Chapter 43

5 0 0
                                    

Chance

Papunta na kami sa school ngayon. Medyo maaga kami ngayon ni Ian kasi may inter school competition ang mga varsities ngayon kaya kailangan nilang umalis ng maaga.

"Maglalaro na ba agad kayo? Ilagay mo to sa sapatos mo." Saboy abot ko sa kanya ng lucky charm ko.

"Piso? Nagpapaniwala ka pa jan ate?" Tapos humalakhak siya.

"Ay, wag ka! Swerteng piso to. Nananalo ako sa mga sinalihan kong contest kapag dala ko to." Pinahawak ko sa kanya ang piso.

"Ate, magaling kang singer kaya deserve mong manalo. Pero sa basketball di nadadala sa swerte ang panalo. Dedepende pa sa kalaban niyo at game plan ng team niyo."

"Brother, dalhin mo pa rin yan. Baka sakali lang. First five ka di ba? Galingan mo!" Tinapik tapik ko ang balikat niya.

"Manunuod ba si papa?" Hinawakan ko ang kamay niya. "Naitext ko na sa kanya ang venue at oras. Tatawag lang daw siya sayo bago ang laro."

Pagdating namin sa school. Nakaabang na sa amin si Claudia sa may parking lot. Kung malisyosa lang ako, naku, baka isipin kong may something sa kanila ng kapatid ko. Pero tiwala naman akong friends lang talaga sila.

Humiwalay na ako ng landas sa kanila. Didiretso na kasi sila sa bus area. Ako naman, gusto ko nang pumasok sa room dahil kalahati lang ang matitira doon. HAHAHA Andaming varsities sa class namin kaya pati seatmate ko, wala din! Hahaha

Paakyat na ako sa hagdan nang hinarangan ako ng mga soccer players. "Sumama ka muna sa amin." Sabi nung malaking lalaki.

Napataas ang kilay ko. "At bakit?" Bigla nila akong hinawakan sa magkabilang braso at kinaladkad sa kung saan. Pumiglas ako. "HOY!!" Biglang humigpit ang pagkakahawak nila. "Sandali lang naman miss. Para sa captain namin to." Ha? Anong pakulo na naman to ni Angelo?

"Hoy, tigidong boys! Asang lupalop ba kayo galing? Get in the bus!" *gulp* Nakakatakot pala itong si Angelo parang nangangain ng tao. "Special delivery captain!" Binitawan na nila ako saka sumakay sa bus. "Brishka?" Narinig ko silang naghiyawan. "Hi?"

"Goodluck kiss naman jan miss!" Napatingin ako sa sumigaw. Nakadungaw pala sila sa mga bintana. Linsyak! Umilig iling ako pero sa isang iglap nakalapat na ang labi niya sa pisngi ko. Masyadong advance ang loko! Napaatras ako. Speechless. Paalis na ako nang mabangga ko si sir Oliver. "Sorry sir..." Tapos nagmadali akong umalis habang hawak ang pisngi ko. "Nanligaw lang, may pahalik halik na." Si ano nga rin... Ay never mind!

Pagpasok ko sa room kokonti lang kami. Sa Polaris, sina Dennis, Mara't Knight ang naiwan. Wala rin si Michelle kasi kailangan niyang kumuha ng pictures sa mga events. Photo journalist eh. Hayyy!

Napansin ko ulit ang isang bar ng itim na toblerone. Sino kayang nagpapabigay nito nang mapasalamatan ko? Nawawala ang stress ko ng dahil dito. Ayaw namang kumanta ni Mara kaya di ko nalang pinipilit.

**

"Grrrey, nagkakagusto ka na ba kay Angelo?" Napakagat ako sa labi ko. Hindi ako alam anong isasagot ko sa kanya.

"Kaya nga nanliligaw siya di ba? Para makilala ko siya nang husto at makilala rin niya ako. Eventually, baka magustuhan ko rin siya."

"Aminin na nating cute siya, matalino, morrreno, matangkad, may kaya sa buhay ang pamilya nila at ipagpalagay nalang natin na sincerrre siya sayo. Perrro kung ang laman ng puso't isip mo ay ibang tao, hindi mo pa rrrin siya magugustuhan kahit isang dekada pa siyang manligaw." Sapul na sapul yata ako sa sinabi niya.

"Hindi. Bibigyan ko siya at ang sarili ko ng chance. Kailangan ko lang matanggal sa sistema ko ang kumag na yun. Meron na siya, meron din dapat ako." She glared at me sabay hawak sa kamay ko.

"Grrrey, mali yan! Hindi ka magboboyfrrriend dahil lang may girrrlfrrriend na ang crrrush mo. Kundi, mahal mo yung tao at mahal ka rrrin niya. He's good for you and you for him." Tama nga naman siya. But why do I feel something is urging me to get even? Because I was hurt or still hurting? Naghihiganti ba ako?

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Maybe I should get rid of whatever I feel sa kumag na yun and move forward. Ayoko ng complicated. In the first place, simple at tahimik na buhay naman ang gusto ko." Niyakap niya ako.

"We supporrrt you bakla. Wala man sila dito, sure naman akong same kami nang sasabihin. Basta Grrrey, don't rrrush and don't be affected sa mga chismis, okay?"

Pinisil ko ang pisngi niya. "Emotera ka na naman. Heto..." Inabot ko sa kanya ang toblerone. "Kumuha ka nang mabawasan yang emo side mo."

Inagaw naman niya sa akin ang toblerone. "Napapadalas na ang pagbigay sayo neto ah. Kilala mo na ba?" Umiling ako. "Nah. Ayaw din naman sabihin ni Mara. Kaya wag nalang. Sawa na ako sa mga taong hanggang paramdam lang pero ayaw naman magpakilala." Sabay ngisi ko sa kanya. "Ang lalim Grrrey!" Sabay kaming napatawa.


It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon