A/N: Simula po sa chapter na 'to kay Brishka Grey Silvantes na lang po ang POV. :)
**
I want you
Brishka’s P.O.V
One week na ang nakilapas nang nag-enroll ako at nainterview nang principal nang DHU. Si Mrs. Driontes pala yung principal. Sa unang tingin parang kakainin ka na pero mali ako. Isip bata siya saka simula nung pumasok ako sa school nila lagi niya akong pinapatawag sa office niya para maglunch, merienda o di kaya makipaglaro.
At ngayon papunta ako sa office niya. Ano na naman kaya gusto niya ngayon?
Hayyy! Para naman hindi ako ‘to. Ang pasaway na si Brishka Grey Silvantes ay nagpapakabait na ngayon. Pero hindi, sasabihin ko sa kanya straight to the point na hindi ako mabait na bata, maliban na lang kung anjan si papa. Pasaway ako, P-A-S-A-W-A-Y!
Kumatok ako sa pinto ng office niya. Biglang nagbukas yung pinto.
“Pasok ka Hija.” Sabi ng secretary.
Pumasok rin ako at sabay nun, lumabas na rin yung secretary. Si ma’am ? Ma’am? Ah basta si ma’am sexy. Hihihi
“Ah eh Good Afternoon po.”
“Sit down Hija, samahan mo akong magmerienda.” Pag-aalok ni ma’am Driontes.
“A-ahh sige po.” Ang hirap naman umamin nito. Baka ma-disappoint ko siya. But I need to, kesa naman lokohin ko siya. Mas malaking kasalanan naman yun. Ika nga ee, be true to yourself and to others.
“Ahmm ma’am meron po sana akong sasabihin sa inyo.” Hindi ako makatitig sa kanya ng diretso.
“Ako rin Hija, may sasabihin.” Ngumiti siya nang nakakaloko.
“H-ha? Ano po yun?” Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ni ma’am ee.
“Ikaw muna Hija.”
*gulp*
“Kasi po ma’am, Hi-hindi po talaga ganito ang pag-uugali ko, na-mabait, tahimik at kung ano-ano pa--“ Nakita kong nasira yung ngiti niya kanina. Mukhang nagulat yata siya. Bahala na!
“—ayoko pong makilala niyo ako na ganun. Ayoko ko pong maging plastic sa ibang tao kaya ko po ‘to sinasabi sa inyo. Mahirap paniwalaan sa itsura kong ‘to pero isa po akong madaldal, hyper, mataray at sigang babae.” Parang ayokong makita yung reaction ni ma’am. Pero ang sarap ng feeling kasi medyo nabawasan yung mga problema ko. Hindi ko na kailangang maging plastic sa ibang tao.
Lumapit si ma’am sa akin at tinabihan ako.
Bigla na lang din akong kinabahan. Baka galit siya sa akin, aka na angasan siya sa akin. Nakooo! Anong gagawin ko?
Hinawakan ni ma’am ang balikat ko at hinarap sa kanya. Tapos bigla niya akong niyakap.
Niyakap niya ako?
Bakit?
“I really really like you na talaga. I mean you’re so courageous! Hindi ko inexpect na magpapakatotoo ka na. Alam mo kasi, matagal ko nang alam yan. Pina-background check na kita. You’re so unique. Unang kita ko pa lang sayo nagkainterest na ako sayo.”
Natutulala pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Yung iba kasi kapag nalaman nila yung ugali ko nato-turn off. Minsan pa na mimisinterpret nila ang ugali ko pero siya? She’s weird.
Teka sabi niya nagkainterest siya sa akin? Ano kaya ang ibig niyang ipahiwatig sa akin? May balak ba siya sa akin?
“Ahmm ma’am? Bakit kayo nagkainterest sa akin?”
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanficNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...