"Bonjour!" Bati ko kay Hillary.
"Bonjour! I prepared something for breakfast. Ready ka na?"
Umikot ako sa harap niya at nagpose. "Ano sa tingin mo Ar? Pwede na ba?" I wore navy blue long halter dress paired with two inch sandal.
Nilapag niya muna ang hawak niyang plato saka siya nagbigay ng comment. "Not bad. Baka matuwa ng husto ang admin niyan. Pero at least sana dapat may color red para swerte."
"My undies were red. It should be enough. Ano to?" Lumapit ako sa mesa at naupo. Tiningnan kong maigi ang pagkaing nakahanda sa harap ko.
"Duh! French toast lang yan. You can add PB if you want. Nadeliver na rin yung fresh milk kaya yun ang iinomin natin. Di ka pwedeng magkape baka nerbyusin ka. Teka kukunin ko lang."
Tinikman ko ang tinapay. Hmm. Not bad! Kinacareer naman talaga niya ang pagiging chef chef-an. "Wait, ba't ang aga mo ring nagising? Ui! Inaalagan niya ako!"
Nilapag niya ang glass pitcher na may gatas. "Ang feeling mo naman! May pasok ako no. Natanggap ako as kitchen staff sa cafeteria ng school na papasukan mo."
Napanganga ako. "Wow! Congrats!! Ganyan talaga kapag nasa legal age na eh! Pero paano ang buhay prinsesa mo?"
"Gagawin ko nalang savings ang ibibigay nila. I've been living alone for how many years. Though pinaalagaan nila ako kay lola. They won't care kung magtatrabaho ako. Ang importante sa kanila diploma. Geez!"
"Ikaw ha? Naayos lang ang R mo, umayos ka na mag-isip." Nagsimula na siyang kumain.
"Talaga! Lalo na't sobrang gwapo ni Doc Nathan. Oh? Tumawag na ba ang kapitan ng buhay mo?" Sabay kindat sa akin.
I glared at her. "Babe na nga! Ayun, tumawag kaninang madaling araw. Naggood luck sa akin."
"Ahh... Ang tibay ninyo ah! Almost one month na kayong hiwalay." Napangiwi ako sa sinabi niya. Medyo off eh!
"Pakiayos nga ng term mo ha? Bilisan mo nang kumain jan at sabay na tayong pumunta sa university."
"Edi separated, parted, apart, disconnected o keep distance?"
Inirapan ko siya "TSEEE!!"
**
"Your gradez ah good. Even your entranze exzam rezult iz qualified for fashion dezigning. I will pazz your work to Profezor Fontaine to evaluate it. You will hear from uz in a week. Call or letter. I wizh to zee you here on the orientation Mz. Zilvantez."
Kinamayan niya ako. "Okay sir. Thank you so much Sir Scheetz." Sabay ngiti ko sa kanya.
Paglabas ko sa office niya, hindi ko mapigilang mapasayaw. "Yes, yes, yes!" I survived! Tatawagan ko si papa.
Matagal bago nasagot ni papa ang tawag ko. "Who's this?!"
"Pa naman, si Brishka po ito. Did I interrupt something?"
"Hija, I won't state the obvious. Ba't ka napatawag?"
"Eh kasi tapos na po ang interview ko. Nakakatuwa nga po yung admin kasi yung S niya nagiging Z. Parang Italian po ang accent niya. Tapos after a week ko pa po malalaman ang result. I have a positive vibe po na makakapasok ako. Hmm... Mukhang nakalimutan niyo po ano?"
"Hindi naman. It's just that..." Ay dead air?
"Pa?"
"Hija I have to resume from my unfinished business. Something's can't wait hija. I'll call you sooner."
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...