"Mangako ka sa akin na kapag nasaktan ka at iniwan ka, wag kang maghahabol. Know your worth, Abrianna. Lumaki kang kasama kami, at hindi ka naming tinuruang maging ganon."
Sa kasamang palad, naabutan ako ni Cherie dito sa labas ng kwarto niya. Tatawa tawa lang naman si Gram nang makita niya ako. Lumabas si Cherie sa kwarto niya at pinapasok naman ni Gram si Amara para patulugin dahil hapon na at para narin daw makapag- usap kami ng maayos dalawa pero nang makatulog si Amara ay naki shicmis din naman siya.
Manang mana kay Cherie, jusmeyo.
“Hindi naman ako iiwnan ni Nate, Cherie. Mahal ako ng boyfriend ko.”naninigurong sabi ko pero ngumiwi lang siya, hindi sang- ayon.
“Maniniwala lang ako na hindi kayo iiwanan ng mga boyfriend nyong yan kung papakasalan kayo.”
“Hoy hindi ako naniniwala, marites.”pag- angal naman ni Gram kaya napatingin ako sa kaniya.
“Sabe mo saken nung grade 9 tayo, maniniwala ka lang na magjowa kame kapag nag funny funny kame sa harap mo. Wala kang sinabe na ganiyan dati, wag mo kong pinaglololoko marites, kilala kita.”
Marites- magaling manlait. Thank me later.
“Pero no cap talaga, Abrianna. Payag naman ako. Bakit naman hindi diba? Hindi ko pa kasi siya nakikita sa personal e pero sa mga kwento mo naman, mukha naman siyang okay. Mas makakampante lang talaga ko kapag kinasal kayo. Promise. Don’t settle for the less. Wag yung jowa jowa lang. Dapat may lifetime label kayo. Hindi yung hanggang magkasawaan lang.”
Natawa naman aq at nagtanong.
“Eh, bakit kayong dalawa? Don’t settle for the less pero kahit nga label as magjowa wala kayo e.”natatawa ako habang nagpapalitan ng tingin sila.
Napangiwi sila ng sabay at napatingin sa isa’t isa.
“Pre…”
“Pre…”
At sa huli ay nagtawanan na lang kami.
Confirmed, hind nga sila magjowa.
Nag eexsist pa pala itong ganito. Yung magkaibigan na opposite gender pero walang malisya.
"Ay, oo nga pala."usal ko nang may maalala. "Magkatabi ba kayong matutulog or... what?"
"We usually sleep together. Pero not in the same kama. That's kadiri."
Agad namang nakatanggap ng mahinang suntok sa braso si Gram mula kay Cherie nang marinig ang sagot nito. Natawa lang naman ako sa dalawa. Minsan nga, napapaisip ako kung minsan na ba silang nag away sa pagiging sadista ni Cherie pero ayoko namang tanungin dahil private na yon.
Nang magising si Amara ay nagyaya agad ito pababa para daw hiramin ang tablet ni Cess at manonood daw siya ng kdrama. Pagkabangon nito ay agad itong kumapit sa kamay ni Cherie at ang isa naman ay sa kamay ni Gram-- ni Grant. Pero agad din siyang bumitaw at sa akin humawak kamay.
"Huy, Amara. Dapat kay Tita Cherie ka naka hold hand, madaya."kunyaring nagtatampo na sabi ni Cherie.
"Two lang po kase po yung kamay ko po. Hindi po kacha sa inyo lahat po. Kaya po kayo na po lang ni Kuya Grant mag hold hands tapos kay Tita Abby na po lang ako."
Bago pa marinig ni Amara ang nandidiring tinig ni Cherie ay binuhat ko na ito at dinala sa baba. Gaya nang sabi ni Amara ay nanood nga sya ng kdrama. Libang na libang sya doon na naexperience na naman niya ang distracted eating.
Ano kayang lasa ng cerelac, noh?
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa pag upo sa mga nireready nilang tutulugan nina Jc, Jhanine at Gela mamaya. Mas masaya kaya sa ganito matulog. Nang makababa naman sina Cherie at Grant ay inasar ko sila kaagad. Sarap pikunin ni Cherie.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)