Fiancee
Pagkatapos ng intrams, wala na palang pasok. Semestral break daw. Sosyal! Kaya naman nagbakasyon kami ni Ian sa Davao. NagPM kasi si papa na pumunta kami kina lolo para makilala nila si Ian. Lumipat kasi sina lolo Anton at lola Feli doon dahil may nabili silang lupa at ginawang pomelo and banana plantation tapos yung mga products iniexport sa ibang bansa. Mas gusto kasi nila na hands on sila sa business kaya nagpatayo sila ng bahay doon.
Tuwang-tuwa sila sa pagdating namin at parang fiesta slash mini reunion ng Silvantes family ang nangyari. Nalaman ko rin na pati mga pinsan ko fans ng Polaris kaya naging close agad sila kay Ian. Hmp! Hanggang sa probinsya, Polaris pa rin. Tsk!
Kaya naman nang malaman ni Ian na dadaan sa Davao ang Polaris para sa pagpromote ng album nila, nagpaalam kaagad sila kina lolo para pumunta sa town. Magpapaiwan sana ako pero dahil ako ang nakakatanda, pinasama ako ni lola para bantayan sila. Hayy...
At dahil sa magaling kong kapatid nagkaback stage pass kami. Binati sila ni Ian. Ako naman, ngumiti sabay kaway. Pero pagdating kay Axel, tinaasan ko siya ng kilay at inismiran. Akala niya siguro nakalimutan ko yung sinabi niya. Tsee!
Binigay na nang mga pinsan ko ang dalawang box ng pomelo. Syempre nagpapicture din sila at ako ang ginawang photographer. Hindi pa nakuntento ang mga pinsan ko at nagpasolo shot pa with them. Kaloka! Akala ko tapos na ang pictorial pero humirit pa si Ian na magpapicture din raw ako. Pahamak! Nakisali pa ang mga pinsan ko at tinulak tulak pa ako. Kinuha ni Ian ang digital cam tapos pumwesto na ako sa gitna. Nasa right side ko si Dennis at Axel, left side naman si Knight pati Mico. Ngumiti ako nang biglang umakbay sa akin si Knight. Naging awkward ang smile ko bago nagflash ang camera. My gosh! I'm electrified over and over again.
Nagpaalam na kami sa kanila para makapaglibot pa sa mall. Pag-uwi namin saka ako nakareceive ng message galing kay Knight.
|KUMAG|
Tnx sa pomelos. It's sweet just like your brother and cousins.
Aba? Sila lang? Huh! Sana makakain siya ng balat para mapait! Nakakabitter siya ha!
To: |KUMAG|
K
Sent. Nakakabad vibes talaga siya! Panira ng araw! Hmp!
*beep*
|KUMAG|
Pikon? :)
Anong pikon? Upakan ko kaya siya nang maalog ng konti ang utak niya.
To: |KUMAG|
No. Text you later.
Sent. Sasamain talaga siya sa akin kapag nagkita uli kami.
*beep*
|KUMAG|
Ok. LIBYA!
Ha? Baliw na ata siya pati lugar dinamay na niya. Tsk, tsk!
To: |KUMAG|
Anong Libya? Okay ka lang?
Sent. May plane lag pa siguro siya. Umuwi ba sila agad ng Manila?
*beep*
|KUMAG|
Life Is Beautiful You Also :)
Pft! Takte, anong pakulo to? Hahaha
Siniko ako ni Leandro sa umaga, Lea nalang sa gabi. "Smiling face ka lagi Tesan? Oyy!! Tesan ha? Jowa mo?" Umiling lang ako.
Simula nun parati na akong tinitext ni Knight at kung minsan tumatawag pa. And for almost two weeks niya yun ginagawa na para bang naging routine na niya. Unti unti na ring gumagaan ang loob ko sa kanya. Ewan ko ba pero imbes mainis ako sa pang-aasar niya, natatawa nalang ako. Same feelings kapag magkatext kami ni Ciel.
And speaking of Ciel, madalang na kaming magkatext simula nung science and math week. Kung hindi siya busy, ako naman ang busy. Malakas naman ang signal dito kaya impossible pang madelay ang text niya. Minsan wala naman kaming topic na pwede pang pag-usapan. Di naman pwedeng pag-usapan ang tungkol sa mga school activities baka magkabukingan kami.
Nakakabad trip na nga rin ang kaartehan kong to. Ano pa ba ang hinihintay ko para magkita na kami? Kapag may dinosaur na uli sa earth? Siguro oras na talaga para magkakilala na kami ng personal. Saktong uuwi na kami sa Manila bukas at pasukan na sa Lunes. I'm excited with the idea of meeting him personally. Oh yeah!
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Ciel. Sure na sure na talaga ako. Wala nang atrasan! Hindi niya sinagot ang tawag ko. Enebeyen! Kukulitin ko siya hanggang sa sagutin niya na ang tawag ko.
Thank God! After four attempts, sinagot niya na. "Hello Ci!"
"Who's this?" Babae ang sumagot. Mama kaya niya?
"Si Grey po ito... Gusto ko pong makausap si Ciel."
"Why do you want to talk to my fiance?" *gulp* Fiance?
"Ahm... Excuse me lang ha--"
"You know what?! I don't care if there's something between you and my fiance... Stop calling him and I won't do anything to yo--" Tinatakot ba niya ako? "Babe...?" Tapos inend call niya agad.
Nagngingitngit ako sa inis! Langhiya! Di ko pa nga nakikilala, may fiancee na? Ang sakit pala mafall lalo na kapag walang sumalo sayo at ang mas malala pa, dahil may sinalo na siyang iba. Ouch!
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanficNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...