12

18 5 0
                                    

WARNING: vulgar words, aggression

"Mas maganda kung mag- live in na lang kayo."

Nasamid ako mula sa pag- inom ng juice nang marinig ko ang sinabi ni Tita Franzine sa amin ni Nate. Habang nanlalaki ang mata ay dahan dahan akong napatingin kay Nate. Bago naman siya tumugon ay nginitian niya naman muna ako.

"I have plans for that, Mom. Maybe when we started going to law school nalang para magkasama kami."aniya.

Napag usapan na namin namin yon. May mga 2 months na kaming dalawa at napag usapan naman agad naming tumira sa iisang bahay.

Kasama namin si Gwenny, Philip, Cess, Karran at Paula noon pati si Eron at Tan. Sa una ay nalungkot sila dahil mas gusto daw nilang magkakasama kami sa dorm pero ang sabi ko naman ay tsaka pa kapag nag lalaw school na kami.

Echos ako noh. Napag usapan na namin ito. Nagulat lang ako dahil pati pala nanay niya ay ganon ang naiisip.

"Good, akala ko hahayaan mong diyan lang kayo sa bibichuging dorm ng kuya mo e."

Pagkasabing pagkasabi naman ni Tita Franzine noon ay biglang sumigaw mula sa taas.

"My dorm is not bibichugin, Mom!!!"naiiritang hiyaw niya mula sa taas at may narinig pa kaming babae na pinapatigil sya sa pagsigaw.

"I was not informed that Kuya already had a girlfriend."

"Sabi ni kuya mo, meeting daw yon about bussiness... pero nasa kwarto naman."

Napatawa lang kami sa sinabi ni Tita Franzine bago kami tumayo. Napatingin ako nang may makitang i.d sa baba, nahulog yata.

Barbara Zithea Escondo Miles

Bakit naman may i.d dito si Miss Barbara? Hindi ko na iyon pinagkaisipan at inilapag na lang sa may cofee table tsaka kami nagpaalam na uuwi na. Nang magpaalam kami ay pinabaunan pa ako ni Tita ng mango graham na pinagtulungan naming gawin kanina.

Dahil walang dalang motor o sasakyan si Nate ay napagdesisyunan naming mag jeep na lang. Mas mura pa kaysa kung magbubook pa kami ng grab.

"Feeling ko, it's not safe kase you're wearing a shorts."

"Ayan ka na naman sa shorts shorts na yan e."pasiring na tugon ko.

"Eh kasi, masyadong maiksi."

"Aba."singhal ko bago siya hinarap. "Kaya nga shorts e. May shorts ba na hanggang talampakan, aber?"

"Yeah. Whatever, I said I'm not aber."

Hindi ko na siya pinakialaman sa pagharang harang ng katawan niya sa akin hanggang pumara ako ng jeep. Nauna akong sumakay dahil aarte pa siya at maauna pa dapat tsaka iaabot ang kamay sa akin, hindi naman ako disabled at kaya ko naman.

Habang nakaupo kami ay saktong dalawa na lang ang kulang kaya medyo siksikan. Nang may bumaba naman sa linya namin ay hindi naman umuusod ang mamang katabi ko. Tulog kasi yata dahil nakatungo sa kaniyang braso na nakakapit sa kapitan ng jeep.

Hindi ko na sana papansinin ang mainit na kamay na humahawak sa bewang ko sa pag- aakalang kay Nate iyon nang makita kong gising yung mama sa tabi ko at nakangisi sa akin.

Nang mapnsin iyon ni Nate ay agad siyang napamura pero bago pa siya may gawin doon sa mamang iyon ay agad ko itong nakuwelyuhan at naihiga sa sahig ng jeep.

Pinagtinginan na kami ng mga tao sa loob at wala akong pake don. Traffic kaya hindi mauga ang jeep.

"May bewang naman siguro yang asawa mo, diba? Edi yon ang hawakan mo, tanga."

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now