I just can't let you go
Matapos ang third grading at NAT exams namin, problema ko pa rin ang portfolio na ipapakita ko kay ma'am Palermo para makakuha ako ng recommendation letter. Bukod pa jan, bukas prom na. Wala pa akong susuotin. Waa! Next week naman, PE slash students day. Hay... One and one half month na nga lang graduation na, pahirapan pa!
"Ar, plano mo bang ubusin ang lahat ng food sa canteen?" Andami niya kasing inorder eh. Parang may fiesta tuloy sa table namin.
Patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain. "Bakla, hindi lang naman ako ang kakain. Ikaw din no! Di mo naman sigurrro tatanggihan ang frrried chicken, spaghetti at leche flan?" Mukhang namemorize niya na ang mga fave food ko. Ayos!
Nginitian ko siya at nakikain na rin ako. "Ar, ganto ba talaga ang valentines dito? Parang walang nagkaklase eh."
"Hay nako... Nagkataon lang kasi na prrrom bukas kaya busy ang ibang thirrrd and fourrrth years pati ibang teacherrrs. Maybe, sixty perrrcent sa campus may loved ones na. Tayo lang naman ang bitterrr dito." Mandamay ba naman?
"Adik ka ba? Di nga ako bitter. Saka kung kinuha mo na sa akin ang number ni kuya Eru eh di sana masaya ka ngayon."
Natigilan siyang kumain. "Tsee! Di naman kasi niya papansinin ang morrrtal na tulad ko. Kung sayo nga, seldom magrrreply. Paano pa kaya sa akin?"
Huminto na rin ako sa pagkain. "Ay ano ba siya? Bathala? We're equal sa mata ni Lord no!"
She just sighed. "Hindi pa ito ang tamang panahon na makilala niya ako. Ikaw? Hanggang kelan ka aasa kay KC?"
"Eh kasi po, he mentioned na may feelings siya akin. Plus, gusto nga niyang magdate kami. Malay ko ba... Asang asa pa rin ako eh. " Sumubo ako ng leche flan.
Nakishare na rin siya sa leche flan. "Nagpapaniwala ka naman. Naku! Parrrehas lang tayong dalawa. It's not the rrright time forrr us. Mabuhay ang single!" Napangisi nalang ako. Baliw talaga!
**
"Ate!! May package ka!" Kung makakatok naman si Ian sa pinto, wagas! Panira ng concentration!
"Bubuksan na!" Padabog akong lumapit sa pinto at binuksan. "Ma? Pa? Anong meron? Saka ano yan?"
Pumasok sila sa makalat kong kwarto at nilapag sa kama ang malaking package. "Baby buksan mo dali!" Mas excited pa sila sa akin?
Binuksan ko naman. Biglang nagtitili si mama nang makita niya ang isang pair ng pink stilettos at pink cocktail dress. "Ma, turquoise po ang fave color ko, hindi pink."
"Baby, hindi naman ako ang nagbigay nito sayo. Hon, pacheck ng box baka may letter." Kinalkal ni papa ang box at may nakitang maliit na stuff toy na may nakaattach na letter.
Binasa ni papa ang letter. "It'll happen the way it does in your dreams. I'm asking you out and be my prom date tomorrow. I'll pick you up at six. Blue cavalier."
"Sorry siya. Di ako pupunta bukas. Sige na po, shoo! Chupi! Goodnight!" Sabay halik sa mga pisngi nila.
Wala akong oras para magpakadisney princess. Hindi ito fairytale para iindulge ang sarili ko sa fantasy na hindi makatotohanan.
**
Past 3PM na nang magising ako. Nagpuyat ako sa kakadrawing ng gowns pero isa lang ang pumasa sa taste ko. Thanks sa beauty regimen ni mama, wala akong eyebags. HAHAHA
BINABASA MO ANG
It Started With A Text
FanficNagkakagusto na si Brishka sa textmate niya na never niya pang nakita. Pero sa akala niyang everything is going smoothly sa kanilang dalawa kahit di pa sila nagkikita, nagkakagusto rin siya sa lalakeng kinaiinisan niya na anak ng may-ari ng bagong p...