Chapter 29

3 0 0
                                    

More Than That


Pagkasabing pupunta sa oceanview, akala ko malapit lang. Inabot kami ng fifteen minutes sakay ng coaster. Tapos naglakad pa kami papasok sa isang mahabang tunnel. Pero sulit naman kasi paglabas namin, kita mo agad ang blue-green na dagat. Gusto ko tuloy maligo...

Pagdating sa open stadium nagsisimula na ang show. First time kong makakita ng dolphin at nagtitricks pa kaya naman aliw na aliw ako. Ewan ko lang sa kasama ko dahil kanina pa siya tahimik. Masyadong KJ!

Nasubukan pa naming magpakain ng sea lion tapos mag pafoot spa sa mga isda. Kahit pa mangamoy dagat ako, the best pa rin na experience nato. Salamat sa poging kasama ko!

Saglit kaming nagpahinga sa isang bench sa park. Maya-maya, bigla nalang din siyang nagpaalam na bibili ng ice cream. Libre naman niya kaya di na ako kumontra. Hahaha

Napansin ko nalang ang isang batang babaeng statue sa gitna ng park tapos binabantayan ng isang staff. Curiousity kills kaya naman lumapit na ako. Tinanong ko yung nagbabantay. "Ate, sino siya? Anak ba siya ng may-ari nito?" Ngumiti si Ate Diana, yun kasi ang nakalagay sa name tag niya.

"Siya po si Hazel Valentine Driontes--"

"Driontes!?" Ibig sabihin related sina Eru sa batang yan.

"Yes ma'am. Ginawa po ang oceanview and ecopark ng may-ari in memory of her. Kaya naman po ipinangalan sa kanya ang lugar na ito. She--"

"She is my sister..." Napalingon ako sa nagsalita. Si Eru pala. Inabot niya sa akin ang vanilla flavored ice cream. Kaya pala wala siyang binabayaran kasi kanila pala ito.

Tinitigan niyang maigi ang statue. "She died because of acute leukemia at the age of seven. Before she was diagnosed, paborito niyang mamasyal sa mga parks and beaches." Ilang sandali pa kaming naging tahimik pero nagkwento uli siya.

"Busy ang parents namin sa family business namin, so at the age of ten, I took care of her and KC kahit pa may yaya kami. " Dahan dahan kong kinain ang ice cream habang nakikinig sa kanya. Baka kasi magmelt.

"We were at our grandparents' resort nang lagnatin siya. At first, we thought na normal lang yun pero two days after hindi pa rin bumaba ang lagnat niya. Dinala namin siya sa hospital. Inisip pa ng lola ko na baka may dengue siya. Isang araw palang siyang nakaconfine sa hospital lumala agad ang condition niya. She was brought to PICU pero hindi na kinaya ng katawan niya and died." Hindi ko alam pero naluluha ako sa kinukwento niya. Paubos na rin pala ang ice cream ko.

"Sa libing umabot ang parents ko galing US. Nahirapan din kaming iexplain kay KC ang nangyari. Four years old palang kasi siya but he never cried. He was just 'Kuya wake ate bwawentie! Pway, pway!'. Minsan pa, pumapasok siya kwarto ni Hazel tapos sasabihin niya sa amin na andun siya at nakikipaglaro sa kanya. I admit, those times were scary..." Natawa pa siya. Ako naman nanayo ang balahibo ko.

"Sa sobrang takot ni mom, pinacheck up niya kami ni KC. Fortunately, wala naman kaming signs at symptoms ng leukemia except na nasa genetics na namin yun... So that's her history." Sobrang bata pa niya para kunin ni Lord.

Hinarap ko siya. "Kaya ba dinala mo ako dito?"

Ngumiti siya pero halata namang nalulungkot siya. "It was her eighteenth birthday when I proposed this project kay dad. It's my way of remembering those happy moments with her. Today is her twenty second birthday."

Napakamot ako sa ulo. "Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko..." Kung hindi lang talaga sa sitwasyon ngayon baka inasar ko pa siya. Ang layo lang eh!

"Sinabi ko naman sayo kanina di ba? But today I realized something about you... At some point, you remind me of her." Ngeeek!

"Alam kong nangungulila ka lang sa kanya... I can be your little sister if you want to." Hindi ko rin maintindihan kung ba't lagi kong inooffer ang sarili ko sa iba.

Nagtaas siya ng kilay. Mukhang may kalaban na ata ako sa ganyang aspeto. Hahaha "Can you be a little more than that? Like--"

"No! Kahit ang pogi pogi mo pa, hindi ako pumapatol sa gurang. Kuya lang talaga..." Hinawakan niya agad ang dibdib niya.

"Ouch! Pagkatapos kitang ipasyal dito, sasaktan mo lang ako. Grabe ka rin kaprangka no?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Clap, clap. Best actor award goes to you! Speaking of pasyal, thank you sa pagdala mo sa akin dito kahit pa kinidnap mo ako sa school. So kung hihingi ka ng ransom or demands, hingin mo sa akin dahil masyado akong thankful sa ginawa mo." Kumislap agad ang mga mata niya. Tsk!

"How about a kiss here?" Sabay turo sa pisngi niya. Seriously? "As a kuya lang naman..."

"Kahit pa halikan kita, kulang pa yan sa nilibre mo sa akin. Basta kung kailangan mo ng tulong ko at kaya powers at ng konsensya ko, sabihin mo sa akin ha?!" I tiptoed and about to kiss him sa cheeks pero lumanding sa gilid ng lips niya ang labi ko.

Napaatras ako. Emeged! Spell awkard? "Sorry di ko--"

"KYAAAAAAH!!!" Napalingon kami sa nagkukumpulang mga tao. Para naman silang nakakita ng artista. "May mascot ba kayo rito?"

"I don't know. I'll ask the supervisor about that later."

"Lapitan natin." Isang hakbang ko palang at hinila na niya ang kamay ko. "Kailangan na nating umuwi at baka abutan tayo ng gabi sa daan." Oo nga pala! Hinahanap na siguro ako ni Ian. Lagot na!

Inakbayan niya ako. "Let's go?" Sabay kaming naglakad palabas ng ecopark. Hindi ko na tinanggal ang kamay niya. Wala namang malisya dahil kuya- kuyahan ko na siya ngayon.

Biglang nagring ang phone ko. Patay! Baka si Ian na ang tumatawag. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa.

|KUMAG| calling...

Hayy! Akala ko si Ian na. Sinagot ko ang tawag.

"Hell--"

"WERE YOU SUPPOSED TO DO THAT!?" Kanina pa siyang umaga sumisigaw ah! Nakakabwisit na...

"Ang ali--" Inagaw sa akin ni Kuya Eru ang phone ko at inoff. Sinamaan ko siya ng tingin pero waepek! Magkapatid nga naman, oo!



It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon