Nandito na kami ngayon sa school para ipasa ang mga requirements na kinakailangan namin para talagang makagraduate kami.
Sabado ngayon at konti lang ang tao sa school. Mga teachers lang at mga seniors. Mga nagkukumpleto rin siguro ng mga requirements.
Kada mapapadaan kami ay may ilang mga estudyante especially mga lalaki na pinapagalitan or pinagsasabihan. Eto yata yung mga may bagsak, may kulang o kaya hindi makakagraduate at kailangang mag repeat ng grade 12.
Nung isang araw lang, pagkuha namin ng mga gamit sa locker, may mga nakita kaming mga estudyante na sinusuhulan nalang yung teacher para sa ipasa sila. Yung iba naman ay ginagamit ang koneksiyon para makagraduate gaya ng mga may kamag anak na politician o kung ano man. Bilib naman ako sa mga teacher dito dahil hindi sila nagpapadala sa ganon.
Hindi rin kasi sila natatakot kung pagbantaan sila dahil sa uri ng proteksiyon na binibigay sa kanila ni Miss Barbara e. Ikaw ba naman bigyan ng personal at trained na body guard eh lakabahan ka pa? Dagdag mo pa yung personal security sa bahay nila.
Kapag bagsak ka, bagsak ka talaga. Ang tanging gagawin lang nila ay i assist ka kung ano ang mga pwede mong gawin para maka graduate, makapasa o kaya ay ano ang kailangan kung magri repeat.
"Hindi parin talaga ako maka move on kagabi, vevs. Kinikilig parin ako. As in."sabi ni Philip paglabas namin ng Faculty room. Kakatapos lang namin magpapirma ng clearance.
"Ako din. Para kang first lady ka kagabi, Abibi. Omgnizinationism."dagdag pa ni Gwenny tsaka sila sabay sabay na nagtitili.
"We need to meet this cutie Nate Javix Castañares."sabi naman ni Karran at dinugtungan naman yon ni Cess.
"Right. Nang magkaalaman na kung nababagay talaga sa kaniya ang basbas namin."sabi niya.
"Hindi naman porque may abs eh ipapaulam na namin sayo yon no. Kelangan may manners din."paechos naman ni Philip.
Speaking of nangyari kagabi...
FLASHBACK
"May nag- iintay sayo sa baba, Abrianna."
Nang marinig ko iyon ay agad akong bumaba. Hindi naman ako kinakabahan o ano pero nahihiwagaan ako kung sino ba yon. Baka mamaya may magnanakaw na tapos specific daw yung nanakawan kaya hinahanap ako e.
Nang makababa ako ay may nakita akong magandang babae na nasa labas ng pintuan.
Satatanga, hindi pinapasok.
She's wearing a fatigue sports bra and black shorts paired with a black coat. She has this intimidating aura especially when you're looking at her pitch black eyes. Her hair was dyed with ash gray color which made her look like a foreigner. More like a korean.
May kasama siyang apat na lalaki na pulos nakaitim. They're wearing shades at may nakasulat na Onyx Builders sa mga damit nila. Mukha silang body guards.
"Are you Miss Abrianna?"tanong sa akin ni gray- haired ate.
"O-opo. Ahh, Abby na lang po. Pasok po kayo."
"I'm actually younger than all off you. I am just 16 so please drop the po and opo."sabi niya pagkaupo sa single sofa.
Wala man lang kumulubot sa tiyan niya nang maupo siya. In short, ang sexy niya. Tas ang puti pa niya at ang ganda. Tapos ang bata niya pa para maging secretary. 16? Woah.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Roman pour Adolescents"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)