Chapter 30

5 0 0
                                    

First Kiss

Nasa bahay kami ngayon at naghahanda sa pagpunta sa concert ng Polaris. Binilhan kasi ako ni Ian ng ticket kaparehas sa binigay na ticket ni Knight. SVIP ata yun. Kaya naman binigay ko na kay Henna ang isa dahil pumafangirl na pala ang isang ito.

Magkasama kami nina Henna, Claudia, at Ian tapos si Michelle naman kikitain nalang namin Kingdom Stadium. Hindi naman daw manunuod sina Hillary at Presh dahil di raw sila fan.

7PM pa ang start nung concert at 6:30PM bubuksan ang gate kaya kailangan na naming umalis ng maaga dahil isang oras pa ang ibabyahe namin plus gusto ng mga aligagang ito na malapit sa stage ang pwesto namin. Hayy...

Nung una nag-aalangan pa akong sumama dahil di naman ako fan. Ang kaso, kinonsensya ako ng magaling kong kapatid dahil mahal ang ticket. Aabot daw ng sampung libo. Goodness! Andami ko na sigurong nabiling pagkain niyan.

Sumakay na kami sa black Mercedes Benz S500 na bigay ni papa kay Adrian. Ayaw kasing ipagamit ni mama ang Range Rover Vogue. Nasa France na nga sila tapos... Psh! Napansin ko ang hawak ni Henna. "Bakla, ano yang dala mo?" Parang cartolina at kulay black pa.

"Te, pulubi lang ako kaya ito lang ang kaya kong sign board. Gumamit lang ako neon paint para makita pa rin kahit madilim na sa loob." Me ganun? Charot!

May inabot naman si Claudia sa akin. Light stick ba to? "Para saan naman to?" Napansin ko ang headband niya. May nakalagay na mukha ni Mico. Pft! Anong trip yan?

"Iwagay-way mo during the concert. Support support din minsan..." Tiningnan ko si Ian. Wala naman siyang hawak na kung ano. Psh! Kailangan talagang may props?

Tahamik na uli kami pagkatapos. Now that I realized, first time kong pumunta sa mga gantong event. Ang strict pala sa akin ni papa noon. Wew!

Mabilis kaming nakarating sa stadium. Malaki din pala siya. Papunta na kami sa SVIP gate nang makasalubong namin si Michelle. "Mich!!" Pinahawak niya sa akin ang camera bag. "DSLR ba to? Malulusot ba natin to?"

"Oo naman! Bigyan mo lang sila poker face para di halata... Let's go!" Mukhang excited pa siya. Noon pinapalayo niya ako sa Polaris tapos heto siya ngayon fangirling mode. Tss...

Timing naman ang pagdating namin sa gate dahil kakabukas pa lang. Wala namang pila kaya hindi kami nagmadali. Pagcheck sa camera bag, puro pala make up kit. Nasaan ang camera?

Pagdating namin sa loob, ang lawak pala! At mukhang mataas pa ang T-shape stage. "Mich, asan yung cam?"

"Shh! Mamaya ko pa iaassemble kapag magsisimula na. Chill..." Pabulong niyang sabi.

Paunti-unti ng dumarami ang tao at palakas ng palakas ang mga hiyawan nila. Ganito pala ang feeling na makapunta sa concert. Parang masaya na exciting na ewan.

**

Bongga ang production number Polaris. Andaming pasabog, literal na pasabog! Kahit di ko masyadong bet ang kanta nila, napapatalon ako sa saya. Wooo! Party!

Nagcover pa sila ng ibang kanta na uso ngayon tapos may dance number pa sila. Nakakatawa kasi hindi sila ganoong marunong sumayaw pero go pa rin. Kapag wala sila sa stage, meron namang nag-iintermission number. Pero above all, ang favorite part ko talaga yung strip dancing. Oh gosh! Umulan ng tinapay! Luluwa na nga yata ang mata ko pero bawal ang spg kaya shirt lang pinatanggal sa boys. Si Mara lang ang tigpulot ng mga damit nila eh.

Speaking of her, mukhang malapit niya nang iannounce ang pag-alis niya sa Polaris or baka hindi niya na itutuloy. Nagperform pa sila ng isang kanta galing sa album nila sabay hagis ng mga teddy bear. Si Claudia yata ang nakasalo nung inihagis sa area namin.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon