Nakasurvive kami ng isang taon sa college, woah.
Isang taon na tatlong oras ang tulog. Isang taon na kumakain habang nagsasaulo ng pang recit. Isang taon na pakiusapan sa mga prof na wag naman sanang bigatan ang mga gawain. Isang taong pakikipag gerahan sa studies at isang taong pag- aaral ng mala empyernong Legal Management.
Imagine. Kada araw, gigising ka ng 7:00 para mag ready sa clasa ng 8:00 at class dismissal ng 5:00. Mag aaral ka ng 7:00 PM at kapag sinama mo lahat ng subjects ay aabutin ka ng 2:00 AM - 3:00 AM. Ilang pras pa ang itutulog mo, diba?
Gaya ngayon. Ala una na ng madaling araw, nag aaral pa ako. No, scratch that. Nag aaral pa kaming tatlo.
Si Paula, parang hindi naman siya nahihirapan e. Ang relaxed relaxed biya habang nagbabasa at nagha highlight. Nakuha pa niyang mag skincare bago mag aral. Naka facial mask pa mga siya ngayon e.
Si Gwenny at Karran naman, nagawa pang mag stream ng music video habang nag aaral. Parang hindi man lang sila naiistorbo or what. Sinasabayan pa nga nila yung kanta e.
Si Cess naman, hindi nag aaral at sibrang babad na daw niya sa pagbabasa nung isang araw at busog na busog na daw ang utak niya kaya natulog nalang. Buti pa siya.
Samantalang ako? Jusko. Nag aaral ako kanina pa at hindi ko talafa maintindihan yung iba dito huhu.
Napatingin naman ako sa salamin sa may side table ni Paula.
Yung buhok ko, buhaghag at naka bun lang tapos inipit ko lang gamit color pencil. Yung damit ko? Naka oversized shirt ako na hanggabg tuhod. Kay Gwenny pa yata 'to tapos naka short.
Tapos yung eyebags ko dzai, limang kilo na.
"Abibi, may kumakatok. Ikaw na magbukas, dali."pukaw ni Gwenny sa atensiyon ko.
Pagbukas ko palang ng pinto ay agad may yumakap sa akin.
"Amoy Nate."bulong ko at hindi nga ako nangkamali dahil pagkalas sa yakap ay si Nate nga.
"I brought starbucks coffees. Di ko alam kung anong want niyo na flavor e so americano siya lahat. Sorry."sabi habang pinamimigay sa amin ang kape.
"Thank you."pagpapasalamat nila.
"Salamat a. Onti na lang talaga, bibigay na ko. Kanina pa ko hinihila ng kama ko para matulog. Pero no. Inaantok lang ako pero mag aaral parin ako noh. Haler. Gusto ko pa maging abogado mga boang."bulong bulong ko sa kaniya pero parang wala naman siyang pakialam.
Nakahalumbaba lang siya sa harap ko at pinagkakatitigan ako like I'm the most precious person for him, or is it just me?
"Study na, don't mind me."pagkasabi niya noon ay nakita kong tulog na ang tatlo.
Kaka- kape lang, tulog agad.
Nagpatuloy ako sa pag- aaral at kataka takang may natututunan ako bigla jusko. Lucky charm yata si Nate.
Sa pag- aaral sa college while taking Legal Management as a pre law, pahirapan talaga. Mild pa nga yung sa in ngayon dahil second year palang kami e. Kung graduating na kami, mas mahirap.
Nung first year, akala ko okay na yung strategies ko pero hindi pa pala. Ngayong college ko napatunayan ang salitang "multi tasking".
Minsan habang nagsasaing, nagbabasa ako.
Pasintabi sa mga kumakain pero may time na jumejebs ako sa cr, nagbabasa ako. Lol.
May mga time pa nga na pag natutulala ako, bigla bigla na lang ako mapapa recite ng certain stuff sa sobrang lutang e hanggang sa mapunta na ako sa seryosong aralan.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)