"Nakakaawa naman yang ex mo. Ako ang naawa sa kaniya, sa totoo lang."mahinang sabi ni Grant nang makitang hinahayaan ko lang na kusang mamatay ang mga tawag ni Nate sa akin.
Kahit naman ako ay naawa na sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihi ko kung sakaling sagutin ko ang isa sa mga tawag niya. Hindi ko ria lam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sasabihin niya dahil alam kong may kinalaman na naman ito sa nakaraan namin.
"Pero care to think na Vaughn doesn't exist, babalikan mo ba yang ex mo?"
"Actually, hindi talaga."diretsahang sagot ko. "Hindi naman kasi ako gaya ng ibang babae na naniniwala sa second chance. Putangina, harap harapan kaya akong niloko tapos ngayon na makikipagbalikan, susugal pa ako? I'm not a candidate of trial and error, Grant. Wag mo 'kong igaya sayo."
"Putangina den, foul yon ha."kunyari ay nasasaktang sabi niya na madramang nakahawak pa sa dibdib. "Well anyways, ngayon lang kita narinig magmura ulit ha. I mean, I miss the Abby that I met on college. The one who always says haler."
"I worked in Korea for a long time. Matagal akong hindi nakapagtagalog. English speaking si Vaughn."
Bukod pa doon, naging HUMMS student ako at nasanay ang bibig at utak ko sa magdamagang debate at essays. Pumasok pa ako ng law school kaya in some ways, given na mawawala yung mga nakasanayang kong salita. Pati nga culture shock ko nawala din e.
"Well, going back to the stuff. Anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko narin alam."sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin. Kung pwedeng umalis nalang at biglang maglaho tapos bumalik kapag okay na ang llahat ay gagawin ko. Napapagod na ako sa lahat ng bagay. Physicaly and emotionally. "Ano bang dapat gawin?"
"Oh damn, hands up. Wag ako ang tanungin mo. Dahil ship ko kayo ni Nate malala at ipupush kitang balikan siya."pagtaas niya pa ng kamay. "Hell yeah, we love cheaters."
"Hindi cheater si Che."inis na sabi ko dahil si Che lang naman ang babae sa buhay niya ngayon at wala nang iba, ang alam ko.
"Sinabi na kasing hindi ko nga siya mahal."mahinahong sabi niya pero mahirap paring maniwala. "Well, bestfriend ko siya so in some ways, syempre mahal ko yon."
"Balik ulit sayo, Abby. Di kase ako magaling diyan e. Kase kung ako yan, babalikan ko ulit yan nang babalikan hanggang sa magsawa magcheat. Pero sabi ni Che, bobong desisyon daw yon. Kaya siguro konting panahon pa. Baka talagang nagiguilty pa siya sa nagawa niya. Kung nagawa mong mag move on, magagawa niya din."
"Sa bagay, hindi ganon kadaling ibasura yung memories tsaka feelings. Danas na danas ko yan. Yang mga nangyayari kay Nate, alam ko yan. Pero hindi ako nagcheat ha, ibig kong sabihin, naranasan ko na din maghabol katulad niyang paghahabol niya sayo."
"Masakit kaya yon, pero sa sobrang desperado ko, hindi ko na naiisip kung gaano akong nakakaawa tingnan kase yung main goal ko lang nung time na yun ay makipagbalikan kasi syempre mahal ko e. Pero nung itinigil ko na yung pangungulit, napagod nalang ako. Kusa nalang nawala yung feelings, hanggang sa naka move on na ako."
Umayos ako ng upo nang mapansin na nagsisimula na siyang magkwento. Never nagkwento sa amin si Che dahil matagal nga siyang nawalay sa amin. Basta sabi niya lang ay nagkakilala sila nung high school tapos hindi na siya nag elaborate. Wala naming naglakas ng loob na magtanong pa tungkol sa kanila.
Si Gwenny na mismo ang nagsabi. Kapag ayaw ni Che ikuwento, hindi niya ikukwento. Kaya excited din ako na marinig ang sasabihin niya dahil matagal kong inantay na marinig to.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)