Chapter 25

3 0 0
                                    

The Who?

Mag-iisang linggong absent ang Polaris. Sabi ni Adrian, baka raw naghahanda para sa concert nila. Gustohin ko mang kamustahin si Knight about sa emergency nung Friday, kinakain naman ako nang hiya.

At dahil meron na kaming lead kung sino si Ciel sa school, gumawa kami ng paraan para kilalanin siya. Timing pang seatmate ni Presh si Patrick. Inutusan namin siyang pasagutin ng slumbook si Patrick. Pero ewan ko lang kung mapasagot nga niya. Hahaha

Next week na ang second grading exams. Kaya naman parang hinahabol ng kabayo ang mga teachers sa pagturo ng mga lessons. Pati kamay ko sumasakit na sa dami ng sinusulat. May libro naman pero hindi masyadong nagagamit. Tsssk!

Mabuti nalang talaga at half day lang ngayon. First honors convocation mamayang hapon. Honors, parents, teachers at ang sponsoring year level lang ang required pumunta. Ang rank ko? Secret! Basta hindi ako ang kulelat sa section namin at wala akong red marks sa card kaya chos na yun...

**

Pauwi na kami ni Adrian. "Ian, di ka aattend mamaya? Honor ka di ba?" Ano kayang feeling maging honor?

"Hindi na... Wala din namang sasabit ng medal ko." Ang tampuhin talaga niya.

"Ako pala? Ate mo naman ako." Napakunot ang noo niya. Halatang ayaw niya. Choosey!

Inakbayan ko siya. "Hay nako! Don't worry, marami ka pa namang chance eh." Humilig siya sa balikat ko. Kung iisipin mas malalim ang pwede niyang itanim na sama ng loob kay mama. Hindi lang kasi siya inilihim sa amin, iniwan lang kasi siya kay Manang Tessa nung six years old siya. Tuwing summer lang niya nakikita si mama. Haay...

"Ian, hindi ba senior mo sa basketball team si Patrick? Kwentuhan mo ako tungkol sa kanya. Sabihin nalang nating nagbabackground check ako..."

Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako. "Akala ko ba crush mo si Kuya KC? Pati si tol James?" Nanlaki ang mata ko at sinapak siya.

"Anong crush ko si Knight!? Baka gusto mong malagutan ng hininga? Saka yung kay James para yun kay Presh. Basta! Sige kwento ka na..." Sorry Presh but I have to lie.

"Hmm. Unang una sa lahat, si tol James ay anak ni Senator Jun Lustre..." OMG! Bigatin pala si James. "Bunso sa apat na magkakapatid. Konti lang ang alam ko kay tol eh. Basta, mabait siya at maalaga. Ganun lang ang looks nun kasi nagrerebelde siya for his freedom." Parang ang layo naman niya sa Ciel na katext ko.

"Mahilig ba siya makipagtext?"

"Mahilig kamo siyang hingin ang number ng mga babae. He's a very notorious playboy sa campus. Kulang nalang pati poste patusin. Kaya naman paki sabi kay Ate Presh, mag-ingat siya. Tsk, tsk, tsk!" Ilalabas ko na ang alas ko. Kapag hindi nagtugma sa ang sasabihin ni Ian, naku!

"Eh sa music? Mahilig ba siya or member man lang ng banda?" Ayan na! Napapaisip na si Ian.

"Hindi ako sure pero tumutugtog ata siya sa isang bar. Check niyo nalang ang Infinity Bar. Nasa tapat lang ng dating village na tinitirhan niyo ni dad." Talaga? May bar pala dun? Mukhang may check na si Patrick.

**

Lunes ng hapon, naibigay na sa amin ni Presh yung slumbook. Napasagot nga niya si Patrick. Amazing! At dahil sa slumbook, nagbabangayan kaming tatlo.

"Konti lang kasi ang nagtugma sa sagot niya at sa text ni Ciel... Baka hindi si Patrick ang katext ko." Kinopya ko yung questions sa slumbook at pinasagot si Ciel through text.

Kinukumpara uli ni Hillary yung text ni Ciel at yung slumbook. "Baka naman kasi nagkataon lang na si Patrrrick yung andun at may kausap Elle."

Napakamot tuloy si Michelle sa ulo niya. "Ang sabihin niyo baka walang nagsasabi ng totoo sa kanila. Akin na nga yang phone ni Rish! Tatawagan ko yang Ciel na yan at ng matapos ang kaartehang ito." Inagaw niya kay Ar ang phone.

"Uyy Mich, wag!!" Wala na, nadial niya na!

"Kapag nakilala ko 'to, papalibing ko siya ng buhay..." Katakot naman si Mich. Pero may point din naman kasi siya.

Nilapag niya ang phone. "Ayaw sagutin... Ipatrack nalang natin ang number niya. I know somebody who can do it."

Kinuha ko ang phone ko. "Wag na Mich, hassle... Saka kung di ko man siya makilala. I don't care. Textmate lang kami at hindi na mauulit yang pagreregalo niya."

"It's just too bad na nasa same campus kayo and you don't even know each other. Wag ka lang mafall sa Ciel na yan. Swear, ihuhulog kita sa bangin..." Lagi nalang akong pinagbabantaan ni Mich. Kalerkey!

"Ehem... Mahirap magmahal sa text perrro parrrang mas mahirrrap yatang magmahal patago." Napatingin kami kay Ar. Mich glared at her. Di ko tuloy mapigilang mapangiti.

"Okay, sasabihin ko na... Medyo nafall na ata ako kung yan yung term niyo. Di ko kasi maexplain kung crush, attraction or infatuation tong nafifeel ko." Binatukan nila ako. Mapagmahal talaga silang kaibigan...

"Ayan tayo Rish eh! Text lang yan... Saka mo yan sabihin kung nagkaroon na ng human figure si Ciel."

"Korrrek siya jan!" Hmmp! Okay fine...

I sighed. "Fine... Uwi na nga tayo. Exams na bukas eh." Nauna na akong tumayo at naglakad. Jeez! Was it too early to conclude my feelings?

Umakbay sa akin si Mich sa akin at kumapit sa braso ko si Ar. "Rish, there's no need to hurry. We're young. There are so many fish in the sea kaya relax okay?"

"Plus! Hindi mo kailangang madaliin ang pagbrrreak sa sumpa ng pagiging NBSB mo kung hindi siya ang the one. Masasaktan ka lang and we don't want you to get hurrrt Grrrey." I'm really thankful at nakilala ko silang dalawa. Hinalikan ko ang mga pisngi nila.

"Thank you guys!"




It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon