Bumalik
"Whoa!" Oh my God! Parang palasyo ang bahay nina lola Ice. Pagbaba mula sa carport, naamaze na ako sa garden. Balinese style ang bahay niya at pagpasok sa loob, sasalubong sayo ang isang malaking frame na iniilawan ng malaking chandelier. Painting yun ng larawan ni lola at ng asawa niya. Foreigner pala kaya English ng English si lola sa akin. Sayang lang at hindi ko na makikilala ang asawa niya.
Isa rin sa nagpalula sa mata ko ang mataas na ceiling. Akala mo aabot ng fourth floor sa taas pero hanggang second floor lang pala. Maganda din ang spiral staircase na mukhang gawa pa sa magandang klase ng wood.
"Lola, kayo lang po ang nakatira sa bahay nato maliban sa mga trabahador niyo po?"
Sa sobrang ganda at linis ng bahay parang mahihiya kang tapakan ang sahig. Kahit sand color pa ang tiles, alam mong malinis pa rin. "No darling. My youngest son and his family also lives here. But they were out of town. So, you won't be seing them except for my youngest grandson, Aiki." Tumango tango ako.
My gosh! Starting this afternoon, I'll be staying here for three days and two nights. Holiday sa Monday kaya ayos lang. Hay! Hindi ko talaga magets si papa at hindi ko inexpect na magkakilala sila ni lola.
Ngayon ko lang din nalaman na shareholder ng company ni papa si lola. Akala ko simpleng employee lang si papa, hindi pala. May-ari at CEO pala siya at wala akong kamalay malay. Psh! Kaya pala lagi siyang pumapayag nung inaya ako ng magkapatid na Driontes at ngayon kay lola.
"Mary! Bring Aiki here. Jason, bring her bags to the guest room." Kinuha naman ng parang butler ni lola ang satchel at bagpack na dala ko. Ngumiti lang ako sa kanya.
Napatingin ako kay lola at sa private nurse niya. "And before anything else darling, welcome to our ancestral house." Ang lapad ng ngiti ni lola. Hmm! Ba't kaya ako pinapastay ni lola dito?
**
"Aiki, catch!" Tinapon ko ng mahina ang bola. Pero di pa rin niya nasalo. Humagikgik siya. Ang cute niya talaga! Chinito, matangos ang ilong tapos ang fluffy niya at sobrang puti. Gusto kong maging yaya nalang niya. Three years old pa lang siya pero sobrang cute na. Pano pa kaya pagtanda niya? Eihhh! Nakakagigil ang cheeks niya.
Inabot ko sa kanya ang isa pang maliit na bola. "Aiki, tapon mo sa akin. Catch ni ate." Loading ata siya. Di niya na gets? My gosh! Kailangang English talaga?
"Throw Aiki." Sabay aya sa kanya. Pero imbes itapon sa akin, lumapit siya sa akin at yumakap. Ang bango! Pinaulanan ko siya ng halik. Tapos pinaupo ko ulit siya sa pwesto niya kanina.
"Throw the ball Aiki." Natapon naman niya pero sa sahig tumama at nagbounce sa kung saan ang bola. Tapos tumawa siya. Lumapit ako sa kanya para panggigilan siya.
"Aiki!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Automatic namang tumayo si Aiki at nilapitan si "Knight?" Anong ginagawa ng kumag na to dito?
Kinarga niya si Aiki at pinaulanan ng halik. Sana ako nalang si Aiki. Tsk! "Tawag ka ni grandma. Sumunod ka nalang." Biglang hinagis niya ang bolang nilalaro namin ni Aiki kanina. Tinamaan ako sa noo. Sumusobra na ang pananakit niya sa akin. Humanda siya!
**
Nasa mahabang wooden dinning table kami ngayon. Sa center si lola, sa harap ko si Knight at ma'am Silver tapos sa tabi ko naman si Aiki at ang yaya niya. Di ko na alam ang topic nila dahil lumilipad ang diwa ko sa kung saan. Tutukan ka ba naman ng kumag habang kumakain. Parang gusto ko nang malusaw. Waa!
"Brishka, wala ka bang nagugustuhan sa mga anak ko?" Bigla akong nabilaukan. "Darling, are you alright?!" Kinuha ako ang baso na may tubig at uminom. Goodness! "Ah.. Ayos lang po ako."
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila sabay ngiti. "So, ano na Brishka? May nagugustuhan ka ba sa kanilang dalawa?" Napatingin ako kay ma'am Silver. Ayaw lang magmove on sa topic?
"Yes darling. I believe, one of my grandsons charmed you. Who is it?" Pati ba naman si lola? Kaya ba pinapunta niya ako sa bahay niya para iset up sa apo niya? Advantage sa akin yun pero...
Napatingin ako kay Knight. Hindi maintindihan ang expression niya pero parang natutuwa siya sa nangyayari. Hampasin ko kaya siya nitong porcelain plate. "A... Ano kasi... Hindi pa po ako dumadating sa ganung level nang pagtingin. Kuya at friend lang po..." Sige, lie some more Brishka. Ugh! Alangan namang magconfess ako sa kanila. Nakakahiya!
"Hija, you're running out of time." Napatingin ako kay ma'am Silver. I can't help it but to bite my lower lip. Anong bang gusto niyang ipahiwatig?
**
*gulp* Sooner matutuloy na ang merging ng company nila and magiging fiancee niya na si Keanna. And I can no longer intervene with them.
"You really suit my son."
"... But feelings might change. Konting push lang yan. Well, I will give you time to think... "
OMG! All this time, she's trying to push us together?! Pero paano? Bakit? Kailan pa?
"Argh! Baby C! Tulungan mo si mommy na mag-isip! Yung daddy mo nanganganib mapun-- Ayyyy!" Bigla kasing may kumalabog sa labas. Ugh, may mumu ba? Wag po!
Napatingin ako sa may kurtina. Dun ba yun galing? Baka sa sobrang laki ng bahay, pinamugaran na ng mga ligaw na kaluluwa. Waa!
Lumapit ako sa may kurtina habang yakap ang teddy bear. Hinawi ko ang kurtina. Sliding glass door at may balkon pa? Sosyal! Ang laki ng kwarto, king size bed, magarang CR tapos heto...
Pagbukas ko ng pinto, humampas sa akin ang malakas na hangin. "Wow!" Overlooking view ng mga ilaw mula sa mga bahay sa baba. Pero mas nagpaganda sa view ang bundok. Ibig sabihin lumuwas kami ng Manila?
"HUY!"
"AY WAG PO!" Napaupo ako sa sahig sabay sisik ng mukha ko sa teddy bear.
"Ang OA mo ha." Napatayo ako at hinanap ang nagsalita. "He! Eh sa tinakot mo ako!" Asan ba siya? Tao ba talaga ang nagsalita?
Biglang nagappear sa kabilang balkon si Knight. "Tumahimik ka nga. Natutulog ng mga tao, nambubulahaw ka pa." Sinamaan ko siya ng tingin. Ibig sabihin magkatabi lang ang kwarto namin?
Napairap nalang ako sa kanya. "Bakit ka pa andito?"
"I can't sleep. Meron kasing maingay sa kabilang kwarto at kausap ang sarili. Ikaw ba?" What!? Narinig niya lahat nang sinabi ko?
Napailing ako. "Nag-iisip lang. Sige, papasok na ako." Tinalikuran ko na siya. Hmmp! Magconfess na kaya ako?
"Grey sandali!" Nanayo ang balahibo ko. Hindi nga ba siya ang katext ko noon? Nilingon ko siya. "Oh....?"
"Wala. Never mind. Pumasok ka na." Umalis na rin siya at pumasok sa loob. Bakit ganun? Bumabalik ulit lahat ng feelings at doubts ko sa pagkatao niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanfictionNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...