[(Dalian mo na. Hindi ka na aabot sa last hour rehearsal pero aabot ka pa naman siguro sa performance kasi dalawang oras pa.)]
Nanlumo naman agad dahil halos isang oras din ang byahe mula dito sa bahay namin papunta sa school, traffic pa.
"Sige Cess. Try ko. Wala talagang masakyan e."sabi ko naman at inalagay ang takas na buhok sa likod ng tenga ko.
[(Hindi ka pwedeng mawala sissy. Kukulangin kami sa mezzo- soprano.)]
"Okay, okay. Sige na. I'll end this call. Bye."
Ngayon ang unang araw ng strand week. Ibigsabihin, ngayon din ang opening program at ngayon din kami magpeperform. Maaga naman akong nagising pero mas maaga nagising yung apat at nauna na sila dahil lahat sila ay officers. Mag aayos din sila ng stage.
6:00 palang at 8:00 pa naman ang simula. Magrerehearse pa kami at talagang malelate ako dahil halos isang oras ang byahe mula dito sa subdivision namin hanggang sa Elite Academy. Dagdagan mo pa ng traffic. Wala din naman kaming service o sasakyan. Marunong naman ako mag commute pero haler! Wala talagang masakyan, duh.
Anong kagagahan kaya ang naisip ng apat na yon at hindi naiisip bumili ng sasakyan? My goodness.
Hanggang sa dumating ang 6:40 at wala parin talagang dumadaang trike? Natokhang na yata lahat yon e. Ugh, kairitaaaaaaaaa-----
Sa gitna ng pagpapadyak ko at pagdadabog ko ay may tumigil na dark blue na motor sa harap ko.
Omgnizinationism, riding in tandem ba to? Pero bakit wala siyang tandem? Ay wala 'to. Loner.
"Nako, kuya. Mayaman kami, oo. Pero wala ako sa mood manakawan, flis langzs."
Hindi siya umimik at bumaba lang sa sasakyan niya. Nagsisi naman ako sa pagbintang na magnanakaw siya dahil estudyante pala ang koya mo!
Nang tignan ko ang uniform niya ang Fornaxian siya. Yep, taga Fornax Academy siya. Senior din siya dahil yon ang nakalagay id lace niya.
"I just saw you and you look like a kid having tantrums. I assume it's because wala kang masakyan? May nasira kasi doon sa bukana na puno at naipon lahat ng sasakyan don. Diyan lang ako nakatira mga 5 blocks from here."sabi niya sabay turo sa bahay sa medjo dulo.
"You're an ESS, right?"tanong niya.
Napatango nalang ako. Teka, sino ba 'to?
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at napataas ang kilay niya sa ginawa ko. Pinagkrus pa niya ang braso niya sa kaniyang dibdib na parang sinasabi sa akin na "sige, pagmasdan mo pa ang katawan ko."
Matangkad siya. Kung susumahin ko ay nasa 6'2- 6'3. Mas matangkad siya sa akin kasi 5 ft lang ako. Di na ako magtataka kasi tinawag niya nga akong 'kid' kanina e.
"May program kayo ng 8:00?"
"Oo. Tapos?"
Nakagat niya ang pang- ibabang labi at yumuko. May sasabihin dapat siya pero hindi niya yata malaman kung paano.
Naiinis na ko dito sa potek na 'to a.
"Hatid na kita."
Literal na tumigil ang mundo ko.
Hoy, pisteng yawa ka, Abby. Hatid lang kung ano ano nangyayari sayo. Baka sinasabi ko sayo self, kumalma ka. Ba't ang bilis ng tibok ng puso mo? Ha? Kinikilig ka no? Luh, oy. Ako? kikiligin? Ew, that's gross.
"Sasabay ka ba o ibabahay pa kita?"
Natigil lang ako sa pag- iisip dahil sa sinabi niya at nang iabot niya sa akin ang isang hoodie na dark blue at puting helmet. Ang taksil ko namang kamay ay tinaggap yon. Estupidita, Femina. Estupidita!
Ibabahay ka diyan. Live in agad? Di pa pwedeng ligaw muna?
Ay. Erase, erase, erase. Hehe.
"Sakay na. Isuot mo yang helmet."sabi niya at pinaupo ako pero hindi gaya ng upo niya dahil nakapalda ako. "Safety first dapat."
At ang taksil ko ring puso ay tumibok na naman ng mabilis when he gave me a pat on my head.
Owshet, pakening shet.
"That hoodie is not for display, honey. Ilagay mo yan sa hita mo para di ka masilipan. At kapag may nanilip sayo, sabihin mo sa akin para maitigil ko ang sasakyan at bubugbugin ko."
Ginawa ko naman ang sinabi niya.
"Kapit maiigi ha. Mahulog ka pa saken."
Dahil sa kilig ay napakapit nalang ang isang kamay ko sa bewang niya and woah.
Vro, may four packs ang fafa mo, vro.
"Sayang saya ka sa abs ko a."
Nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong napabitaw pero hindi niya ako hinayaan at pinigilan ako gamit ang isang kamay.
"Wala naman akong sinabing alisin mo kaya sige lang. Magsaya ka lang diyan sa abs ko. Sayong sayo lang naman yan e."
Hindi na ako umimik dahil kaunti na lang talaga ay kasing pula na ako ng gown ni Catriona Gray. Eh kase naman e. Hindi ko naman alam na pinaglihi pala 'to sa asukal. Sweet eh.
Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba. Ibinalik ko sa kaniya yung helmet at hoodie pero yung helmet lang ang tinanggap niya.
"Luh, kuya. Eto na yung hoodie mo o. Hiram ko lang naman yan e."nahihiyang sabi ko pero umiling lang siya at pinatay ang makina ng motor niya.
"No, sayo na yan. Gamitin mo palagi kapag babyahe ka. Para kapag nakupo ka, di ka masilipan. Ang ikli kaya nang palda mo. Marape ka pa."
"Aber, para sabihin ko sayo. Hindi basehan ang suot ng babae kung mababastos or mare rape siya noh. Makinig ka. Babae ako. I can wear whatever I want. Nasa lalaki yon kung mambabastos siya or not. Nasa lalaki yon kung gagahasain niya or not. At iyon ang totoo, aber."
"Ano ba yan, utak mo naman kuya. Nasa talampakan ata e. Ganiyan ba talaga mindset ng mga gwapo at mayaman na tulad mo? Saan mo nakakalap ang mga ganiyang impormasyon ha, aber?"
Hinarap niya ako at ngayon ay magkalapit na kami. Daig ko pa dito ang kinder na pinapagilan ng teacher niya dahil lampas yung pagcocolor.
Haler, mukha akong minion na may kaharap na mestizong kapre.
"First, my name is not aber."
"Wala akong sinasabing aber ang pangalan mo. Aber is just used for an exaggerated statement. And going back to the topic and what you've said earlier, hindi basehan ang suot ng babae kung makaka experience siya ng sexual abuse or sexual harras---"
At ang sunod niyang sinabi ang siyang tuluyang nagpatihimik sa akin.
"Second, makinig ka na lang dahil pag umangal ka pa, hahalikan na kita."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------Vote, Comment & Follow for more updates!♡
You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo YasonThank you for reading
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)