Chapter 45

4 0 0
                                    

Wassup

Dumaan kami sa isang kilalang boutique para mamili gagamitin ko sa para sa party. Gusto kong magpagulong gulong sa saya dahil sa mga magaganda at mamahaling damit na nakikita ko. Take note, walang kapares ang mga designs nila. Pero biglang nasira ang pagmomoment ko at parang luluwa ang mga mata ko nang ipresenta nila ang mga pagpipilian kong mga damit.

Oh gosh! Puro revealing lahat. Backless, kita pusod or halos nakikita na ang boobs. Utang na labas! Okay lang ang tube or strapless, wag lang muna ang mga yan. Hindi ako sanay! *gulp*

Asar din tong si kuya Eru eh. Mabuti nalang may nahila akong pink lacy cocktail dress. It emphasizes my curves and it wasn't too revealing. Pinares nila ang isang four inch heel silver sandal at sa boutique na rin ako inayusan. Light make up at nilagyan lang sparkling ribbon shapped clip ang buhok ko. Magkano kaya ang nabayad niya?

Habang nasa byahe, hindi na matapos tapos ang kwento niya tungkol sa business. Dumudugo na ang ilong ko sa technical terms about business. Ngiti at panay agree lang ang ginawa ko kahit wala akong maintindihan dahil busy ako sa kakaisip ng palusot ko para hindi ako makita nina Knight mamaya.

Pagdating sa function hall ng isang hotel, sinalubong kami ni ma'am Silver. Nagulat pa yata siya nang makitang magkasama kami ni kuya Eru. Bineso niya kami at sinabayang pumasok sa loob. Late na pala kami.

Hindi pa kami nakakarating sa gitna, hinarang na kami ng mga business partners ni kuya Eru. This is the perfect timing! Bumulong ako kay kuya. "Pupunta muna ako sa CR kuya. Sumasakit na ang pantog ko. Hahanapin nalang kita mamaya or tatawag lang ako sayo."

"Alam mo ba kung saan?"

"Ako nang bahalang humanap. Importante yata ang pag-uusapan ninyo." Nginitian ko silang lahat. "Ahm... Excuse me." Umalis na agad ako sa pwesto nila. My goodness! Malaking party pala to para sa mga business men and women.

Hindi ko namalayang umabot na ako sa sulok kung asan ang buffet area. Natatakam tuloy ako... Sorry kuya pero mauuna na akong kumain. HAHAHA Papunta na ako sa lalagyan ng plates at utensils nang makasalubong ko ang isang matandang babae na nakatungkod at nahihirapang kumuha ng pagkain.

Asan ba ang bantay ni lola? Tsk, tsk! "Lola, tulungan ko po kayo..." Hinawakan ko ang isang kamay niya na nakahawak sa plato. Ngumiti siya sa akin. "Thanks darling..."

Naghanap ako ng upuan at mesa na malapit sa amin. "Lola, ayos lang po bang umupo muna kayo doon? Ako nalang po ang kukuha ng pagkain niyo po." Sabay turo sa isang mesa na walang tao. "Really? I am grateful for your kindness darling." Tapos humalik siya sa pisngi ko. Kinuha ko ang plato sa kanya at iniwan muna sa mesa.

Inalalayan ko si lola papunta sa tinuro kong mesa at pinaupo. "Lola, ano po bang gusto niyong pagkain?"

"Give me a small piece of tenderloin, two spoonful of vegetabe salad without cabbage in it and a scoop of mashed potato. Don't forget, a slice of watermelon and a banana." Sana pala nirecord ko yung sinabi niya at baka may mamiss ako.

Ngumiti ako at pumunta na sa serving area. Sinunod ko lahat ng sinabi niya at nag-initiative na kuhaan siya ng tubig. Naalala ko tuloy si Lolo Anton na mapili sa pagkain. Bumalik ako sa kanya na may hawak na dalawang plato, one for fruits and one for the rest, at isang baso ng tubig.

"Here's your order lola... Happy eating!" Umupo ako sa tabi niya. "Don't you wanna eat something? You might be hungry." Spokening dollar si lola. Mauubos yata ang English vocabulary kong nakastore sa brain ko.

It Started With A TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon