Captain
"Are you sure about it Ci? We're going to sacrifice alot of things if ipapagpatuloy pa natin to." Pinipigilan ko nalang maluha. I don't want him to see me weak.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Grey, distance lang yan. We just have to trust each other. I love you so much at hindi ako papayag na susuko tayo without giving us a try."
Hindi ko na napigilang yakapin siya. Wala na akong paki kung may nakatingin sa amin dito sa pond ng clubhouse. "Fine, I'll take the risk. Basta ipromise mo sa akin, magiging honest tayo sa isa't isa. Gagawan natin ng paraan to. But in any case... If you want out of this... Ju.. Just say it in my face."
"Yes I promise. I'll be honest, faithful and a loving boyfriend to you. And I won't let that happen. For nine months na nakilala kita, I knew you would understand my situation. And for a week na naging tayo, I realize na tama ang desisyon ko. You don't seek attention and simple things are enough for you. Kaya I'll work hard and study well para sa future natin."
Shocks! Nasa future na ang mind set niya. Emeged! "Swear, kapag napako yan lahat, susugurin kita sa Japan at susumbong kita sa pinakanotorious na yakuza dun."
Pinitik niya ang noo ko pero mahina lang. "Promise po." Hoo! Kaya namin to! Go lang ng go para sa pagibig!
Naglakad uli kami pabalik sa bahay. Medyo malayo sa clubhouse pero keri lang kasama ko naman ang kumag na to.
Hindi kami magkahawak ng kamay pero alam kong sinasadya niyang banggain ang kamay ko. Gusto ko siyang hawakan pero naalala ko ang bilin ni papa. Let the guy make the moves. Hay!
"By the way, Tuesday next week hihiramin kita sa fam mo ah? Birthday kasi ni kuya and may family dinner sa bahay."
"Exclusive lang yata sa family members ninyo ang party na yun." Pinitik niya ulit ang noo ko. Nakakarami na siya ah?! Pasakit na ng pasakit. If I'm going to scale the pain from one to ten, five na!
"Ano ka ba? I'm going to introduce you to them. So you're going to be part of our family. Mrs. Grey Driontes?" Nanlaki ang mata ko sabay hampas sa braso niya.
"Eh wag ka namang namimitik jan. Saka misis agad? May I remind you, jowa palang kita. Next time ka na maglevel up kapag we are at the right age."
He just clenched his jaw. Ay? Siya pa ang nagagalit ngayon? "Oh? So ako lang ang inlove dito, ganun? You don't think of me as your future hubby? Pwes, you need this so much to awaken you." At lumanding na naman sa noo ko ang pitik niya. And I am sure it's already bloody red. Asar! Ang sakit! Scale of ten na!
"Hoy! Girlfriend mo ako! Hindi punching bag or whatever you call it! Humanda ka!" Pero bigla siyang tumakbo.
Hinabol ko siya. "Hoy! Ciel! Hali ka dito!"
Ang bilis niyang tumakbo pero di ako papatalo. Sa kalsada na kami naghahabulan at kinabahan ako. Baka may sasakyan na dumaan. "Ciel stop!!" Nasa may intersection na siya. "I said stop!!"
Huminto siya at humarap sa akin. Nakangiti pa siya. "Tumabi ka nga--" Napahinto rin ako ng may malakas na busina akong narinig. Napatakbo papunta sa kanya. "KNIGHT!!" My gosh!
Paalis na yung sasakyan ng maabutan ko siya. Hinihingal ako pero wala na akong paks. "Ayos ka lang!? Hindi ka nasaktan?!"
Natawa lang siya. "I'm perfectly fine Grey. There's nothing to worry."
Bigla akong nainis. "Nothing to worry!? Sobra akong kinabahan Knight. Paano kung nabangga ka nga at namatay? My dream to be your future wifey could have vanished within one snap." Di ko na napigilang maluha. Eh kasi naman oh!
Pinunasan niya ang luha ko. "Please don't cry. I'm fine, you can now stop worrying about me. I promise to take care of myself. Just stop crying, okay? Babe? Grey?"
Tumango nalang ako. He smiled at niyakap niya ako. Ginulo niya ang buhok ko. Pinunasan ko ulit ang luha ko sabay hampas sa likod niya. "Kasalanan mo to eh. Kung di mo naman ako pinipitik sa noo edi sana naglalakad lang tayo ngayon at hindi PDA!"
Pinaulanan niya ako ng halik sa noo. "Sorry na babe. Malapit nalang naman na tayo sa bahay niyo. Let's go?"
Sabay na kaming naglakad habang nakaakbay siya sa akin. "At natuto ka na ng babe ah. Epekto ng busina?"
"No. I've been thinking of an endearment recently. It's about time na rin kasi." Napapout ako sa sinabi niya.
"Ci, enough naman na sa akin kung names natin ang gawing endearment. But to spice up things, game ako. Basta, it's not too corny."
Hinaplos haplos niya ang buhok ko. "Well, how about captain?"
Ha? Ano daw? "Captain as in kapitan? Edearment ba yun?"
"Yup! We're the captains of our own ship and it is sailing already."
I'm lost! Wala akong nagets sa sinabi niya. "Teka, paki layman's term please? Maawa ka."
Kinurot niya ang pisngi ko. "Napakaslow mo rin talaga cap. What I mean by our ship is our relationship. And sailing means kung paano natin dinadala or dadalhin ang relasyon natin ngayon." Napairap nalang ako.
"Oo na... slow na ako. Tss! Kapkapin mo mukha mo. Ang bait mo talagang syota. Andito na tayo sa bahay namin, pwede ka nang umuwi." Nakatayo kami ngayon sa harap ng gate namin. Inalis ko na ang kamay niya sa balikat ko.
"Alam mo kahit pikon ka, ang ganda mo pa rin captain. Nilalambing lang naman kita." Lambing ba yung mangasar? May kasama pang bola.
Gusto kong magtampo pero tong puso ko masyadong natuwa sa word na ganda. Nginitian ko siya. "Sige na captain. Kailangan mo ng umuwi dahil maaga pa tayo bukas."
Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako sa lips. Hinarang ko ang kamay ko. "Hep! Baka makita tayo ng parents ko." Hay naku! Nagpout pa siya.
"Nahiya ka pa. Sige na, isa lang. Pang goodnight kiss mo sa akin." Tinuro niya lips niya. Ano ako bale? I acted to kiss him sa lips pero sa right cheek ako humalik.
I knew na magrereklamo siya, so I pushed him papunta sa mini van nila. Pinagbuksan na siya nung driver nila. "Hala ka... Pinaghintay mo si manong. Goodnight na cap. Ingat sa byahe."
Nagpapaawa pa siya kaya niyakap ko siya. "I love you cap. See you bukas."
"I love you too cap." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pero ninakawan niya ako ng halik sa lips. Smack lang. Natulala nalang ako hanggang makaalis na siya. Lord, dream come true ito sa akin! Thank you!
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...