"Hala shuta, Abby. Sorry. Akala kasi namin eh talagang ayaw mo lang na sine-streotype ang mga girls eh kaya mo naman pala ayaw non eh kase... n-naranasan mo na."
"Goodness gracious, Abibi. Bakit hindi namin alam yan?"
Si Philip at Gwenny ang nakakapagsalita matapos kong ikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari nung bata pa ako. Si Paula ay tahimik lang at kanina pang hindi mapakali at nang tanungin namin ay hindi daw siya komportable sa ganoong usapan. Si Karran naman ay tahimik lang din pero umiigting ang panga kaya malamang ay nagagalit din siya. Si Cess naman ay chill lang pero alam kong naiinis at nagagalit din siya.
"So what happened when after you were sexualy harrassed?"
"Pagkatap---"
Hindi ko na nasagot ang tanong ng mga kaibigan ko ng may maramdaman akong yumakap sa likuran ko. Hindi na ako umimik pa dahil alam ko naman kung sino yon.
Namiss ko 'tong yakap na 'to. Yung akala kong yakap na pinagsawaan na ko these past few days.
"Can we talk now?"marahang bulong ni Nate.
Para naman kyong naging cue sa mga barkada ko kaya isa isa silang lumabas kasama si Tan at Eron.
Nagtanong siya kung pwede kaming mag-usap pero nandito lang naman siya sa tabi ko at masuyong hinahagod ang buhok ko.
Kanina pa siya dito at halos dumilim na ay hindi parin siya umiimik. Nakakailang buntong hininga narin siya. Sa pakilasa ko ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kaya ay kung paano magsisimula.
"Hindi naman ako galit. Hindi rin ako nagtampo or whatever. Naiinis lang talaga ako sa mga ganong salitaan dahil hindi naman yon totoo."
"I was sexually harassed wearing clothes conservatively, Nate."
"I was like a 21st century Maria Clara."
Mas lalong humigpit ang yakap niya pero hindi parin siya nagsasalita.
Hindi kami pwedeng matulog mg magkatabi dahil unang una ay bawal ang magkasamang lalaki at babae sa loob ng dorm's room at ang isa pa ay sinabihan din kami ng magulang ko na huwag muna para maiwasan ang... dapat iwasan.
Nasanay na yata kami ng ganito na hindi nagsosorry kapag may kasalanan. Magkasama lang kami at lilipas na ang araw at sa huli ay magbabati rin.
Imabot kami ng alas onse na hindi nag uusap. Nang marinig nya ang hikab ko ay tumayo na sya at marahan akong hinalikan sa labi, sa ilong, sa noo at sa ulo bago niya ako niyakap muli.
"I need to go. I need to make tulog. I love you."usal nya at kumaway sa akin bago lumabas ng kwarto na sya namang pagpasok ni Gwenny, Cess, Karran at Paula.
Para pagaanin ang loob ko, gumawa sina Karran at Paula ng tinatawag nilang Soju Mix.
Soju na hinaluan ng yakult. Soju na hinaluan ng sprite. Soju na hinaluan ng strawberry mogu mogu at pinatry nila sa akin lahat.
Wala namang gaanong nalasing dahil naka tig aanim na shots lang yata kami kaya kami lalong inantok at nakatulog ng sabay sabay.
"Goodmorning, ladies. I brought agahan."masayang bungad sa amin ni Nate kinaumagahan.
Walang pasok kaya sarado ang cafeteria kaya tables at upuan lang ang may silbi dito ngayon.
Pagkatapos naming mag agahan ay nag alisan silang lahat kaya kaming dalawa lang ni Nate ang naiwan. Parehas naman kaming tamad maglakad at mamasyal kung saan saan.
"I have a bad news, honey. Don't make gulat because that's too cute."
Natawa naman aq pero inusisa ko parin kung ano yon.
"And please. Magtagalog ka. Parang awa mo na."dagdag ko.
Pinaglalaruan niya ang labi niya at parang hindi na naman alam ang sasabihin.
Madalas na siyang maging ganito nitong mga nakaraang araw a. Akala mo naman ay hindi ako girlfriend at parang naiilang na ewan.
"Ah wala. Akala q magagalit ka if sinabi ko na muntik ko nang maihulog yung sem. Muntik lang naman."mahinang sabi niya.
"Muntik lang naman pala e. As long as pumasa ka naman at okay ang performance mo sa school, I'm good."tinapik tapik ko pa siya sa balikat para iparating na hindi naman ako nagalit or something.
Natapos ang araw na iyon na nakatambay lang kami sa cafeteria.
Mas nagiging mahirap ang pag aaral at talagang may mga pagkakaton na gustong gusto ko nang sumuko. Haler, ikaw ba namang isang linggong walang maayos na tulog, hindi mo ba maiisipang sumuko? Duh.
Pero kapag kausap ko ang mga magulang ko at naririnig ko kung gaano sila ka excited na magkaroong ng "Attorney" bago ang pangalan ko ay nabubuhayan ulit ako ng loob.
Pero syempre ginagawa ko ito at dapat lang na ginagawa ko ito para sa sarili ko.
Naalala ko tuloy ang naging pag uusap namin ni Karran kahapon...
FLASHBACK
"Abby, wala namang mangyayari kung iuyak ka dyan e. Kung hindi ka mag aaral, lalong hindi mo matututunan yan."pagpapatahan sa akin ni Karran dahil naiyak nalang ako dahil hindi ko talaga maintindihan ang binabasa ko kahit ilang beses na niyang naipaliwanag.
"Bakit ba naman kasi gantong course pa ang kinuha ko, bwisit."bulong bulong ko habang nag aayos ng mga gamit ko na nakakalat sa study table sa tabi ng kama ko.
"Bata palang tayo, Abby. Gusto mo nang mag abagoda."
"Ginagawa mo ito para sa sarili mo at hindi para sa iba. Oo at ang mga magulang mo ang nagpapaaral sayo pero ikaw naman ang nagpapakahirap. Kaya kung susuko ka na lang basta basta, walang mangyayari at mapupunta lang sa wala ang pinaghirapan mo. Mababalewala lahat ng puyat at antok na pinagdaanan mo. Lahat ng confidence na sobrang tagal mong inipon tuwing magrerecit, mababalewala. Lahat, Abby. Lahat mababalewala."
"Bakit nga ba gusto mong maging abogada?" Diba sabi mo sa amin ayaw mo na may magaya sa iyona hindi nabigyan ng pantay na hustiya?"
"Kung gusto mong magawa yon, hindi pwedeng susuko ka na lang kaagad."
"Bago ka gumawa ng bagay para sa iba, dapat mo munang gawin ang mga bagay na para sa sarili mo."
"Lalo na at kapag gagawa ka ng mga bagay para sa sarili mo ay iniisip mo pa muna kung may magbe benefit ba na iba. Ganon ka e."
Napatingin ako sa kanya habang sumisinghot singhot pa pero natuwa at napangiti din ako dahil talagang kilalang kilala niya ako.
"Hindi ka si Abbriana kung madali kang sumuko sa isang bagay."
END OF FLASHBACK
Napatingin muli ako sa salamin sa tabi ko at napabulong.
"Tama. Hindi basta basta sumusuko ang isang Abbriana Femina Acosta. Soon to be Castañares."
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, Comment & Follow for more updates!♡
You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo YasonThank you for reading
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)