36

4 2 0
                                    

Nagising ako sa kirot na nararamdaman sa kamay ko. Pagbangon ko ay nakita ko si Che at Grant na magkatabing natutulog sa baba na naka kumot lang ng sweater. May katabi pa silang cup noodles at bottled water na pawang mga wala nang laman.

Napatingin naman ako sa kamay ko at may benda ito mula sa palapulsuhan hanggang sa malapit sa ibabaw ng siko na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Anong nangyari? Wala akong maalala."mahinang sabi ko at agad namang nagising ang dalawang doktor sa baba ng kama ko.

"Tanga, kuha kang tubig."bulong ni Che habang nagmamadaling isuot ang salamin niya dahil baka hindi niya na naman ako maaninag. "Aksidente lang, Abby."

"H-ha? Wala naman akong maalala."sabi ko. Inabutan ako ni Grant ng tubig na agad ko namang ininom. Sa sobrang tuyo ng lalamunan ko ay agad ko iyong naubos sa isang lagukan. Napansin ko rin ang ilang gamit pang hospital at ilang sinulid sa tabi ng kama ko. "Anong aksidente? Paano?"

"Ahh... ano. Ganto kasi."tsaka ako tinabihan ni Che sa kama at sinenyasan si Grant na lumabas para kumuha ng kung ano. "Naghihiwa ka ng ano... ng, u-uh... sibuyas. Oo, sibuyas nga. Naghihiwa ka ng sibuyas kasi ipagluluto mo kami ng dinner ni ano... n-ni Grant. And then the uh... u-uhm, the knife slid down on you h-hands and nahiwa yung ano mo... y-yung palapulsuhan mo."

"Cherie, someone's calling on your phone downstairs. Answer it. Baka sa hospital."

Ahad akong dinaluhan ni Grant at tinanggal ang benda ng braso ko pero agad siyang tumigil at sinabing wag ko nang tingnan kaya iyon ang sinunod ko. Nililinis niya iyon kaya ramdam ko kung gaano kahaba ang sugat noon. Pinahidan niya ito ng gamot at sinabing kumain ako dahil may ipapainom pa sila sa akin.

"Paano naman ako mahihiwa? Ipinagluto ko ba talaga kayo?"

"Yeah. Ipinagluluto mo kami. Sabi mo ay kailangan na naming magpahinga kaya ikaw na ang magluluto at gigisingin mo nalang kami tapos nakita ka nalang namin at sinisigaw mo na nahiwa ka tapos bigla kang nahimatay."mahabang paliwanag niya pero wala talaga akong maalala. "Wag mo nang isipin. Gagaling yan within 3 months tsaka natin aalisin yung tahi. We already told your parents. Pero hindi namin sinabi na may tahi. Ingat ka daw sa susunod."

Muli akong iniwanan ni Grant at sinabing tawagin ko siya kapag may kailangan ako. Sabi niya pa ay hayaan nalang si Che dahil talagang nagulat ito sa nangyari kahapon.

Nakakapagtakang wala talaga akong maalala sa nangyari. Ang alam ko lang na nangyari kahapon ay umalis si Paula, si Philip at hinatid ko si Cess. Naaalala kong sinalubong ko pa ang dalawang doktor ng yakap at sinabi kong aakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung natulog ba ako o kung ano bang ginawa ko.

Pero kaibigan ko sila. At maniniwala ako sa sinabi nila.

Nang mainip ako sa kwarto ay agad akong bumaba dala ang laptop ko sa kabilang kamay dahil hindi ko pa kayang humawak gamit ang isa kong kamay.

Pagbaba ko naman ay nandoon si Grant at si Che na may kausap sa cellphone na agad namang umalis. Inisip ko nalang na private call sa trabaho yon.

"Anong ginagawa mo?"usisa ni Grant nang makita niyang may binabasa ako sa laptop ko. "Dapat magpahinga ka muna dahil dyan sa kamay mo. Lagot ka kay Che."

"Aaralin ko lan naman yung case nina Nate. Kailangan nilang makasuhan. Sandali lang naman to, babasahin ko lang yung ginawa ni Vaughn na draft tapos magpapahinga na ako."

Gaya ng inasahan ko ay simple lang ang kaso. Base on the evidences naman, binangga talaga sila. May mga witnesses pa na nagsasabing nahuli ang driver ng truck na may kausap na matandang naka suit na siyang nag abot ng pera dito na para silang may transaksiyon.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now