Chapter 50

4 0 0
                                    

Sixth sense

Last day ko na ngayon sa bahay ni lola Ice. Kaya naman hindi ako makatulog simula pa kagabi. Every thirty minutes nagigising ako. So naisipan ko nalang lumabas sa balkon at tumambay. Syempre dala ko si baby C.

2AM palang, malamang himbing na himbing silang natutulog. Tapos mamayang hapon uuwi na ako sa amin. At feeling ko naman, ito na ang huli na makakalapit ako nang husto kay Knight.

Hayy! Tama bang ginagawa ko? Tama bang andito ako? Tama bang umasa pa ako? Sasagutin ko pa ba si Angelo? Dapat na bang umamin ako para matapos na? Nakakafrustrate isipin na walang sasagot sa mga tanong ko. Iniisip ko rin kung si destiny ba ang may gawa nito o may mga tao lang na pilit na pinagtatagpo ang landas namin ni Knight. Tapos napapaisip din ako kung gusto akong makikilala ni lola Ice dapat nagchichikahan kami. Eh parang tinatrap lang niya ako kay Knight katulad sa ginagawa ni ma'am Silver sa school.

Yes, gusto ko nga ang nangyayari. Pabor sa akin. Pero paano din naman si Knight? Ayoko namang isipin niya na pinagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya.

Siguro kailangan ko nang tigilan to. Para wala nang mahirapan, wala nang masaktan except sa akin at nang makamove on na ako. Lord, sign naman jan oh! Kailangan ko nang guidance mo.

**

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. "What the?" Paano ako nakapasok sa loob ng kwarto? Sa pagkakatanda ko nasa balkon ako. Ano yun nagsleep walk ako?

Bumangon ako. Napansin ko ang teddy bear sa tabi ng unan ko. Pati siya nagsleep walk? Gosh! Kinuha ko si baby c at niyakap. "Ba't iba na ang amoy?" Nilalabhan ko naman to pero parang familiar ang amoy eh. Inamoy ko ulit.

Napalingon ako sa may kurtina nang makarinig ako ng strum ng gitara. May tao sa labas?

Lumapit ako sa may kurtina at hinawi. Nasa labas si Knight at nagigitara. Nakacasual shirt and jeans lang siya. May lakad ba siya? Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero napansin niya pa rin ako.

"Gising ka na pala." Tumango lang ako. "Ikaw ba ang nagdala sa akin sa loob?" Tumayo siya at sumandal sa parapet.

"Masyado ka namang siniswerte Brush." Namiss kong tawagin niya ako niyan. Hayy! Inirapan ko siya. "Nagtatanong lang naman ako. Masama ba..." So nagsleep walk nga ako?

Bigla siyang tumawa. "Pikon ka naman. Naabutan kitang natutulog dito at nilalamig kaya kinarga kita papasok. Ang payat payat mo pero ang bigat mo naman. Ilang kilo ka ba?"

Sumimangot ako. "Magtethank you na sana ako sayo ang kaso may kasamang lait eh. Hindi naman ako karneng binibenta sa palengke para tanungin ang kilo ko. Panira ka talaga ng araw!" Nakingisi pa rin siya pero hindi siya nagsalita.

Hay! "Pero thank you pa rin. Saka sorry din sa panggugulo ko nung sa party. Pati, kalimutan mo na rin yung nangyari kahapon. Alam ko naman hin--" Biglang nagring ang phone niya. Sinagot niya naman. Di tuloy natapos ang sasabihin ko.

"I have to go. Excuse me." Binitbit na niya ang gitara niya at paalis na. "Knight sandali!" Nasa may sliding door na siya at napatingin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Promise, last na talaga to. Bye." Umalis na rin siya. Bitbit ang gitara niya at kalahati ng puso ko.

**

"Darling, did you tell him?" Umiling iling ako. "May mga bagay po na hindi na niya kailangan malaman, lola Ice. Naiintindihan ako po kung maiinis kayo sa akin."

"No darling. If that's your decision then, I can't convince you anymore. But I can force you to do it." Nanayo bigla ang balahibo ko. "Lola naman..."

Tumawa naman siya. "I'm just messing with you darling. Take care and I'll see you soon." Humalik siya sa pisngi ko.

Lumapit ako kay Aiki. "Bye bye Aiki." Sabay halik sa pisngi niya.

Ipapahatid ako ni lola sa bahay. Pinasakay ako ni lola sa isang black Jaguar XJ Sovereign. Ilang sasakyan ba meron sila? Yaman eh!

Nasa isang subdivision lang pala ako at hindi lumuwas ng Manila. Ang lakas din ng power tripping nitong nagddrive sa akin ngayon. Metal ba naman ang iplay. Wala na akong marinig kundi sigaw. Naappreciate ko naman ang metal pero kasi...

Hayy! Traffic na naman! Lahat na yata ng kalsada dito sa Metro, congested na. Kahit mag-shortcut ka pa, matatagalan ka pa rin.

Napatingin ako sa labas. Ang dami palang cafe dito, makatambay nga minsan kung papalarin kay papa. Total hinahayaan naman na ako ni papa na lumabas.

Nahagilap ng mga mata ko si Angelo na may kasamang babae? Mama ba niya yun? Pumasok sila sa isang cafe.

Bigla akong nacurious. "Kuya, pwedeng paki park lang po sandali. May bibilhin lang po ako dito." Kinukutuban ako sa kanya. And I hate this feeling.


It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon