20

9 3 1
                                    

Cherie's POV

"Ah. So akala niyo, hindi ko alam?"hayag ko at pinagkrus ang braso. "Alam ko na, akala ko nga sasabihin na niya nung tinanong ko kung bakit wala yung report card niya e tapos nag cover up pa si bakla."

Tahimik lang naman si Gwenny at Philip tsaka si Abby dahil ayaw naman nilang mas isipin pa ang nakita kagabi. Nasabi kasi nila kanina na nangialam daw sila ng very very light sa laptop ni Cess.

So, for you guys to know lang hehe, nandito kami lahat. Not exactly LAHAT. Ako, si Gwenny, si Abby, si Philip, si Karran, at si Paula lang ang nandito. Ang iba naman ay nasa grocery at ang iba ay may kaniya kaniyang pinuntahan.

Alam ni Grant ang iba sa nangyayari kaya agad ko siyang nakumbinsi na samahan si Cess sa pamimili ng grocery para makapag usap usap kami. Buti nalang at ang bait ng kapre ko, mabait din kasi ang nuno niya sa punso.

"Are you guys even sure??? Like, what if we're bluffing???"hirit pa ni Paula.

"Pwede naman siyang magsayaw e. Pero yung bitawan ang pag aabogado para sa sayaw? Hell, no."naguguluhang sabi naman ni Karran.

"Pero it's in. Drop out na siya sa Fornax. Nakita na namin ang email."muling anunsyo ni Abby. "Pero mas kapani paniwala kapag siya mismo ang nagsabi."

"Pero din vevs, obvious na."

"Sa true."pag sang ayon ko kay Philip. "Una, outfit. Tsaka pansin niyo ba, hindi na siya nagpa short hair mula second year kaya super haba na ng hair niya. At bakit nagpapahaba ng hair ang dancer????"

"To get rid of hair extensions and to be able to color it???"

"Tumpak, mareng Paula. "sagot ko. "Kaya nga sya may hair dye, akala ko isa lang tapos isang kahon pala. Nagpahaba ng buhok pero planong magpaka kalbo."

"Ay meron pa guys."singit naman ni Karran. "Alam nyo bang nagpart time sya sa karinderya para lang mabili yung camera at tripod niya? Wala pa siyang planong sabihin kung hindi pa nahulog mula sa bag niya, hindi natin malalaman."

Medjo kagulo pa kami. I mean, sila. Medjo kagulo pa sila dahil nga sa mga pinag gagagawang kalukahan ni Cess sa buhay niya. Pero ako, medj lang keri one half. Sayaw sayawlang naman yon, may future naman siya don since may mga nag ooffer na sa kaniya at gusto niya rin naman ng seryosohang sayawan hindi yung kalye kalye lang.

"Alam niyo..."panimula ko. "Kumalma na kayo. Wala na siya sa college means ayaw niya nang mag abogado. We can't blame her. School is a mess. Seryosohang sayawan ang gusto niya. Hindi yan tambay tambay lang sa bibichuging studio. Minamaliit nyo naman masyado si Cess."

"Pano kapag... pano kapag wala siyang marating?"alinlangang tanong ni Philip.

"As a person speaking for Cess, nakaka offend ha."eksaheradong sagot ko. "But well, hindi naman tayo squad for nothing diba? Kapag nagipit or nalugi siya because of that career, ako na magpapaaral don. Ibabalik ko siya sa college. Or pagtatatrabahuhan niya ang pampapaaral ko sa kaniya. Pero kung gusto niya talagang magsayaw edi ihanap natin ng matino???"

"Well, as if naman we'll allow Cess to be in a bibichuging studio just like Cherie said."sabi naman ni Gwenny.

"Wag niyo nalang muna ipressure. Mamaya kahit siya hindi pa sure e."

Afternoon came and everyone came home. Amara's already asleep on Cess' arms. Tulog din sila pagdating nila sa sobrang pagod. Tinulungan ko naman si Grant na maglagay sa fridge ng frozen goods.

"Alam mo epal ka rin sa buhay ko. Gusto kong mag ride nung train sa loob ng SM tapos kailangan ko pang samahan si Cess sa lahat eh pocha ang mainipin pala non???? Halos hatakin na ako palabas ng grocery kesyo wala na daw bibilhin??? Halos batuhin na nga ako ng basang pechay????"

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now