Weird Couple
Higit dalawang oras kaming bumyahe. Kainis na traffic yan! At sa tingin ko, alam ko na saan kami pupunta. Sa Star Kingdom kasi itong route as far as I can remember. Hmmm... Ba't kaya niya ako dadalhin dun?
Hindi pa rin ako kinakausap ni Knight. Nakokonsenya tuloy ako. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong ihingi ng sorry. Bahala na nga!
"May sasabihin ako." At sabay pa kaming nagsalita. "Ika--" sabay ulli kami.
"Ak--" Hala, sige lagi nalang kaming sabay.
"Ako nalang total napikon kita. I'm sorry!" Bigla siyang ngumiti.
"You're forgiven but I also want to apologize for being childish." Napangiti rin ako. Para kaming mga baliw na nagaapologize sa isa't isa.
Dead air? Tumahimik kami bigla eh. "Okaayyy... So sa Star Kingdom tayo pupunta? Paano mo napapayag si papa? And why me?" Kanina ko pa kasi gustong itanong yan.
"Napansin mo na pala... I still feel guilty of what happened to you. So para makabawi ako sayo I thought I should bring you to a place where you can enjoy and have fun. Tito didn't ask that much about my plans pero he just made me promise to bring you back home safe and sound." Tumango tango ako. Sa public place niya pa talagang naisip na itreat ako. How sweet! Hayyy... Ba't kaya sa mga kaibigan ko ang higpit higpit ni papa?
"Paano si Keanna? Di ka ba niya hinahanap? Wala bang schedule ang Polaris ngayon?" Talo ko pa ang imbestigador neto. Di ko siya tatantanan! Hahaha
"We alloted our break to work. In return, they have to give us time to rest. That will be a month or so. And please, let's not talk about her. I've been avoiding her for two days. I just wanna enjoy my freedom at least for today." So, hindi ko na siya makukulit magkwento tungkol sa relationship nila. How can I prepare for a war kung di ko naman kilala ang kalaban ko. Errr!
So, I have to set aside my doubts about him for now. If he wants us to enjoy then go ako! Libre naman niya. Isa pa, I'll get the chance to know him more. At kahit pa anong tawag niya dito, I'll call this our first date and hoping not our last.
Dumating kami sa Star Kingdom. Sinuot niya naman ulit ang disguise niya. "Tanggalin mo nga yang mustache... Di ka naman na nila makikilala ng mga tao dahil sa buhok mo." Tinanggal naman niya. Aba, masunurin.
Bumaba na kami sa kotse at pumila sa ticketing booth. Ride all you can ang ticket namin. Yippie! So far, wala namang nakahalata sa disguise niya. Come to think of it, kailangan niya pang mag-effort para maprotektahan niya lang ang privacy niya at ng sa akin. Hmm? Nung sila pa kaya ni Keanna kinailangan pa ba niya ng disguise?
Napailing ako bigla. What am I thinking? Hindi naman ako ang current girlfriend niya to be jealous. Ako lang din naman ang nag-aassume na date namin to. "Brush okay ka lang? Do you want to have our lunch first before anything else?"
I should keep our friendship distance. "I'm fine. Pero mas gusto ko munang sumakay sa extreme rides. Mahirap nang bumaliktad ang sikmura natin. Tara sa Tower of Doom!" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila sabay takbo papunta sa tower. Ito ang friendship distance ko. Hahaha
Pagdating sa tower, pumila na kami. Rinig na rinig ko ang mga sigaw sa itaas ng drop tower. "Sasakay ba talaga tayo jan?" Napalingon ako sa kanya. Di ko pa rin siya nabibitawan. "Natatakot ka ba ha?" Nag-iwas siya ng tingin.
I smirked. "Takot ka sa heights? Don't worry, I'll help you face your fear." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya baka tumakas pa. Naramdaman ko ang paglamig ng kamay niya.
"Then I have to get rid of this." Tinanggal niya ang wig. Binitiwan ko ang kamay niya. Inagaw ko sa kanya ang wig at nilagay sa bag ko. "Hoyy... Isuot mo nalang ang jacket mo tapos isuot mo ang hood. Masyado ka kasing nagsstand out at napapansin ka ng mga tao dito. Pakitago nga yang kagwapuhan mo..." Napakagat ako sa labi ko. Nasabi ko ba talaga yun?
Sinunod naman niya ang sinabi ko saka pinisil ang pisngi ko. "Chill... I won't let anyone ruin our day. And I assure you, my handsome face will not attract anyone." Nasabihan lang ng gwapo humangin na. Tss!
Pagsakay namin sa tower, napansin kong kabado siya. Inoffer ko ang kamay ko sa kanya. "Hold my hand para di ka kabahan." Nag-alangan pa siya pero nang magsimulang umakyat ang upuan namin humawak na siya. I can't help it but smile. Pero napalitan yun nang sigawan nang biglang nag-drop ang upuan namin.
Pagbaba namin, I saw him smiling and starting to enjoy kaya naman from drop tower to roller coaster to spinning swings to swinging ship and to octopus ride. Kung di pa ako nahilo baka sumakay pa kami sa ibang rides. Hindi niya na sanang naalala na hindi pa kami naglulunch.
Bigla niya akong inakbayan. "Someone's following us. Yumuko ka lang. We have to get away from his sight." Nagmadali kaming naglakad without knowing kung saan magtatago. Mabuti nalang talaga we found a souvenir shop near us. Pumasok kami agad and decided to buy some tees and other stuff for disguise. We changed our clothes at baka masundan kami uli ng lalaking yun. Kami lang naman ang tao sa loob and the old woman in the counter doesn't seem to know Knight.
Pagkatapos niyang magbayad, lumabas na kami. Nakalagay na sa paper bag ang mga damit naming suot kanina. Now, He's wearing a panda head gear kinda stuff and a funky shades at ako naman isang cat ears shapped headband. Napansin ko ang suot naming tees. "Huy kumag, couple shirt pala ang nahablot mo. Kaso... Napunta sa akin ang king tapos nasayo ang queen." Pft! Medyo fit pa sa kanya ang shirt kaya mapapansin mo ang mga muscles niya. "Gusto mong magpalit tayo?"
"Nah, I like it this way. Let's pretend to be a weird couple for today." Inakbayan niya ako. I'm lost. Hindi ko alam kung anong rereact ko. I don' t know if matutuwa ako dahil sa ideyang magiging couple kami o maiinis dahil it's only for today and not sooner or later.
Nagsimula kaming maglakad at mas nilapit pa niya ako sa kanya. Bumilis agad ang tibok ng puso ko just like before and it's becoming more intense. Masyado niya akong sinasanay sa mga bagay na hindi naman para sa akin.
I'm becoming more aware of what I feel and I'm falling too fast. He wants us to pretend but I can't. Paano pa ako magpepretend kung ang nararamdam ko is for real? I can't event hide it. Ugh! How did I ever fall to such complicated man? Mas mahirap pa ata to kesa magkagusto sa textmate kong walang human figure.
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Fiksi PenggemarNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...