16

18 4 0
                                    

Unang araw palang ng December ay wala na kaming klase. January 4 naman ang resume non.

Dahil palagi naman kaming magkasama ni Nate ay napag usapan namin na ilaan nalang muna ang buong buwan ng December sa sarili namin kasama ang pamilya at mga kaibigan namin. Sabi namin sa isa't isa ay i-update nalang namin ang isa't isa sa mga ginagawa namin kung kinakailangan.

Pangit din naman sa magkarelasyon na palaging magkasama, palaging magkausap o ano man. Kapag kasi ganoon, madali kayong magkakasawaan kaya mas magandang may mga panahon na hindi din kayo magkasama at magkausap. May chance pa na mamiss nyo ang isa't isa ng sobra kaya mas masasabik kayo na makasama ang isa't isa kalaunan.

Nang sabihin ko iyon sa squad at kay Paula ay sinabi nilang doon nalang muna kami sa dati naming bahay tumigil. Kaya ngayon ay nandito nga kami. Busy silang lahat sa pag aayos ng bahay dahil medjo makalat nga at matagal narin kaming hindi nakakapunta dito.

Since hindi originally nakatira si Paula dito, doon siya sa guest room matutulog at ibinigay na nga namin iyon sa kanya. Hahati na kang daw ulit sya sa gastusin para fair. Kaya ngayon ay inaayos nya ang kwartong iyon sa kybg anong hitsura ang gusto nya. Isinama na namin si Paula sa squad namin dahil ayaw naman namin siyang maiwan.

May mga kaibigan naman daw siya noong highschool pati narin doon sa dati nyang pinapasukang college university bago siya mag transfer dito. Yun nga lang, hindi ganoon katatag ang kapit nila sa isa't isa kaya parang nawala narin ang mga kaibigan niya na iyon nang lumipat sya dito sa Fornax Academy.

Ako naman, dapat aayusin ko rin ang kwarto ko kaso baka matagalan lang. Medjo hindi ko narin kasi bet yung look niya. Parang pambata. Bumili na lang ako kanina ng blue and gray na wallpaper at tinutulungan ako ni Gwenny na maglagay non ngayon.

"Abibi, natatakot ako."mahinang sabi nya habang dahan dahang inilalapag sa side table ang gunting.

Tinabihan ko naman sya sa kama ko at inabutan ng pang ponytail.

"Ano namang ikakatakot mo?"

"Kasi Abbi, look. Una, nagka crush ka. Tapos, maya maya nagpaligaw ka na at nagkajowa."

"Bakit ka naman matatakot don?"

"Baliw. Edi ibig sabihin may possibility na mahiwalay ka sa amin nang maaga. Bukas makalawa malamang kasalan din ang abot nyo. Hindi magtatagal magpapakasal din kayo at pag nagpakasal kayo, iiwan mo na kame dahil bubuo na kayo ng sarili nyong pamilya. Mqgkaka anak kayo at magkaka ap---"

Tinakpan ko na ang bibig nya bago pa nya masabi na "at mamamatay kayo".

Napapansin ko rin ito sa iba kong mga kaibigan. Nagsisimula na silang mag alala para sa akin dahil unti unti na daw akong nagdedesisyon para sa mga bagay na dati ay indicisive ako. Noon kasi ay sa lahat ng bagay ay tinatanong ko pa sila ng 'ok lang ba?' 'ano sa tingin nyo?' 'ano kayang maganda, eto o eto?' mga ganong bagay. Pero napapansin ko na nga rin na hindi na ako masyadong humihingi ng opinyon ng ibang tao at mas pinipili kong sundin ang gusto ko o ang pasok sa panlasa ko. Lahat naman ng tao nag-iiba habang tumatanda.

So, baka tumatanda na nga ako. Sana naman lumaki den.

"Gwenny..."hinawakan ko siya sa kamay at para naman siyang bigla nalang iiyak.

Ayokong umiiyak si Gwenny. No offense ha pero ang pangit niya shuta.

"Kung sakali mang mangyari na bubukod na kami ni Nate ng bahay o magpapakasal o magkakapamilya, maiwan man kayo, palagi parin naman akong maglalaan ng oras para makasama kayo."

At tuluyan na nga siyang umiiyak. Umaatungal pa na parang bata. Ang pangit niya talaga as in. Mabigyan nga ng salamin si Gwenny next time na iiyak siya, baka hindi na umulit.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now