagyan ng karne ang plato ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita uli si Tita Jovi. "Sabihin mo nga sa akin Aidan, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sinasabi sa kanya?"

"Hindi na importante kung kailan ko sasabihin." Nagpalitan kami ng tingin ni Adrian. Ano bang pinag-uusapan nila?

Padabog na binitawan ni Tita Jovi ang mga kubyertos. "Magulang din ako Aidan!"

Napahinto ako sa pagnguya at tiningnan silang maige. Gulong-gulo na talaga ako...

"Kaya ba, inimbitahan mo kami ngayon? Sana, noon mo pa 'to ginawa Aurea. Baka sakaling tanggapin ka pa namin."

Tumayo si Tita Jovi. "Pag-usapan natin 'to sa labas Aidan." Lumabas na siya at sumunod naman ang papa ko.

"Ian, may alam ka ba sa mga nangyayari ngayon?" Nagpatuloy lang siya sa pagkain.

"Mas mabuting wag na tayong manghimasok sa problema nila Ate Gre. Let them finish their problem." Makakatikim talaga 'tong mokong nato!

"Kung ayaw mong ipaintindi sa akin. Pwes, aalamin ko!" Tumayo ako para habulin ang papa ko.

"Ate Gre, please! Mas lalong magiging complicated." Sinundan pala ako ni Adrian pero di ko siya pinansin.

Hinanap ko sila. Mabuti nalang at matalas ang mga mata ko dahil nakita ko sila agad sa garden ng restaurant. Lumapit ako sa pwesto nila.

"Ano bang gusto mong ipamukha sa akin Aidan? Na isa akong masamang ina?! Dahil ba mas pinili ko ang career ko?"

"Oo! Minabuti mong ituloy ang pagmomodel mo kaysa maging ina sa mga anak ko!"

"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko para marating ang posisyon ko ngayon!"

"Hindi mo rin alam kung anong hirap ang dinanas namin ni Brishka... What's the catch Aurea at bigla mo kaming hinanap?"

"Because it's my right. Anak ko din siya Aidan and it's her right to know that I'm her mom. Please..." Tumulo ng husto ang mga luha ko.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari... Mama ko siya?
"Right? Nagpapatawa ka ba? Naisip mo rin ba na karapatan ko ring malaman na may isa pa akong anak? Pero mukhang hindi eh, inilihim mo si Adrian sa akin gaya ng paglihim mo sa buong mundo na kasal tayo at may mga anak na. Alam mo--"

Nanginginig ang buong katawan ko. "P-pa... Paanong...? Anong sinasabi niya? To-too ba... Pa?" Lumapit sa akin si Tit... si... Jovilette.

"I'll explain it to you darling..." Napaatras ako.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon