Chapter 40

4 0 0
                                    

Please stay away

After naming kumain, umikot muna kami sa arcade area. Masyado niyang kinacareer ang pagiging couple namin. Ayaw man lang niyang bitawan ang kamay ko kahit sandali. Mabuti nalang at naisipan kong maglaro kami kaya nakalaya ang kamay ko. Aaminin kong natutuwa ako sa ginagawa but it's too much. Baka hanap hanapin ko.

I'm now hugging a two feet tall white teddy bear at siya naman, hawak ang paper bag. Hindi ko inexpect na sharp shooter pala siya. Nung una, I want to give him something. Nilaro ko halos lahat ng klase ng games pero kahit consolation prize di ko mapanalunan. Samantalang isang laro palang niya sa target shooting, panalo agad siya. Hayy!

Bumalik kami sa rides pero dahil sa dala namin di kami pinapapasok. Kaya naman nirequest namin yung guard na palabasin kami sandali para mailagay namin sa kotse ang mga gamit namin. Pumayag naman siya.

Pagbalik namin sa loob, nadaanan namin ang Haunted House. Maraming nakapila pero inaya pa rin niya akong pumasok. My goodness! Ito ang lugar na pinakaiiwasan ko sa amusement park. Hindi kakayanin ng powers kong pumasok jan! "Hey? Let's go." Inalog alog niya ang kamay ko. Hindi ba obvious sa mukha ko na ayoko? Hinila niya ako papunta sa pila. Waaa!

Lumingon siya sa akin. "Are you afraid? They're just wearing make ups. Tao lang din sila." Feel ko maiiyak ako na ewan. "Ikaw ang kokonsensyahin kong kumag ka kapag di ako makakatulog mamaya."

He suddenly cupped my face. "Relax... I'm here. I'll help you face your fear just like what you did to me." He gave me an assuring smile. Maybe I should trust him. Pero pagpasok palang namin sa loob, kinikilabutan na ako. GUSTO KO NANG MAGBACKOUT!!

I felt his arm wrapped around my shoulder. Napatingin ako sa kanya. I saw him grinning. Asar! Nagsimula na kaming maglakad. At first, parang normal pa ang itsura ng dinadaanan namin. Pero bago kami lumagpas sa isang malaking frame ng babae bigla nalang lumitaw ang isang kamay. "AHHH! LUMAYO KAYO SA AKIN!" Napahawak ako sa shirt sa ni Knight art nasapak ko yung kamay. Narinig ko siyang tumawa. Naungasan ako ng kumag nato. Err!

Simula nun hindi na ako natigil sa kakatili. Kulang nalang mapunit ang damit ni Knight sa kakahila ko. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Bahala siya! Kasalanan niya kung bakit halo halo ang nararamdaman ko ngayon!

Nakita ko na ang labasan kaya nauna na akong lumakad. Pero bigla nalang may sumulpot na lalaking mukhang zombie sa harap ko kaya napatakbo na ako palabas. "Hoo! Tapos na! Never na akong uulit! Woo!"

Napatakbo ako nang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko, bwisit! Si Knight lang pala. "Kamusta? Hindi naman nakakatakot di ba?" Sinugod ko siya at sinuntok ang braso niya. "Ewan ko sayo!" Nagwalk out ako at naglakad sa kung saan.

Hayy! Umupo ako sa isang bench sa harap ng ferris wheel. Nairritate yata ang lalamunan sa kakasigaw at napagod sa pagwawala. Feeling ko, para akong nagmarathon sa loob. Asar talaga ang kumag na yun. Wala nang ginawa kundi pagtawanan ako. Hmm! Gaganti ako...

Napalitan ang view ng ferris wheel ng bottled water. "Water?" Napatingin ako kay Knight. Hindi ko siya sinagot pero kinuha ko pa rin ang tubig. Mabilis kong naubos ang tubig. Hindi halatang uhaw na uhaw ako.

Umupo siya sa tabi ko. "Okay ka na?" Tumango lang ako. Asar pa rin ako sa kanya kaya hindi ako magsasalita. Tiningnan ko ang ferris wheel. Aha! I know what to do.

Tumayo ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya. "Sakay tayo sa ferris wheel. Gusto ko makita ang sunset." Ibinaba niya ang shades niya ng konti. Ngumisi lang ako sa kanya. "No. Ikaw nalang. I'll wait here."

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon