"Hindi ka ba lalangoy at makikipag date ka kang diyan sa laptop mo? Well, sa bagay wala namang nakikipagdate nang nakakunot ang noo." nang aasar na sabi ni Grant bago umahon at lumapit kay Che na nasa kubo kahit tumutulo pa ang tubig sa katawan niya. "Ano ba yan?"
"Wala to, bumalik ka na don." biglang tumayo si Che at sinara ang laptop niya tsaka iyon nilagay sa bag nagsuot ng tsinelas. "Aalis lang ako saglit at pupunta ako ng Batanggas. Babalik ako kaagad may ano lang.. u-uhh.. pinapagawa si Mama. Oo, yun nga. Emergency daw sa bahay. Babalik ako kaagad. I'll drive my car. Ingat kayo."
"Don't drive on your bikini, you brat."sigaw muli ni Grant at patakbong humabol sa kaniya at binigyan siya ng bathrobe.
"She's acting weird with her laptop lately. Is she dating anyone?"tanong ni Karran nang makabalik si Grant.
"Hindi nakikipagdate ang mga ampalayang makikinis ang balat, Gwenny."
"Isusumbong kita kay Che, lagot ka."natatawang sabi ko pero tumawa lang siya.
"Go on. Sya naman may sabi non e." kampanteng tugon niya. "But going back, she's not messaging someone naman e. She's on twitter. Ewan ko kung anong nangyari. Kapag hindi siya bumalik hanggang bukas, susunod na ako."
Nagpatuloy sa paglangoy ang iba habang nakalubog lang ako sa tubig at pinagmamasdan ang natutulog na si Vaughn sa isang kubo.
"Are you even enjoying?"tanong sa akin ni Karran ng makalangoy siya papunta sa pwesto ko kung saan ako lang mag isa kanina. "Come on, join the circle. Malungkot mag isa."
"As if naman hindi ko danas yon."natatawang sabi ko. "Mag relax ang kailangan ko at hindi mag enjoy. Mag enjoy means sumaya at hindi ko alam kung kaya ko bang gawin yon sa ngayon."
"Balita ko, may plano daw kayong mag usap a?"tanong niya bago umahon at umupo sa batong malapit sa amin. "Sasamahan kita, iinit lang ang ulo ni Nate kapag si Vaughn ang nakita niyang kasama mo."
"Edi ulo mo naman ang uminit, haler."
Sabay kaming natawa at nanatiling tahimik.
Hindi ko naman talaga kailangang mag enjoy. Gusto ko lang namang mag relax at mag isip isip kung ano ba ang gagawin ko kapag nagkita. Sobrang lakas ng loob kong sabihin na mag usap kami pero sa totoo lang ay hindi ko naman alam ang pag uusapan.
"Anong sasabihin ko? Gayong ang alam ko lang at ang natatandaan ko lang sa lahat ng nangyari ay nasaktan ako?"mahinang bulong ko. "At hanggang ngayon masakit parin."
"Wag kang magsasalita hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo."mahinang sabi niya pabalik. "Kailangan mo munang marinig na aminin niya ang kasalanan niya. Kailangan muna niyang maging totoo sayo. Dahil kapag narinig mo na ang katotohanan, dun mo masisimulang tanggapin ang lahat."
"Wala na akong ibang mapapayo sayo dahil sa sobrang swerte ko, never ko pa yang naranasan kay Liam. Pero kung ano man ang maging desisyon mo, susuportahan ka namin diyan. Basta wala kang masasaktan na ibang tao at hindi mo masasaktan ang sarili mo ay okay na din para sa amin."sabi niya bago muling sumisid at nang umahon ay lumitaw siya sa harap ko. "Basta happy ka, go lang."
Yun din ang tanong ko. Kanino ba talaga ako masaya? Kanino ba talaga ako sasaya?
Masaya naman ako sa kanila parehas e. Pero diba? Nagcheat nga sa akin si Nate. Ayaw ko namang maniwala sa "Once a cheater, always a cheater". Lahat naman ng tao may kakayahang magbago pero sa sobrang lala nung sakit na hindi mapangalanan, madadala ka talagang sumugal.
Naka move on na ako.
Alam ko sa sarili kong naka move on na ako. Hindi dahil may Vaughn na dumating. Hindi dahil ilang beses akong bumiyahe kundi dahil natutunan ko lang tanggapin ang lahat. Natutunan kong tanggapin na lahat ng tao ay nagkakamali at walang masama sa magalit. Magalit ka lang hangga't gusto mo pero wag mong hahayaang baguhin ka ng galit na yon. Wag mong hahayaan na ikasira mo ang galit na yon. Dahil kapag nasira ka, una mong gagawin ay manira din ng iba.
Sa buhay, minsan kailangan mo ding maging selfish. Kailangan mo din minsan na mas bigyan ng atensiyon ang sarili mo dahil sa tingin mo ay mas mahalaga ka para sa sarili mo.
May nabasa ako sa isang libro and it goes like this..."Do not find your happiness and contentment to others. Instead, do the opposite and find it to yourself so you'll feel it even when you're alone."
Napakamakahulugan at kung iisipin mo ay sobrang appropriate sa lahat ng bagay. At the end of the day, sarili mo lang ang meron ka kaya kailangan mong idepende ang lahat nasa sarili mong mga kamay at hindi sa iba.
Dahil sarili mo lang ang makakapagpasaya sayo.
At sariling utak mo lang ang magdidikta kung ano ang susundin ng puso mo.
"I don't like animals aside from Cherie. Hindi ako sasama sa rancho." iyan ang tugon ni Grant nang tanungin siya ni Cess kung gusto pa daw ba niyang pumunta sa rancho.
"Mee too."agad ko namang tugon. I'm not a fan of animals dahil mabaho
Sunod sunod naman silang nagsabi na ayaw nadin nilang pumunta kaya napagdesisyunan nalang namin na umuwi muli sa villa ni Cess tutal ay hapin narin naman. Para narin makapagpahinga kami at makakain ng hapunan.
"I did enjoy."mahinang sabi ng kakagising lang na si Vaughn sa tabi ko nang papunta na kami sa sasakyan. "I did enjoy sleeping because the birds are chirping behind me at iniputan ako ng isa."
Dahil inaantok pa siya, ako nalang ang nagdrive at hinayaan siyang matulog. I DonT LiKe BOyS wiTh EyeBaGs. Natatawa naman ako nang nagpagewang gewang ang ulo niya sa pagpipilit na manatiling gising dahil gusto niya daw akong makitang magmaneho. Pero kalaunan ay hindi rin siya nakatagal at tuluyan nang nakatulog, naghihilik pa.
Nate Javix wants you to join a video chat....
Kahit nagring na ang phone ko ay hindi ko nalang sinagot. Wala akong planong bigyan siya ng pag asa.
Kung nagawa niya akong saktan noon, hinding hindi ko gagawin sa kaniya yon.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, Comment & Follow for more updates!♡
You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo YasonThank you for reading!!
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)