"Tangina, hindi ako natutuwa."
Kanina pa reklamo nang reklamo si Che sa mga ingay ng shutter ng camera sa labas ng bahay na bumalot sa penthouse ni Cess. Hatinggabi naisipan bumyahe ni Grant dahil daw tiyak na tulog na ang mga paparazzi at kung ano ano pa at iyon naman ang sinunod ni Che. Sumang ayon nalang din ako at si Vaughn naman ay walang magagawa. Pero pagpasok namin ng gate nina Cess, bigla nalang kaming nakarinig ng mga shutter ng camera.
Mabuti nalang at naka beanie kami lahat. Naka face mask at naka shades kaya safe kami at kung makapasok man kami ay hindi kami makukuhanan ng litrato dahil pag uusapan pa ito kung nagkataon.
"Asan handler mo?"tanong ni Grant kay Cess. Kanina pa siya nagtatanong dahil kailangan daw ay handler niya ang mag aasikaso nito.
"Wala na naghahandle sa akin, pinalayas ko na."
"Ako nalang ang lalabas. Kunyari ako ang handler mo at papalayasin ko na yang walang hiyang dispatch na yan. Madaling araw, imbis na matulog, dayo dito at nag iingay. Kaimbyerna."
Sumang ayon nalang naman si Cess at pinagsuot siya ng coat na kulay itim at hinayaang kausapin ang mga reporter sa labas. Hindi ko na inusisa pa kung ano ang pinag uusapan. Si Cess naman ay nagtatago sa likod ng pintuan at pinakikinggan ang usapan.
Agad namang umalis ang mga reporter ilang sandali lang tsaka lumabas ang mga tauhan ni Cess para hanapin dahil baka nagtago lang ito kung saan.
"I'm sure nandyan parin sila."maya maya ay sabi ni Vaughn. "I'm gonna call one of my former co-lawyer here and borrow a car. Then that car will be taken by Che, Grant and Cess. I'll drive Grant's car with Abby. Abby and Cess will exchange clothes and we'll wander around para iligaw sila. Kita kita tayo sa airport. I'll drop my colleague's car there and you guys will head to the private plane of Cess. I have friends in the Philippines who's parents owned the airport we'll land to, their names are Tauri and Tadeo and they're twins. They will be guiding us to a tunnel where no one can see us and the end of the tunnel will be also my friend's house, Ranz. Then, we'll go to your house."
"S-so, I guess that's the plan?."yun lang nasabi ni Cess pagkatapos magsalita ni Vaughn.
At ilang sandali lang ay kung sino sino na ang dina dial niya. Wala pang isang oras ay dumating ang sasakyang sinasabi ni Vaughn. Nagpalit kami ni Cess ng damit at gaya ng sinabi ni Vaughn ay sasakyan ni Grant ang ginamit namin. As expected, kami ang hinabol ng press dahil sa pag aakala na ako si Cess.
"Ngayon ko lang nalaman na kaibigan mo sina Ranz at Eriech."
"Yeah. Sorry, hindi ko nasabi. We really should get to know each other more."natatawang sabi niya. "Nasa airport na tayo. May mga cameras, takpan mo ang mukha mo and walk really fast."
Bago kami bumaba ay pinagsuot niya muna ako ng beanie, shades at face masks. Gaya ng inaasahan, ako ang dinumog ng mga press. Nakapalibot sa akin ang mga bodyguards ni Cess at nasa tabi ko naman si Vaughn na hinaharangan ako sa fans na madaling araw palang ay nasa airport na.
"Napipikon ako dyan sa naka pink na yan ha."bulong ko kay Vaughn dahil talagang matutumba na siya at lahat ay pinipicturan niya parin ako.
Halos mapasigaw naman ako nang biglang may tumulak na lalaki sa lalaking naka pink na brutal kung magpicture. Gaya ng ginagawa ni Vaughn ay hinarangan din ako nito hanggang sa makarating kami sa plane. Isang tingin lang nito kay Vaughn ay iniwanan kaagad ako nito sa may entrance ng plane.
"Akala ko ikaw si Cess kaya kita hinarangan."sabi niya bago ibaba ng maayos ang beanie ko. "Tell her I said goodbye."
"Sino ka ba?"takang tanong ko dahil mukha lang naman siyang bodyguard although maganda siyang lalaki.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Подростковая литература"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)