Chapter 55

6 0 0
                                    


Wrecked

Christmas party namin ngayon pero imbes makisaya ako, heto ako sa garden, nagkukwento kina Mich, Ar at Presh tungkol sa nangyari. Hindi ko sinali si Mara at baka isipin niyang gawa gawa ko lang ang lahat. Ayoko namang masira ang namumuo naming friendship.

Hindi rin sila makapaniwala sa cellphone na dala ko. Pero mas gusto nilang kausapin ko si Knight nang matapos na. Ang daling sabihin pero ang hirap namang gawin.

"Ano ka ba Rish? Nasa harap mo na ang sagot, ayaw mo pa rin? Walang mangyayari kung tatakbuhan mo lang ang problema mo. December na. Gusto mo pa bang umabot yan next year?"

"Grey, ang sabihin mo, hindi mo kasi matanggap na nagsinungaling siya sayo. Pero okay din naman na hindi mo kausapin si KC. Wala ka namang mapapala."

"No! Akin na ang phone mo Grrrey. Ako ang magtetext kay KC parrra matapos na. Perrriod! No errrase! Nang makamove on ka na." Hinayaan ko lang si Ar na hablutin ang phone ko.

"Sasamahan ka naman namin Rish."

Tama! Kailangan ko ng makausap si Knight. At least, maliwanagan na ako. Kahit sabihin ko pa na ayaw ko nang kilalanin ang textmate ko, binabagabag pa rin ako. Nafall din naman ako kay Ciel kahit sa text lang. At kung iisa lang sila ni Knight, I'm hitting two birds with one stone ang peg? Ang kaso... Ay ewan! Ang gulo!

**

Pagkatapos nang exchange gift, umalis agad kami ni Mich sa room at pumunta sa likod ng old building. Yun kasi ang tinext ni Ar kay Knight. Ang hilig talaga ni Ar sa mga creepy na lugar. Psh! Masyadong memorable din sa akin yun.

Hindi ko na binuksan ang mga regalong binigay sa akin ni Tiffany at hindi ko inalam pa ang reaction ni Angelo. Panay din ang iwas ko kay Knight at Keanna sa room. Kulang nalang kasi langgamin sila. Hmmp!

Nasa likod na kami ng old building at andun na sina Presh. Sana pumunta si Knight. Hay! "Tawagan mo kaya siya Grey. Baka di sumipot. Ikaw naman kasi Ar hindi convincing ang text mo."

"Hayaan mo na Presh. Kung di siya pupunta dito, ako nalang magaadjust. Maliit lang naman na bagay..." Napansin ko ang panay nguso nina Hillary. Ano ba yun? Lumingon ako sa likod ko. Si Knight! Andito siya!

"Iwan muna namin kayo." Nagmadaling silang umalis. Dalawa nalang kami ngayon. *gulp* Paano na to?

"Ano bang gusto mong sabihin? Bilisan mo lang dahil may gig kami ngayon." Natameme ako. Gusto kong magsalita pero nagaalangan ako. Sa tono palang kasi nang pananalita niya para--

"Wala kang sasabihin? Aalis na ako." Tumalikod na siya. 

"Wait! Sayo ba to?" Inabot ko yung box na pinaglagayan nung cellphone.

Kinuha naman niya at binuksan. Mukhang gulat na gulat siya sa nakita niya. Lumapit siya sa akin. "Paanong napunta to sayo?!" Ba't parang siya pa ang galit ngayon?

"So, sayo nga yan?" Bigla niyang hinawakan ang wrist ko. 

"Aray! Masakit! Ano ba?"

"Paanong napunta sayo ang phone?!" Bigla akong kinabahan at kinilabutan sa way nang pagtitig niya. Pumiglas ako at nabitawan naman niya ako.

Hindi ko pwedeng ilaglag si Axel at baka magkagulo pa. "May nagbigay sa akin. Ba't ka ba nagagalit ha? Ganun ba ka importante yang phone sayo? O dahil natatakot kang malaman ko ang totoo?" Natahimik siya. Hindi ba niya kayang sabihin sa akin nang harap harapan na sa kanya ang phone at siya nga si Ciel na textmate ko?

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya umiimik. Naasar na ako! "Well, it's too late! Alam ko na! Alam ko na na ikaw ang textmate ko. Sinungaling ka! Andami dami mong chance na sabihin sa akin ang totoo. Tinanong pa kita nung nasa SK tayo. Ang sabi mo hindi ikaw si Ciel!"

"Hindi lang ako ang nagsinungaling Grey. You used Hillary to pretend to be you. Kung nung una palang nagpakita ka na sa akin. Hindi tayo aabot sa ganto." Nak ng pusa! Gulong gulo na ako!

"A.. All this time, a..alam mo ng ako ang textmate mo? Ke..Kelan pa?!" Naluluha ako. Feeling ko niloloko at pinaglalaruan ako ng lahat ng tao sa paligid ko.

Nag-iwas siya nang tingin. "Hoy! Knight! Sagutin mo ako!"

"During our practices sa play." Ganun na katagal?! So, ako lang pala ang tatanga tanga dito.

Namumuo na ang luha ko. "Hindi mo man lang binalak na sabihin sa akin?!"

"Let's just stop this argument Grey. Oo! Ako si Ciel. Ngayon alam mo na ang totoo, wala namang magbabago." Gusto ko siyang sampalin pero kinuyom ko nalang ang kamay ko.

"Sayo wala pero sa akin meron! Dahil ngayon, sa iisang tao lang pala nahulog ang loob ko. Hindi mo kasi naiintindihan ang frustrations ko. Kung saan ko ba dapat ilulugar ang feelings ko para sa textmate ko at sayo kasi selfish ka! Sarili mo lang ang iinisip mo!" Tumulo na ang luha ko pero pinilit kong wag maging hysterical.

"Wh... What are you trying to tell me?" Grabe! Ang manhid!

"Gusto kita! Bilang Ciel na textmate ko man or si Knight. Wag ka..." I stopped talking when I saw him clenched his jaw and slightly grinned.

"You like me? Psh! You might be delirious Grey!" What!?

"Sige, iexplain mo sa akin kung paanong hindi ako magkakagusto sayo kung makayakap, akbay, hawak, mangasar at makipagkulitan ka sa akin, parang hindi mo ako kaibigan! Maharot ka! Gusto kong isipin na ganyan ka lang makitungo sa mga kaibigan mo. Pero ang halikan mo ako sa pisngi at labi. Hindi na yun friendship distance!"

Natahimik siya bigla. Pinunasan ko ang luha ko. Tama naman ako! Kung hindi siya maharot and pafall. Hindi naman ako magkakagusto sa kanya.

"I'll be honest with you Grey. Yes, I'm attracted to you but it doesn't mean I like you. Kea was right. You just resembled her kaya napalapit ako sayo. And I kissed you to satisfy my cravings." Paksheet! Sinampal ko siya. Hard.

"Cravings!? What a term to use! Ano tong lips ko? FASTFOOD?! Readily available kapag gutom ka?! Tangn* mo naman Knight! You don't kiss a person because you crave! Kalimutan mo nang nagconfess ako ng feelings ko sayo! Ibang tao yatang nasa harap ko. Nabalik na rin ang phone mo. So my business is done here. I hope I satisfied your cravings!" Sabay walkout ko at kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon