"Hello, Attorney."
Hatinggabi na at naisipan kong magtimpla ng gatas imbis na magkape dahil lalo akong hindi makakatulog. Sa sobrang dami ko kasing iniisip, nagrereflect na siya sa eyebags ko at ang hirap nang takpan ng concealer. Napatigil naman ako sa pag inom ng gatas nang biglang sumulpot si Ranz sa harap ko na may dalang laptop at sandamakmak na flash drives. Baka may inaaral siya na kung ano.
"Hi."bati ko pabalik. "Good evening."
"Pumunta ako dito sayo dahil gusto kitang makausap." sabi niya pagkaupo sa harap ko. "About everything."
"Sige, go on."tugon ko naman bago ilapag ang baso ng gatas. "I'll pay attention."
"First, I have a question. Ano bang meron sa inyo ni Vaughn? Kase hindi talaga siya nagsasabi sa amin. But if you don't want to answer then it's fine."
"Technically, we're still dating."
"And he calls you love huh, the heck."natatawang sabi niya kaya natawa rin ako. "But may I ask, what really happened between you and that Nate? I mean kung okay lang."
"Long story short, he cheated. We broke up. I waited for Vaughn to graduate and while waiting, I am in Bohol. When Vaughn graduated, we go to korea and we worked there then we live together. Nandito na kami ngayon sa pinas para magbakasyon sa Cebu dahil hiatus ng kpop soloist ng squad namin. I saw him and he saw me, we fought. And then he messaged me na hindi raw niya pinagsisisihan na hiniwalayan niya ako kaya nag rebutt aq pabalik."
Nakakahiya mang aminin na pintaulan ko si Nate ay sinabi ko parin sa kaniya. Hindi man kami matagal nang magkaibigan ay alam ko na wala lang sa kaniya na makarinig ng mga bagay na katulad nito mula sa akin. Magkaugali silang maga asawa, pareho silang understanding pero pareho din silang judgemental.
"The heck, toxic as fuck."dismayadong sabi niya na umiiling pa. "Alam mo this is the advice that I can give you ha. Not based on experience but based on facts."
"Okay okay. What is it, Mr. Loyal?"
"Kay Vaughn muna."pag ayos niya ng upo. "You rejected him years ago dahil bata pa kayo. Hulog na hulog yan sayo pero lowkey lang yan. Hindi yan palakwento. Hindi yan iimik kung hindi tatanungin. Hindi rin yan nagpapakita ng kilig maliban nalang kung aksidente lang. Mabait yan pero natuto magbisyo dahil sa past experience niya. Matalino din yan. Palagi yang nagtatop sa exams. Lagi pang nasa dl nung college. Pero grabe yan magmura, another flaw. Hindi rin yan laki sa hirap. Bago pa yan matuto magsaing, ilang kaban ng bigas pa ang nasayang niyan. Pihikan din yan sa ulam at hindi kumakain ng gulay pero napilitan dahil vegetarian and adoptive parents."
"Kung sa relasyon naman, wala pa yang nagiging girlfriend. Naging crush kaya niyan ang asawa ko nung grade 7 palang kami. Pero happy crush lang daw yon dahil nagagandahan lang siya kay Rich. Kung hindi mo natatanong, ang love language ni Vaughn ay affirmation, words and action. Kahit hindi mo siya bigyan ng label, basta ipakita mo sa salita at gawa na mahal mo siya, kuntento na yan."
"Si Vaughn ang uri ng tao na hindi naniniwala sa reciprocated feelings or reciprocated love. Kung gaano kalaking pagmamahal ang nararamdaman niya sayo, iyon lang ang sasabihin niya at iyon lang ang ipaparamdam niya. Vaughn doesn't believe that 'I love you so much' exists and hindi ko alam kung paano sya magsabi ng mahal kita o kung ano man. Sigurado namang malalaman mo yan sa susunod."
"Honestly speaking, hindi ka lang gusto ni Vaughn. Dahil kung gusto ka lang niya, ipupush ka pa niya na makipagbalikan sa toxic mong ex. Mahal ka niyan. Hindi niya lang sinasabi dahil alam niyang hindi ka pa okay. Alam niyang hindi ka pa talaga masasabing fully healed, emotionally. At ayaw ka niyang biglain."
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)