I am getting ready for the resume of classes tomorrow. Tapos na akong mag ayos ng bookshelf at bumili pa ako ng bagong book stand. Nasira kasi yung bookmark nung dati ko. Nakabili narin ako ng mga bagong highlighters at mga ink ng printer dito sa room.
Nang matapos naman ako ay nanatiling busy ang lahat sa kaniya kaniyang ginagawa. Nakakalungkot man na hindi ko na maramdaman ang presensya ni Cess ay pinilit kong maging masaya para sa kaniya.
"San ka?"usisa ni Paula nang makitang magsuot ako ng hoodie at kuhanin ang bag ko.
"Sa labas, nakalimutan ko bumili ng yellow paper."
"Meron ako."she insisted.
"Ibang brand gusto ko e. Babalik ako kaagad."
Iba ang pakiramdam na tinatahak ko ang daan papunta sa favorite place namin pero mag isa na lang ako. Mahilig kasi siya sa lomi at naipakilala ko sa kaniya ang Kwatog's. Pero ngayon na mag isa lang akong nandito at hindi ko sya kasabay kumain ay talagang hindi ko maiwasang malungkot.
Umorder lang ako ng special. Mahal na mahal na ata ako ng may ari kaya laging may extra chicharon. Gusto ko kasing bigyan ng reward ang sarili ko dahil sobrang tatag ko. Pero nang magsimula akong kumain ay iyak na naman ako nang iyak.
"Maganda naman ako a, mabait naman ako. Mabango naman ako tapos matalino pa."sabi ko habang patuloy ang pag hikbi. "Eh bakit naghanap pa siya ng iba, ang kapal pa ng mukha niyang hindi makipaghiwalay."
Maya maya ay lumapit sa akin ang isang serbedora na pamilyar nadin sa akin pero hindi ko naman palagi inaabalang alamin ang pangalan.
"Nagseserve kami ng gin kahit alas nuebe ng umaga."alok niya.
At huli ko nalang nalaman ay inom nalang ako ng inom kasabay ng lomi. Syempre hindi masarap. Tanga ba kayo? Lasang impyerno amputa. Tanga tanga kasi si Nate, bobo. Walanghiya.
"Jowa mo yon, diba?"may umupo na naman na lalaki sa harap ko.
"Serbedor ka ba? Bakit ka naka suit? Siguro ikaw yung manager dito?"natatawang sabi ko habang sinusundot sundot ang mukha niya.
"Lasing ka na, tanghaling tapat."
Pinagmasdan ko naman ang tinuturo niya at parang nawala ang pagkalasing ko sa nakita ko.
Hindi ko magawang umiyak. Hindi ko magawang gumalaw. Tahimik lang ako. Tahimik na nasasaktan. Tahimik na umiiyak. At iyon ang pinakamasakit na iyak na naranasan at mararanasan ko.
Si Nate ay printeng nagpipigi ng kalamansi sa pinggan ng babaeng kaharap niya. Tawa sila nang tawa na parang sila ang pinakamasayang tao sa mundo. Hindi ko pa kahit kailan nakita ang babae na nasa harap niya pero nang mapatingin siya sa gawi ko, bagaman hindi sa akin, ay bigla akong naliit. Bigla akong nahiya at nakuwestiyon ang buong pagkatao ko.
Ang ganda niya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin sa akin si Nate pero pagkatapos ng ilang sandali lang ay nakita kong dahan dahan niyang hinalikan ang babaeng nasa harap niya habang nakatingin sa akin.
Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo. O kung ang muntikang pagbagsak ko ba ay masasabing may lakas ako ng loob. Dumiretso ako sa lamesa nila at walang awang itinapon yung lomi nila sa mga mukha nila.
Naramdaman ko naman may humila sa akin nang sasampalin ako nung babae at nang tumalikod ako ay nakita ko ang lalaking naka suit na nakaupo sa harap ko kanina.
"Bitawan mo ko."sabi ko doon sa lalaki. "Hindi kita kilala at kapag lalo akong napikon, pagbubuhulin ko kayong tatlo."
Today's the resume of the classes pero parang super tahimik ng school then after classes, ang tahimik naman ng dorm. As if something changed. Something's missing. Wala yung dating sigla sa loob ng room namin and it's suffocating na wala man lang ni isa ang nagsasalita.
Natapos ang araw ng klase na hindi ko nakita si Nate sa campus, baka hanggang ngayon ay lumalandi parin o baka naliligo pa sa lagkit ng lomi kahapon.
"Nate's seeing someone else."
Syempre naturally, nagulat silang lahat. The reactions on their faces was just like Cherie's reaction nung sinabi ko na mahal ako ni Nate, disappointed. Hindi man sila makapaniwala ay wala silang sinabi.
Akala siguro nila ay iiyak ako o ano pero ngumiti lang ako sa kanila na agad naman nilang pinagtaka.
"As if naman papayag ako."I continued. "I don't care if he's seeing someone else. As long as kami parin, ako lang ang may karapatan sa kaniya."
The following months are the usual for me. I was just eating, using my phone and studying all day. I don' t want to wear makeup anymore because that can't make me prettier than that bitch. I don't't want to sing anymore. I don't want to go to salon to fix my nails or my hair. I am barely living. But most importantly,
I never cried again.
At gaya ng hindi ko pag iyak. Hindi ko narin pinakinggan kahit kailan ang kahit sino.
"Sinabi ni Abby yon?"dismayadong tanong ni Cherie. "Tanga ba sya? May babae tapos hindi nakikipagbreak? Anong klaseng lalaki yan?"
Ngayon lang siya nakapunta since ngayon din ang final day nila sa third year. Earlier before Cherie came, Cess finally moved out. She said she has a condo and extra money and she'll call us if she needs something. So Cherie didn't have the chance to see what Cess looks like.
Napatingin kami kay Philip nang bigla siyang tumayo at magtanggal ng necktie tsaka niya kinuha ang susi ng sasakyan sabay sabing,
"Pupuntahan natin si Nate."
Yun ang huling bagay na narinig ko bago ako tuluyang pumunta sa bahay ni Nate pero bago pa ako makaakyat ay nakita ko na sila ng babae niya na magkaakbay, nakayakap sa gilid niya ang babae at tumatawa tawa pa sila. Nagtago ako nang paakyat na sila. Narinig ko pang nag i love you sila sa isat isa.
Inubos kong pansamantala ang luha ko sa harap ng bilihan ng kalamares. Binigyan pa ako ng isang lalaking naka suit na naman ng isang basong kalamares, akala niya yata ay pulubi ako. Umalis naman kaagad siya. Pero pag uwi ko ay umiiyak na naman ako.
"A-am I desperate?"I sobbed. "I want to... I want to save our relationship so bad but... but it's not working."
"What if you just let go?"sabi ni Karran paglapit sa akin at pinunasan ang luha ko. "I mean, syempre sayang. Pero you can't just stay in a relationship that is unhealthy. And he's cheating."
"But we promised."I insisted. "Sabi namin... sabi namin magkasama kami hanggang... hanggang altar."
"Maybe you're the singer and he's the priest? Hehe."
"Karran naman e."
"I'm just making you laugh, Abby. Duh. You look so stupid."sabi niya nalang. "Ok, if you don't want to break up, then don't. But I am telling you, kapag gusto mo nang bitawan?"
"Bitaw agad."
Pero hindi ko alam kung paano gagawin yon. Madaling isipin at sabihin na hindi na ako iiyak pero kapag naaalala ko kung ano na ba talaga ang nangyayari, maiiyak nalang talaga ako. At kapag umiyak ako, hindi ko na alam kung paano at kung kailan tumitigil. Makakatulog nalang ako sa sama ng loob.
Kasalukuyan akong nagcecellohone habang nakatalukbong ng kumot para pigilan ang oag iyak nang biglang may mag pop up na chat heads sa phone ko.
Nate
how dare you curse at my girlfriend online?At ganon lang kadali ay umiiyak na naman ako at hindi ko na naman alam kung paano o kailan ko makakayanang huminto.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, Comment & Follow for more updates!♡
You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo YasonThank you for reading!!
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Novela Juvenil"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)