19

14 3 0
                                    

"Omg, I was expecting you guys to came in the morning with us pero hapon na kayo nakarating like why the hell are you guys late? Beyotches, ang ligalig ni Grant Terrence pag walang kalaro, buti nalang nandyan na kayo. But wait, what about Shea? Asan siya? Bakit kayo lang JL at Alliyah?"

Pagkadating ng tatlong barkada ni Grant ay umingay pa lalo si Cherie. Wala nga siyang pakialam sa nangyari kanina o kung natutulog si Amara sa kwarto niya.

"Ganon naman yon talaga, nakakita ng nagpapalobo ng inflatable bed edi ayon, nakitulong."sagot ng babaeng Alliyah ang pangalan.

Nag aantay si Grant kanina sa baba pero umakyat din siya kaagad at naiinip na daw sya. Kaya ako ang bumaba at nag intay sa tatlo. Kagaya ng sabi ni Alliyah ay mabait at matulungin si Shea. May pagkamahinhin din siya na kabaligtaran ko. Sa sobrang lala ng good manners niya, nagtanggal pa siya ng sapatos bago pumasok ng bahay na agad ko namang ginawan ng paraan.

Si Alliyah naman ay may pagkamahinhin pero mas mahinhin si Shea. Sweet at soft spoken din siya gaya ni Cherie. Mas malakas nga lang ang boses ni Cherie, malakas na soft. Siya ata yung pinaka rich kid sa kanila bukod kay Grant Terrence, para siyang living Channel. Channel cap, Channel Top, Channel trousers, Channel boots, Channel jewelry. Sabi pa ni Gwenny sa kaniya kanina, "Hey, mare. You look expensive."na ikinatawa lang naman nito.

Si JL, short for John Lloyd, naman ay tahimik at umiimik lang kapag kinakausap. Medyo maliit sya, ka height ko lang. Mabait din at laging hawak ang cellphone. ML yata.

"Bakit may inflatable bed?"usisa ni Cherie, ang paningin ay nasa akin.

"Don daw tayo matutulog lahat. Apat yon all in all, para daw makapag chikahan."sagot ko. "Idea ni Philip."

"Kadiri, ayokong katabi si Grant."bulong ni Alliyah habang inilalagay ang gamit nila ni Shea sa spare cabinet. Doon naman nilagay ni JL ay kaniya sa cabinet ni Grant.

Teka, bat nandito gamit nila sa kwarto ni Cherie?

"Puntahan ko lang si Cess ha, kamustahin ko lang."anunsyo ko.

Pagpasok ko sa kwarto ni Cess ay naka dim lights at kakapasok niya lang din, may dalang paperbag. Sa gulat niya sa akin ay nalalaglag ang dala niya kaya naman  aksidente kong nakita ang laman non.

Hair Dye?

Agad kong pinansin yon.

"Bawal ang hair color sa Law School, Cess. Pag isipan mo muna yan."tsaka ako lumapit at ako na ang pumulot. Nilagay ko iyon sa cabinet sa ilalim ng kama niya.

Bawal kasi ang kahit anong hair color sa Law school at dalawang taon nakang bago kami pumasok doon. Maliban nalang kung may valid reason ka. Gaya ng mga model na nag aaral ng law, pinapayagan silang magkulay ng buhok at maglagay ng nail polish.

"Washable naman yan, try ko lang kapag nag dance cover."nakatungong sabi niya at naka iwas ang paningin sa akin.

"Osige sige, sabi mo e."pag sang ayon ko na lang. "Baba ka mamaya ha, tulungan mo ko, gagawa na ko ng salad, graham, mango float at coffee jelly."

Pagkatango niya ay agad narin akong bumaba. Agad din akong nagulat. Ang TV, sala set, coffee table at mga shelf ay nasa dining na at ang malaki naming sala ay may apat na inflatable bed n balot na balot ng makakapal na kumot at puno ng maraming unan.

Sasampalin ko talaga si Philip pag naghalo halo mga reviewer ko.

Since gabi na, we all gathered para humiga na. Tahimik lang si Grant at JL na naglalaro. Gising na si Amara at nakakandong na kay Cess na may kachat ata. Si Cherie ay nagtitirintas ng buhok kahit patulog na. Si Alliyah at Shea ay nagtitiktok kasama si Paula. Si Gwenny, Gela, Jhanine at Jc naman ay nanonood ng kdrama. Si Karran at Philip ay may sariling mundo at nanonood ng something about kpop.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now