35

4 2 0
                                    

"I will be staying there for good."malungkot na sabi ni Paula. "My mom wants me to study the law in states dahil gusto niyang doon ako mag work with my step dad. You guys know na I can't say no to Mama."

"Paano na si Eron?"tanong ko. "Iiwanan mo siya?"

"No, he'll come with me. Doon nadin siya titira. His parents are there anyway."

Ngayong umaga lang ay pumunta si Paula sa bahay kung saan ako lang tao. Ipepetition daw silang mag ina ng step dad niya sa amerika para doon na manirahan dahil gusto ng nanay ni Paula na aralin niya ang batas doon para doon siya makapag trabaho. Isasama naman niya si Eron dahil parehong nasa ibang bansa ang mga magulang nito bagaman parehong pilipino.

"Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanilang lahat. Hindi ko ata kayang magpaalam sa personal. Kukumpletuhin ko mga regalo ko sa birthdays niyo, promise. Bukas na ang alis ko."mahabang sabi niya bago tumayo at magpaalam. "Ingat kayo dito, mahal ko kayo."

Magiging lima nalang kami. Si Cess. Babalik na siya sa korea sa bukas. Kahit na naka hiatus siya, hindi ibig sabihin non ay hindi na siya magtatrabaho. Hindi ibig sabihin non ay buong taon siya dito sa pilipinas. Kailangan niya paring bumalik at nangako naman siya na magiging okay siya.

Wala naman akong magawa sa bahay dahil nag iisa lang ako at wala silang lahat. Busy sa kani kanilang mga gawain sa buhay. Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan nang biglang may kumatok at hindi pa man ako nakakalapit ay pumasok na si Philip sa pintuan na wala man lang dalang kahit ano.

"Kakaresign ko lang. Shuta, ang init sa firm natin. Wala man lang pa aircon si Sir Rakki."

"Nagresign ka?!"gulat na sa sabi ko. "Bakit ka naman nagresign?!"

"Kumalma ka nga, Abby. Ang oa mo."natatawang sabi niya. "May nag alok sa akin ng trabaho sa Tacloban. Ang taas pa ng sweldo. Tapos nag abroad yung kapatid ko, napakawalang hiya. Walang makakasama sina Mama at Papa kaya dun muna ako."

"Umalis na nga din si Paula."

"Oo nga."tugon niya habang papunta kami sa kwarto niya. "Nagchat sa akin. Kukuhanin ko lang gamit ko tapos alis na ako. Pero kapag may kailangan kayo, tawagan niyo lang ako."

"Sige lang. Ingat ka don."

"Kayo ang mag ingat, bakla. Wala na kayong Mykel sa bahay."

"May Grant at Vaughn naman, pwede na yon."sagot ko habang pinapanood siyang maglagay ng mga damit sa maleta niya.

Huli niyang nilagay ang picture frame naming walo kasama si Grant. Agad namn siyang nalungkot pero idinaan nalang sa tawa at nagpatuloy. Dinala niya lahat ng mga luho niya sa buhay pati ang mga awards at diploma niya.

Ilang minuto pa lang si Philip nandito ay agad ding siyang umalis. Siguro ay sadyang malaki ang sweldo sa kaniya kaya talagang tinanggap niya ang alok don. Nabalitaan ko rin dati sa firm na pinagtatrabahuhan ko na walang masyadong firm sa Tacloban at kapag kailangan ay dinadayo pa sila ng mga taga Maynila na lawyers.

Gwenny calling....

"Wag mong sabihing aalis ka din."bulong ko bago sumagot.

[(Abby, favor naman, pwedeng pahanap ng marriage certificate namin ni Rakki? Nandun sa drawer sa ilalim ng kama ko. Pati yung birth certificate naming dalawa. Yung may seal ng NSO.)]

"Bakit? Ano namang gagawin mo don?"

[(Kailangan yan ni Rakki, hindi sinabi kung para saan. Papicture-an ako tapos pasend nalang sa email ko para malinaw.)]

"Okay, Gwenny. Akong bahala."

[(Sige. Thank you, Abby. Mamayang hatinggabi ako uuwi, wag mo na ako hintayin.)]

"Okay..."

Buti nalang at hindi niya sinabing aalis siya. Sobrang iwan na iwan na ako. Pakiramdam ko mag isa nalang ako. Ayaw ko ng pakiramdam na ganon. Kase minsan parang gusto ko nalang umalis bigla at iwanan din sila.

Pero saan naman ako pupunta?

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tutulungan kong mag impake si Cess dahil babalik na siya sa korea para doon na ulit mag stay. Hindi ko naman kailangang mag alala dahil marami siyang kasama doon pero syempre ay mag aalala parin ako paminsanan.

"Ako lang ang maghahatid sayo."malungkot na sabi ko bago sumakay sa driver's seat para ipagmaneho siya. "Nasa hospital ang dalawang doktor at nasa trabaho si Karran. Hindi nqman umuwi si Gwenny at doon natulog sa bahay ng asawa niya. Umalis na si Paul at Philip kahapon."

"Magiging okay ka naman ba?"maingat na tanong niya. "Sa bagay, sasamahan ka naman ni Vaughn e."

"Magiging okay naman ako."sagot ko. "Andyan naman sina Che at Grant. Nandyan naman si Vaughn tsaka si Karran. Hindi naman ako papabayaan ng mga yon."

Nang makarating kami sa airport ay agad si Cess sinalubong ng team niya at agad din siyang pinagkaguluhan kaya nagtago na lang ako sa gilid. Isang lalaking naka suit na pula ang nasa tabi niya na siyang nagsuot sa kaniya ng mask at beanie na isa rin yata sa mga staff niya. May suot din akong mask at shades para kung sakaling may mag picture, hindi ako madadamay. Ayoko sa spotlight.

Nag drive thru muna ako sa mcdo dahil tinatamad akong magluto sa bahay. E nag iisa naman ako. Pinag aaralan na ni Karran ang ipoprosecute niyang hearing at nagpapractice na naman siya ng skills niya. Mahal ako ni Karran. Hahayaan niya akong manalo.

Hindi naman palaging umuuwi sa bahay ang dalawang doktor. Makapareho sila ng schedule. Palaging 22-hour shift ang kalaban nila araw araw. Kapag pumasok si Che nang umaga ay dadating sila ng mga 10:00 ng gabi or minsan nag oovertime sila kaya hindi ko na sila inaantay. Minsan ay hindi na sila kumakain at pinipiling ibigay na lang sa tulog ang mga libreng oras nila.

"Magandang.... gabi."pahina nang pahina ang boses ni Che nang pumasok siya sa bahay at ako lang ang nandoon. "Loh, nasan sila lahat?"

"Umalis."

"Sumagot ka nga ng maayos. Anong umalis?"

Nagkibit balikat lang ako at bahagyang yumakap sa kanilang dalawa ni Grant. Nakita ko namang maliwanagan si Che sa mga tanong niya nang buksan niya ang phone niya. Baka nakita na niya ang mga messages sa gc.

Nanatili akong nakaupo sa sofa habang tinatamad nang gumalaw. Nawawalan na ako ng gana sa lahat.

Gusto ko nalang mawala.

"Abby, why are you biting your fingernails?"napatigil naman agad ako sa pagkagat kagat ng kuko ko at napakamot sa balikat. Nagkatinginan naman sila pero hinayaan lang ako.

"Kakain lang kami tapos pahinga then, tulog. Umakyat ka na may pag uusapan kami."

Sinunod ko naman ang sinabi nila at umakyat na. Wala akong planong matulog na kaya nag ayos nalang ako ng gamit. Mga gamit ko pa iyon nung college at hindi na nagagalaw dahil nag ibang bansa nga ako.

Nakita ako ang pinaka iniingatan kong pencil case at inilabas lahat ng laman noon. May tinta pa ang mga ballpen ag highlighters. Purol na ang tasa ng mga lapis at color pencil.

Napansin ko naman ang cutter na bahagyang nakalabas ang blade. Hinawakan ko ito at itinapat sa aking braso tsaka ko dahan dahang iginuhit hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong pinapanood ang pag agos ng dugo doon.

Hanggang sa pakiramdam ko ay nakatulog na ako.

Wala nang planong gumising pa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote, Comment & Follow for more updates!♡

You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo Yason

Thank you for reading!!

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now